"Fuck.." napasinghap ako ng tumabi sa akin si Draco at Darton. Bahagya pa nilang niluwagan ang tie nila na parang sakal na sakal. "I don't know why the fuck I'm so nervous." Bulong ni Darton sa likod ko. Siguro dahil sa media na nasa kabilang side.
I didn't talk. Tutok na tutok ako sa harap. Lalong lumamig ang paligid ng lumabas si Daddy na seryoso na hindi mo maipaliwanag.
"Good evening everyone." Baritong boses ni Daddy ang umalingawngaw sa paligid. Walang kahit anong ingay. Lahat ay tutok sa kanya. Ang ingay ng ilan media sa gilid ang tanging ingay na maririnig mo.
"It's not secret to everyone that I had an affair years ago with another woman."nag- igting ang panga niya. Panay ang click ng camera sa gilid. Ang buong pamilya ay tahimik pa din at nakikinig kay daddy.
Tumingin siya kay mommy na ngaun ay nakangiti sa kanya. Gusto kong magalit. Gusto kong sigawan siya at magwala dahil natatanggap niya itong kabaliwan ni Daddy.
"I want to apologize to my understanding wife and my two loving daugthers for all the mistake I've done." Huminga ng malalim si daddy.
Tumikhim ako at umiling.. is this what? He's lying! Hindi ko siya natanggap! How dare him to lied infront of everyones faces?!
Si Kristele sa gilid ko ay may sinabi na hindi ko na maintindihan. Tutok na tutok ako kay daddy habang nakakuyom ang kamao ko. "I want to thank them for understanding me even though I took them forgranted for the past years busy looking for my son. I appreciated all of your presence to meet my only son.."
"What the fuck is he talking about! As if he gave us a choice!" Gigil na salita ni Kristele sa gilid ko.
Now I know kung bakit may media. This is a blow for the family. For the industry.. gusto niyang makita ng lahat na tanggap namin ito. Ayaw niyang masira sa ibang tao. So he chose to wreck us?
"Pahingi ng isa," pigil ko sa isang waiter nang dumaan sa harap namin na may dala dalang wine. Kumuha din si Draco at Darton sa gilid. Mabilis ko itong nilagok at kumuha ulit ng isa.
"Now--" hindi na natuloy ang sasabihin ni daddy ng biglang bumukas ang pinto ng pavillion. Laglag ang panga ko ng lumitaw ang papa ni Luther. The cold and ruthless expression he's wearing the first time I met him is still the same.
Pormal at may kasamang mga bodyguards ang papa niya. What is he doing here? "I want you to meet my son." Patuloy ni daddy.
"What the hell?" Narinig kong salita ng tatlong katabi ko. Ang mga mata ko ay tutok na tutok pa din sa papa ni Luther na malamig na nakatingin sa harap. Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla kong nabitawan ang wine glass na hawak ko na lumikha ng matinding ingay. Lahat ng atensyon ay napunta sa akin. I can't look where dad's standing. I don't know why pero nanginig ang buong pagkatao ko.
"Putangina!" Isang mura ang pinakawalan ni Draco kaya lalong kumalabog ang dibdib ko.
Nang humarap ako sa gitna kung nasan si daddy ay nanginig ako at tila ba nawalan ng lakas. Ang iba ay itunuon ang tingin sa harap habang ang iba ay nasa akin pa din.
Literal akong nakatunganga sa harap ng makita ko si Luther na napapalibutan ng mga bodyguards habang nakatabi kay Daddy. What's happening? Bakit nanjan si Luther?
"Sasha," napahawak sa akin ang magkapatid na Draco at Darton ng halos matumba ako. Literal akong nanghina at nawalan ng lakas.
"My son.. Luther Jameson Dela Fuente." Salita ni Daddy kaya lalong napamura ang magkapatid sa tabi ko. Napapikit ako ng mariin dahil sa sobang panghihina na nararamdaman ko. Para bang nanaginip ako at nalulong sa bangungot. Is this true? Is this really happening to me? Si Luther?
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
27. Dela Fuente
Start from the beginning
