"Hindi ako sasama.."malamig na usal ko. Mabilis at sunod sunod ang pag-iling ni Kristele. Mom and I were not in good terms. Sa hindi ko alam na dahilan ay kami ng Mommy ang nagkasira. Si Daddy ang may kasalanan pero sa akin galit si Mommy na hindi ko naman alam kung bakit.

I was there for her. Kasalanan ko ba kung galit ako kay Daddy? Kasalanan ko ba kung sisihin ko siya kung bakit nasira ang buhay namin? Kung bakit nasira ang buhay ko? Kung wala si Luther sa tabi ko.. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngaun.

"You can't say no. All the the Dela Fuente's will be there. Dad will hunt you." Naramdaman ko ang lamig at galit sa boses ni Kristele. How dare he not to give me a choice!

"Kailan daw yan?" I asked coldly. Pupunta ako. Pupunta ako para matapos na ang kabanata na ito sa buhay ko. After this.. I'll leave the house for real and I will ask Luther to marry me. I want a quiet and peaceful life. Tutal, mahal naman ako ni Luther. At mahal na mahal ko si Luther.

"Tonight."

Nanlaki ang mata ko. Ganoon kabilis? Mamaya agad? Dad is so.. Ughh!

"Tara na.. umuwi na tayo." Gusto ko sanang i-text si Luther pero lumilipad ang utak ko at hindi ako makapag- isip ng maayos. All I feel now is extreme anger and hatred. I hate dad so much!

I decided na umuwi kasama si Kristele. Ang sabi niya sa akin ay sa isang hotel daw ipapakilala ni Daddy ang anak niya kasama ang buong clan ng Dela Fuente. Pupuntahan ko nalang si Luther sa condo mamaya bago pumunta doon.

Cold ambiance embraced me when I entered the house. Hindi na ito katulad noon, nung masaya kami nila mommy kahit kami lang ni Kristele. Until dad came back and ruined everything again. Hindi na kami bumalik sa dati.. and for some reasons, nagkasira kami ni Mommy. Dumiretso lang si Kristele sa kwarto niya para mag-ayos sa party mamaya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganitong kabilis ay biglaan ang pagpapakilala niya sa anak niya. I mean-- kelan pa niya nahanap? Saan or sino? I remembered the last time I saw Dad. I t was my graduation pero hindi siya nagpunta.

Nawala na siya e. Natanggap ko na.. pero bakit bumabalik at bumabalik pa din siya?

To Luther

-hey.. I have something to do.. ummh, it's a family matter actually. Dadaan ako sa condo later. I'll just fix myself for the party.

I texted Luther. Umirap pa ako dahil naalala ko na wala siyang load. Grabe! Na-cut kasi ang post paid niya so he decided na mag prepaid nalang. Nung nagsama kasi kami sa condo bihira ng lumabas si Luther. And mostly Viber, Whatssapp, IG at Facebook ang ginagamit niya to communicate with his friends.

"Nandito na si Sasha?" Napasinghap ako ng marinig ko ang boses ni Mommy mula sa labas ng kwarto. Ang gown na susuotin ko ay itinabi ko muna. I want to lock the door para hindi kami magtagpong dalawa. Hindi ko ginawa. I still have sort of love and respect for her. She's still my mother after all.

"Buti umuwi ka?" Bungad ni Mommy pagpasok sa kwarto ko. I was shocked to see her now. Ang mga mata niya ay bahagyang lumalim dahil sa pamamayat niya.

"Nahanap na daw ni Daddy ang anak niya?" Sagot ko. Tinitignan ko ang magiging reaksyon ni Mommy. Pagod siyang ngumiti sa akin.

"Yes.. and because of that.. he wont leave us again.. your brother will live with us. Tapos na Sasha.. babalik na ang daddy mo.." ngumiti ulit si mommy. Ngiti na hindi ko maintindihan..

Natigilan ako at bahagyang natulala. So ganoon lang yon? Hindi siya magagalit? Tatanggapin niya lang ng buo ang anak ni Daddy? Paano yung taon na naghirap siya? Na naghirap kaming dalawa? Ganon lang?

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now