Sa pamilya kasi namin. Every first born ng mga generation will be the successor. I was the first born in our family. Mas matanda ako kay Dom pero sa kanya pa din ipinasa ang company. Now that my half brother is here. I guess maging masaya nalang ako sa trabaho ko. I guess it's better kung lumayo ako sa pamilya na'to.

Pamilya na ni minsan ay hindi ko naramdaman na pamilya. I'm close to my cousins.. pero ang mga tita at tito ko? We talked pero hindi ako close.. civil lang sila sa akin so ganon din ako sa kanila. Siguro.. dahil hindi din ako lumaki kasama sila.

"What are you guys doing here?" Napatingin kami ng dumating si Dominic. Nakakunot ang noo niya na hindi mo malaman kung ano ang dinadala. We're not close dahil mas malapit ako kay Draco at Darton. Aloof kasi masyado si Dominic, at minsan hindi mo maintindihan ang iniisip niya.

"Are you okay, Sasha?" Nagulat ako sa tanong niya. We're not close but we're civil. Hindi naman kasi ako lumaki dito kasama sila. Hindi ko nga din alam kung bakit napalapit ako sa dalawag kapatid niya.

And Dom never asks me about my feelings or so whatever. Never ko ngang naka-bonding yan.

Ngumiti ako ng bahagya at tumango. Kahit sa kaloob looban ko ay hindi naman talaga. Hindi din naman nila ako maiintindihan dahil wala sila sa lugar ko. "Okay lang." Sagot ko.

Tumabi si Dom sa gilid ko at nagpakawala ng buntong hininga.

"Ikaw kamusta?" Tanong ko.

Pagod niya akong tinignan. " If I tell you I'm not fine would you care?" Malalim ang mga mata ni Dom na nakatingin sa akin. Nagulat ako sa tanong niya. Of course I would care! We're not close but he's my family.

"Oo naman.."

Ngumiti siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit sakit ng mga ngiti niya. "You're strong, Sasha.." salita niya tsaka ako iniwan.

Tumunganga ako habang pinapanuod siyang lumakad papasok sa loob ng hotel. For some reasons meron sa salita ni Dom na nagpakaba sa akin.

"Ate magsisimula na," Sigaw ni Kristele kaya natauhan ako. "Lets go." Anyaya ni Draco sa tabi ko.

Parang bumagal ang oras sa paligid ko sa halo- halong emosyon na nadadama ko. Nangingibabaw sa akin ang galit, takot at matinding kaba. May takot akong nadadama na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman.

Nang pumasok kami sa pavillion ay panay ang click ng ilan camera. Umiwas ako doon at pumunta sa gawi kung nasaan ang pamilya nila Darton.

"Good evening po," mabilis akong nagmano sa mommy at daddy nila Draco. Tipid na ngiti lang ang binigay sa akin ng mag-asawa.

"Ate, come with us," tawag sa akin ni Kristele. Napatingin ako sa gawi ng table nila kung saan nakaupo si Mommy katabi ang lolo at ibang tito ko. Mabilis akong umiling kay Kristele.

"I'm fine here, Kristele." Sagot ko. Gumilid ako sa pinakadulong table kung nasaan ang ibang kamag-anak na hindi ko na kakilala. I guess extended family na sila? Or whatever!

Parang grand reunion ang nangyari sa amin. Ni hindi ko nga matandaan kung kailan nagsama-sama ng ganito ang buong Dela Fuente. Kung meron man.. hindi ko alam.

"No, I'm joining you.." tumabi si Kristele sa akin. Hindi na ako nagsalita.

Tumahimik ang lugar at nag-dim ang ilaw. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan? Dapat ay galit ako ngaun or ano pero tanging kaba ang nanalaytay sa buong pagkatao ko.

"Who ever he is? I'll hate him forever!" Bulong ni Kristele sa gilid ko. Hindi ako makakibo. Parang may dumaan anghel sa sobrang tahimik ng lugar. Tila ba lahat ay naghihintay kung sino man ang lalabas sa harap.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now