Story #1

84 5 4
                                    

Story #1

Genre: |Humor|Romance|Fantasy|Teen Fiction|

MY PRINCESS

"Sa isang liblib na lugar kung saan nakatayo ang isang palasyo at isang prinsesa ang natutulog ng mahimbing na mahimbing sa tuktok nito, isang gwapong lalake ang tumatakbo kasama ang kanyang kabayo------ E!? Teka teka teka teka lang! Bakit ganyan yan? Tumatakbo kasama ang kabayo? Sino ang nagsulat neto!?"

Naku patay!

"Ma'am! Si Alona po!" sabi ni Demi, classmate ko. Patay kang Demi ka sa akin! Aabangan kita sa gate! Lol Joke!

"Princess Alona Manigo! Nasan s'ya?!" Naku lagot ako! Umuusok na yung ilong ni Ma'am.

Habang dahan-dahan akong tumatayo, dahan-dahan ko ring itinataas ang aking matigas na kamay habang dahan-dahan ding tumataas ang kilay ng mga malalandutay kong kaklase na wala nang ginawa kundi sirain ang school year ko ng paunti-unti habang dahan-dahan ding lumalapit ang teacher ko sa akin at nang maituwid ko na ang aking mga paa, nagsalita na siya...

"Library duty... 5:30 ng hapon..." Hayyyy. Buti na lang library lang ang pupuntahan ko... Malay ko ba ang istorya ni Sleeping Beauty?! Wala akong childhood at hindi ko napanuod yang mga fairytales na yan. Ni hindi ko nga kilala yung sinasabi nilang Cinderella, tanga tanga naman nun, tatakbo na nga lang iiwanan pa yung sapatos nya. Saka sa pagkakaalam ko kasama naman talaga nung lalaki yung kabayo nya habang tumatakbo sa play ehhhh... 

"E Ma'am! Library lang?! Di sya nanuod ng maayos nung play! Dapat sa cleaning crew ng school sya nilagay ma'am!" sabat ng kaklase ko.

"Hindi. Sa Library sya. Final. Okay class, dahil sa magaling na pagkakasummary ng kaklase niyo sa school play natin, bibigyan ko kayo ng assignment... Open your english books on page blah blah blah"

Nang maupo ako, sumalubong sa aking feslak ang mga nanlilisik na mata ng aking mga malalandutay na classmates... Ako nanaman ang may kasalanan... Haaaaayyyyy...

"Good Day Class!" ending ni Ma'am Castueras at lumabas na ng classroom. So, ang hinihintay nalang namin ang pagring ng bell. Hayy... Naiinip na ako...

"Hoy babaita. Anong drama yung kanina? Hah?" yan si Lena Alcantara. Bestfriend kong mayaman at maganda pero walang brain, parang ako.

"Napano ako?"

"Alam kong pareho tayong walang brain pero naman! Di mo pa ba napanood yung Sleeping Beauty? Jusmiyo ka! Nagkakasplit ends ako dahil sayo!" at talgang tinignan pa ang dulo ng buhok niyang itim at kulot.

"Ano naman kinalaman ko sa split ends mo aber?"

"Nakakaistress ka bruha." inis na sya. "sasamahan pa ba kita sa library duty mo mamaya?"

Umiling nalang ako, senyales na nagsasabing hindi na.

"Bahala ka..." nag-stop sya sandali, PERO sandali lang yun "Uy! Alam mo ba, may bagong transferee daw. Gwapo! Papa to! Kaya lang nasa section A daw ehh. Sayang lang section D tayo. Alam mo ba yung pangalan nya? Kasi ako alam ko na! Hihihihihi"

"Wapakels ako."

"Whatever. Ganda nga ng apelyido eh. Fon---"

*KKKRRRIIIINNNNGGG!!!!!*

"Ai, tara na. Baka maubusan tayo ng upuan sa canteen." Sya. Ano yan? Magkukwento tas di man tatapusin? Hay naku.

Tumayo na kami at habang naglalakad kami papuntang canteen para syang bubuyog sa kadadada tungkol dun sa transferee. Kesyo ang gwapo daw at maputi at matangkad. Nang makapunta sa canteen at makabili ng pagkain di parin sya nauubusan ng kwento. Hay naku. Iba talaga pag mayaman at maganda. Kahit di mataas ang IQ maraming manliligaw. Sa maniwala kayo't sa hindi, nakaka17 nang ex yan mula nung second year kami, meaning dahil fourth year palang kami, mag2 or 3 years na yang maraming manliligaw. Paano nalang kaya pag nagcollege na diba? Nang maka-upo na kami, mas lalong dumami ang sinabi nya. Naku... Kesyo matalino't mayaman din bagay daw sila, three words, I DON'T CARE. Mas mabuti pang kumain kesa sa pakinggan ko sya, tutal sanay na naman yan sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilation of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now