Umiling ako. Maybe, tapos na nga ito. At tapos na din ako sa kanila. After this.. I will be no longer part of this family. Mamumuhay ako kasama si Luther.

"Good for you then." I answered her without looking at her. Naiirita kasi ako. Naiirita ako sa kanya at sa katangahan niya. Naiirita ako at nangyayari ito sa amin.

"And I don't want you to live here Sasha.." marahas akong napabaling kay Mommy sa sobrang gulat. Hindi ko mawari kung ano ang mararamdaman ko. Does she still know that I'm her daughter?

I shouldn't be surprised pero bakit masakit? Bakit parang mas gusto niya ang anak ni Daddy kaysa sa akin? Bakit nagbago siya? She's totally throwing me for the sake of her love for daddy? 

Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha ko na nagbabadya. Ang salita niya ay parang punyal na tumama diretso sa puso ko. "You don't have to worry, I don't want to live here, mom.." I said coldly.

Ngumiti si Mommy at tumango. "Good." Tsaka niya ako tinalikuran. What happened to you mom? Ganyan na ba ako ka walang kwenta seyo? It's not that I want to live here, though. Pero yung marinig mo mismo sa kanya na ayaw niya akong makasama ay nagpasakit ng puso ko.

Ang bigat ng pakiramdam ko ng maayos ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ganon sa akin si Mommy. Bakit pinaparamdam niya sa akin na parang ako ang may kasalanan ng lahat? Bakit pakiramdam ako ang may kasalanan kung bakit nasira ang pamilya namin? Hindi naman ako diba?

I was the victim here. Kami ni Kristele.. bakit ako ang nagdudusa sa kasalanan ni Daddy? Dahil hindi ko napapatawad si Daddy? I got mad at him because of her.

I was there for her. I was there for our family. Why am I the one who's suffering now?

"Ate okay kana?"

Nawala lahat ng iniisip ko ng pumasok si Kristele sa kwarto. She's wearing all black na parang pupunta sa lamay.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tumayo ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko. I still have 1 hour before the party will start. Pinilit kong itago ang nararamdaman ko dahil sa mga salita ni Mommy. Pero hindi ko maiwasan ang tabang at pait sa sarili ko. Tsaka, sanay na ako.

"To show them that I'm not happy with this ridiculous thing.. God! Hindi ba nila naiisip ang kahihiyan natin? Ng pamilya? Dad can bring his son here so we can meet him. Bakit kailangan pang ng engrandeng party? It's a big disgrace to our family."

Hindi ako nagsalita. Kasi kahit ako mismo ay hindi maintindihan. At kahit ipilit ko sa sarili ko na wala na dapat akong maramdaman. Mas lalo lang akong nasasaktan.

"And mom, I can't understand her.. why she's proud of what is happening? Why is she even tolerating dad with this? Uggh!" Halos sabunutan ni Kristele ang sarili niya.

"Iniwan na tayo.. binalikan at iniwan ulit pero si mommy.. Tinatanggap niya si daddy like nothing happened. And I can't understand why she's so mad at you ate. Ang gulo.."

Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadya. As much as I want to answer all of her question wala akong masagot. Kasi kahit ako.. hindi ko alam ang sagot.

Siguro okay na din ito. Harapin ang bagay na ito para matapos na ang kabanata na ito sa buhay namin. Maybe mom loves dad so much kaya tanggap niya ito kahit ano ang mangyari.

Ganyan ka-powerful ang love. Sometimes, it gives you the power to be better or the power to be the worst. Iba iba ang definition nito at kung paano mo ito iha-handle. It could make you lose your own sanity or it could be your own sanity.

"Tara na," salita ni Kristele. Umiling ako at dumiretso sakay sa kotse ko. "May dadaanan lang ako."

"Ano?" Takang tanong niya. Hindi na ako sumagot. Pumasok ako sa kotse at diretso pinaharurot.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa condo unit ni Luther. I felt numb and high at the same time. Halo-halo ang emosyon ko na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. I just want to hug him para maramdaman ko na hindi ako mag-isa.

Malamig at tahimik ang unit ng dumating ako. Nilibot ko ang buong unit pero wala si Luther. It's weird because it's eight in the evening na.

Walang bakas na kahit ano ni Luther ang lugar. Napahinto ako ng may makita akong envelope sa ilalim ng lamesa. I was going to open it when my phone rang.

"Ate, bilisan mo. The whole family is here.."

Hindi ko na ito nabuksan. Inilagay ko nalang ito sa bag ko at nagsimulang libutin ulit ang lugar.

I open our room and left a note for him. Sinubukan ko kasi siyang tawagan pero cannot be reach ang phone niya.

Hindi ako mapakali. I want to see him pero nasan siya? And I don't have time to find him now.

"Hello?" Malamig ang boses ni Simon sa kabilang linya. I know it's bad timing dahil siya mismo ay may problemang dala but I'm just going to ask if where's Luther.

"Simon," huminga ako ng malalim. "It's Sasha, sorry to disturb you.. do you know where's Luther?" Walang ligoy na tanong ko.

Hindi agad nagsalita si Simon at tila ba nag- iisip.

"The last time we talk was early this morning. He told me that he's going to the office but my secretary told me that he didn't came. Wala ba siya sa condo?" Sagot niya.

Umiling ako kahit di naman niya nakikita. Nasaan si Luther? Hindi siya pumasok sa office? San siya nagpunta? Hindi naman yun umaalis ng walang paalam. 

Huminga ako ng malalim. "Wala siya.." sagot ko sabay labas ng unit niya.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now