"Argh! Ingay mo!"

"AAAAHH! M--MMMPPPFHH!"

Halos lumuwa sa eye socket ko ang mga mata ko sa ginawa niya.

Yung lips niya...nasa lips ko.

Hinalikan niya ako!!

"HOY! Anong ginagawa niyo dyan?!"

Agad siya lumayo sa akin at lumingon sa likuran niya. Ako naman nanigas sa kinatatayuan ko. Hinalikan niya ako sa lips. Well...nahalikan naman ako dati...pero...

Waaaah! Hinalikan ako ng manyak!!

What's worst..someone caught us.

ARGH! Pahamak ka Mr.Violet!!

***

Pinatawag kami ng matandang prof sa dean's office at pagkadating napagkadating namin doon binungangaan na kami nung matandang prof. Dahil daw mali yung ginawa namin at mga bata pa kami. Dapat maghintay daw kami and everything.

All that time napanganga ako sa mga sinasabi niya. Nagkatinginan kami ni Mr.Violet saglit at nalipat ulit ang tingin ko kay Ma'am at sa Dean ng Architecture.

"Mr. Araneta, I didn't expect you to do this kind of...thing. And you..Ms. Cortez, babae ka, you should act like a lady."sabay iling niya at may kinuha siya sa loob ng drawer."No hard feelings for the both of you, ok? But this is a serious matter. Doing sex inside the ca---"

"WAAAAITT!"

"Ma'am!"

We both shouted at them, alright? Eh sa nakakaloka na yung mga sinasabi nila! Mas green minded pa sila sa mga kabataan ngayon! Ni hindi nga nila kami pinaexplain! Ghad!

"Don't shout! Or we will be forced to expel the both of you right away! Kahit na Dean's lister ka pa Mr. Araneta."matigas na sabi ng Dean.

Wow? Dean's lister pala siya ng Architecture?! Di nga?!

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now