Lumingon naman siya sa akin at ngumisi.

Nagagawa pa niyang ngumisi sa kabila ng mga ginawa niya kay Serene?

Galit ko siyang tinignan. "Napakasama mo, Vince. Sa mga ginagawa mo at pagsasamantala kay Serene ay sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan at hindi ka na makakalaya pa!" May diin kong sabi.

Tumawa lang siya ng mahina at tumango. "Sa tingin mo ba ay mapapakulong mo ako, Raven? I'm more powerful and smarter than you plus I have so many ways kaya 'wag mo nang ituloy ang binabalak mo dahil nagsasayang ka lang ng oras mo. In the end, sa akin pa rin babagsak si Serene."

Wala talaga siyang balak magpatalo dahil alam niyang may laban siya pero hindi ko siya uurungan. Makapangyarihan o mas malakas man siya kaysa sa akin ay sisiguraduhin ko na hindi na niya malalapitan o mahahawakan man lang si Serene.

I look at Serene at nginitian siya, nginitian niya ako pabalik at hinawakan ang kamay ko saka ulit bumaling kay Vince.

"I can do that and I will make sure that you will going to lose."

LIAN'S POV

Masaya ako dahil kasama ko ngayon si Austin and now, we're in a relationship. Pagkatapos ng may mangyari sa amin sa condo niya ay naging kami na. Little did he know ay matagal ko na siyang hinahangaan.

May pinsan kasi akong nag-aaral sa St. Claire at palagi niyang ikinukwento sa akin ang gwapong heartthrob sa school nila na si Austin Jimenez. Nagresearch ako tungkol sa kanya at nang unang makita ko pa lang siya sa mga pictures niya sa social media ay tinamaan na kaagad ako sa kanya.

Gwapo siya, chinito at matangkad kaso nga lang ay playboy siya. Marami man siyang naging girlfriends pero wala na akong pakialam do'n dahil talagang mahal ko na siya at tanggap ko siya sa mga flaws niya.

Kaya nga nung nabalitaan ko na lumipat siya sa YGA ay sa tingin ko na ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

Hindi nga ako makapaniwala na naging kaklase ko siya at naging magka groupmate pa at nagkalapit kaming lalo. Destiny na yata ito.

Nasa school garden kami ngayon ni Austin at panay ang halik niya sa akin. Hinahayaan ko na lang siya baka kasi sa paraang ibigay ko ang sarili ko sa kanya ay mahalin niya rin ako. May nakakakita sa amin pero wala na akong pakialam pa sa iisipin nila sa amin ni Austin, ang mahalaga ay magkasama kami.

Nang magsawa na si Austin sa halikan namin ay tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa akin at sumandal ito sa bench na inuupuan namin. Parang may malalim siyang iniisip

Hinawakan ko siya sa balikat niya pero tinabig niya lang ang kamay ko. "Austin, may problema ba?" Naalarma kong tanong.

Inis naman niya akong tinignan. Nasanay na ako sa kanya. Bumabait lang siya sa akin kapag naghahalikan kami o may nangyayari sa amin pero wala na akong pakialam pa doon as long na pumayag siya na maging kami.

"Wala akong problema. Huwag ka na ngang magtanong diyan. Naiingayan lang ako sa'yo, e!" Sabi niya na naiinis na.

"S-sorry," Sabi ko na lang.

Umirap lang siya sa akin pagkatapos ay tumayo na siya kaya napatayo na rin ako. "Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Basta." Sagot niya at akmang aalis na ito nang pinigilan ko siya sa braso niya.

"Austin, I'm your girlfriend kaya may karapatan akong magtanong kung saan ka pupunta." Sabi ko nang mahinahon.

He chuckled at dahan-dahang tinanggal ang kamay ko sa braso niya saka ako nginitian. "Girlfriend nga kita pero wala kang karapatan na malaman ang lahat kung saan ako pupunta o kung ano mang gagawin ko. Naging tayo lang naman dahil maganda ka, sexy ka at magaling sa kama pero 'yung naghahangad ka pa nang mas higit pa do'n? Sorry ka na lang dahil magbe-break din tayo. Unti-unti na akong nagsasawa sa'yo-"

Hindi ko na kinaya pang labanan ang emosyon ko at sinampal ko siya ng malakas.

Napahawak siya sa pisngi niyang sinampal ko at nagtiim-bagang. Umiiyak ko siyang tinitigan ng masama.

"Pagkatapos kong ibigay ang lahat sa'yo ay ganito lang ang gagawin mo sa akin? Oo nga pala, playboy ka at hindi nagseseryoso sa isang babae pero tanga ako, e! Nagpumilit pa rin ako at pati ang sarili ko ay binigay ko na sa'yo dahil umaasa akong mamahalin mo rin ako pero hindi pala. Ang tanga tanga ko talaga! First time ko na ibigay ang lahat sa'yo kasi special 'yon para sa akin. Ang sakit ng ginawa mo, Austin.." Napaluhod na ako sa panghihinang nararamdaman.

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Ayoko na, ang sakit pala na umasa ka sa wala dahil ang akala mo ay mapapabago mo ang isang katulad niya pero hindi pala.

A playboy will always be a playboy.

"I love someone else. I'm sorry." Pag-imik niyang bigla kaya napatigil ako at tinignan siya.

"Who is she?"

Nag-umpisa na siyang maglakad papalayo pero bago pa man iyon ay humarap ito sa akin.

"Si Reese. Siya ang mahal ko."

Reese? Vereese Santillan?

Ano nga bang laban ko do'n?

---
Sorry kung hindi ako nakapag update kahapon.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon