Chapter 1

4 0 0
                                        

May duty ako ngayon sa Ritz Carlton hotel at ako ang F.O. Supervisor dito. Nagsimula ako sa pagiging F.O. associate pero promoted ako dahil sobrang sipag ko.
Araw araw madami talaga ang nag checheck in dito at excellent service ang binibigay namin sa kanila. Absent yung isang associate kaya nandito ako sa entrance ng hotel lobby. May palapit na guest sa cafe! Si Jake Zyrus!!

"Hoy Gina gumising ka na! Anong oras ba ang flight mo papuntang Abu Dhabi?!"

"At your service!!"

Nabigla ako nang sinigawan ako ng nanay ko. Nanaginip kasi ako na isa na akong successful na hotelier at si Jake Zyrus ang kinakausap ko habang nilalagyan ko ng creamer ang kape niya. Hahaha.

Ngayon na ang flight ko papuntang Abu Dhabi, nandoon kasi ang boyfriend kong half Lebanese, half Filipino. Oh diba, nanalo ang Ate Girl niyo!

"Eh bakit ka pa nakahiga jan?!! Maligo ka na!" Sabay hampas ng nanay ko sa ulo ko.

"Opo! Eto na po, magbabangon na." Sabi ko habang kinakamot ang ulo ko. Ansakit nun, wrestler ba ang nanay ko?

Ay oo nga pala! Bago ko makalimutan, ako pala si Georgina Fernandez, 22 years old. I graduated from St. Nicholas Academy with a degree of Bachelor of Science in Tourism Management. I've worked for 1 year and a half at Courtyard by Mariott Iloilo as a Front Office Associate. Joke lang!! Hahaha.

Anyway tapos na akong mag intro kaya punta naman tayo sa lovelife ko!! Ako na siguro ang napaka swerteng babae kasi maliban sa sobrang gwapo ng boyfriend ko, eh tinutulungan niya din ako maghanap ng trabaho para makalabas na dito sa Pinas. 2 years na kaming mag-on pero sobrang nagmamahalan kami. We've had our ups and downs pero keribels pa rin!

Naligo ako at nagluto ng breakfast. Kasama ko dito sa bahay ang nanay, tatay at nakatatanda kong kapatid na si Jordan.

"Gina pag nandun ka na, bilhan mo naman ako ng bagong lens para sa camera ko!" Pasigaw na sabi ng kapatid ko.

"Bakit ka sumisigaw? Oo na! Pag marami na akong na ipon, pero saka na yun. Uunahin ko muna yung dream house namin ni Francis." Sabay suntok sa braso niyang parang marshmallow.

Magkatapos kong kumain, nagbihis na ako at umupo sa kama ko. Mamimiss ko tong kwarto ko, ang aso kong si Buddy, ang amoy ng bedsheet ko, ang sigaw ni mama at ang lambing ng papa ko. Pero ganun talaga diba? Minsan kailangan nating lumayo para din sa sarili at sa magiging pamilya natin. Oh diba? Nag eemote naman ang lola niyo! Haha. Pero kahit malungkot ako, matagal ko nang hindi nakikita ang boyfriend ko, siguro more than a year na pero ngayon na ang chance ko! Woooohooo. Hahaha.

Fastforward. . .

"Mag-iingat ka dun ha? Wag kang magpabuntis agad hangga't hindi pa kayo kasal. Kahit foreigner yang boyfriend mo, eh sana huwag mong kalimutan na isa kang dalagang Pilipina." Sabi ng mama ko habang tumutulo ang luha. With matching pink panyo pa.

"Opo. Alam ko po yun. Promise, behave po ako dun."

"Basta Gina, tandaan mo. Kung ipagpalit ka ng boyfriend mo, umuwi ka na lang dito. Nandito kami para sa'yo. I love you anak."

"Opo tay. Update update lang ha?"

Niyakap ko ang pamilya ko at dumiretso na sa entrance ng airport. Haayy nakakalungot pero para naman 'to sa future ko, sa future namin ng boyfriend ko. Kaya go lang! Push!

Nakatulog ako nang nasa eroplano ako. Pucha 12 hours pala ang biyahe papunta doon. Mabuti na lang kasi yung katabi ko isang bata na nasa 8 years old siguro at isang babae na buntis or mataba lang talaga. Nakatulog sila pareho.

"Ma'am excuse me, do you want to play some music? Meron po kaming earphones jan."

Grabe! Ang ganda naman ng Flight Attendant dito, pwedeng pang Miss Universe kahit Filipina ang beauty niya.

* Darlin' I can't explain, where did we lose our way
Girl, it's drivin' me insane and I know
I just need one more chance to prove my love to you
If you come back to me I guarantee that I'll never let you go.
can we go back to the days our love was strong.
Can you tell me how a perfect love goes wrong.
Can somebody tell me how you get things back the way it used to be
Oh God give me the reason, I'm down on bended knees
I'll never walk again until you come back to me I'm down on bended knees.

Ito yung kinakanta palagi nang boyfriend ko tuwing nag aaway kami. Misan kasi madalas din kaming mag away kahit sa maliliit na bagay. Pero mabuti naman dahil napaka haba nang ano niya. . Nang pasensya. Hahaha.

*Fastforward ulit.

"We have now landed in our destination. Ladies and gentlemen, welcome to Abu Dhabi International Airport. Local time is 12:30 noon and the temperature is 45°C."

Ohmygaaadd! Eto na talaga mga mamshies! This will be the start of my future na talaga!
Grabe yung tibok ng dibdib ko. Bumaba na kami sa eroplano papuntang Arrivals.

"Loves!! Nandito ako! Wooooooo!" Pasigaw na sabi ni Francis habang nakahawak ng banner at bouquet.

"Hello mahal!" Sabay kiss sa kanya na medjo na luha luha na. Hehe. Tears of joy mga bes!

"Welcome to the Father of the Gazelle, Abu Dhabi! Sobrang namiss kita, pero look at us now, nakaya natin ang puchang LDR na yan." Hinalikan niya ako sa lips! May nanalo na mga beshies 💁🏻

Tinulungan niya akong magbuhat ng mga gamit ko papunta sa kotse niyang Chevrolet Malibu na black. Ang sosyal ng dating at naka corporate attire pa siya. Napakaswerte ko talaga. Hindi siguro kayo maniniwala pero napaka loyal ng boyfriend ko kahit na sobrang gwapo at successful niya. He never cheated on me, not even once.

"Nandito na tayo loves. Welcome to my flat. Feel at home ka dito ha?"

Ohmygad. Ang ganda dito para akong modern princess. Napaka organize at minimalist ang design ng flat niya.

"Ano ba ang gusto mo? Matulog ka kasama ako o sa kabilang kwarto? Total after a week ka naman mag aapply ng trabaho. Pag nagwowork ka na, doon ka na sa kabilang kwarto. Okay ba yun? And by the way, lunch tayo mamaya. Naka leave naman ako nang 1 week eh."

"Oo naman, kahit saan basta kasama lang kita. Magbibihis muna ako ha? Ito yung first date natin after 2 years eh. Para mag mukhang tao naman ako. Haha."

Pumunta na ako sa kwarto niya at doon na ako nag ayos. Grabe naka centralize ang buong flat niya kasi syempre, mainit dito eh. Sinuot ko ang offshoulder white dress ko na may ruffles sa sleeves, paborito ko kasi yung may mga ruffles na damit. Hehe. At nag nude heels na din ako para tumangkad ako. At light makeup lang.

Kumatok si Francis sa pinto.

"Tapos kana ba? Alis na tayo loves!"

Pagbukas ko ng pinto, napa wow siya. Sabi ko na nga ba, may asim pa rin ang beauty ko. Hahahaha. Si Francis kasi ang hearthrob sa school namin noon pero sa dinami dami ng mga magaganda at sexy doon, ako yung nagustuhan niya talaga. For 2 years niya ako naging crush kasi that time may girlfriend pa siyang iba. Haba ng hair ko no??

"Lets go? Kain tayo sa Byblos Sur Mer, diba miss mo nang kumain nang Lebanese food?"

Sumakay na kami sa kotse niya and umalis na papunta doon. Ang ganda talaga dito, ang daming buildings. Its a very progressive city. Madaming mga hotels, businesses, restaurants at dito yung pinakamalaking mall in the world. May pa-trivia pa ako. Hahaha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now