V. Titles, titles

4.3K 194 18
                                    

Makalipas ang apat na kabanata kung saan tinalakay natin ang story ideas, story elements, structure, plotting, at genre, kaunti na lang at malapit na tayong magsulat ng ating unang kabanata.

Bago isatitik ang unang salita, kailangan muna natin ng titulo. Ano ang itatawag ng mga mambabasa sa kuwento?

Coming up with a unique title is a challenge. Iilang salita na mahirap hagilapin. Dahil sa iilang salita lang, dapat represented nito ang kuwento at captured din ang interes ng mambabasa.

Personally, I think of titles as that rubber band or clip that we use to secure documents. 'Yong tipong kung may 500 pages na dokumento, ang titulo ang binder clip na magbubuklod at magse-secure sa mga ito. A title has to contain the whole document.

Narito ang ilang mga tips sa pagpili ng titulo:

Make it interesting.

Kapag naisalibro na ang ating kuwento, ililinya ito sa daan-daan at libo-libong iba pang aklat sa bookstores. Pagdating ng araw na 'yon, ang kompetisyon ng kuwento mo sa mga potential buyers ay ang lahat ng aklat na naroon.

Makatutulong kapag unique at naiiba ang titulo, pero hindi sa punto nang pagiging over-the-top. Gusto man nating maging unique at interesting, drawback pa rin kung ang titulo halimbawa ay "May Anghit si Crush Pero I Love Him To The Max."

Kung hindi makapagdesisyon sa kung anong titulo ang tunay na interesante, maaaring magsulat ng ilang options. Ipagtanong sa mga kakilala, kaibigan, online communities, atbp. kung aling titulo ang kumakalabit sa interes nila. Maaaring idagdag sa tanong kung ano ang inaasahan nilang kuwento sa likod ng mga titulong pinagpipilian. Gayundin, maaari tayong magpalit ng titulo kapag nakakita tayo ng mas akma o nababagay.

Para naman ma-check kung tunay na orihinal, nag-iisa, at naiiba ang titulong naisip natin, maaari itong i-google. Hindi copyrightable ang mga titles pero kung napasikat na ng iba ang isang titulo, wala na rin itong advantage.

Make it easy to remember.

Mahirap tandaan ang titulong may magulo, mahaba, masalimuot, at palaisipang kombinasyon ng mga salita. A title has to be interesting and unique but it also has to make sense. Anumang kagustuhan nating sauluhin ang isang titulo, kung kasindami ng salita ang digits sa pi number, kulang ang pasensiya at dedikasyon para magtagumpay tayo. Tandaan na maaaring iilang segundo lamang masulyapan ng mga mambabasa ang titulo ng ating libro. Hindi makatutulong ang tadtad na salita sa book cover.

Mas madaling tandaan ang "Murders In The Himalayas" kaysa sa "Brutal Murders Somewhere in 28.59N 83.93E Mountain." Mas madaling alalahanin ang "Scorpio and Zora" kaysa sa "Ang Wagas-tunay-dalisay- forever-real-na-real-pa-sa-real Na Pakikipagsapalaran at Pag-iibigan nina Procorscorpio at Zoraida."

Make it genre- and content-appropriate.

Consider the genre and content in coming up with a title. Kung romance ang genre, pang-romance ang title. Kung erotica ang genre, pang-erotica ang title. Be true to the genre.

Ang titulong "One Hot Night with a Death God" ay suggestive ng erotica at fantasy. Samantalang ang "Hello, Death" ay suggestive ng fantasy at spiritual.

Mainam ding isama sa consideration ang point of view. Kung nasa First Person POV ang isang kuwento, akma kung ang titulo ay may possessive.

Hal. My Summer Escapades

Kung nasa Third Person POV ang kuwento, maaaring tanggalin ang possessive word na 'My'.

Hal. Summer Escapades

Mahalaga rin ang voice sa title. Kung romance-comedy ang isang kuwento, akma kung quirky at spunky ang titulo. Kung straight romance, akma kung matamis o melodramatic. Kung erotic romance, akma kung sexy o sensual.

Ang isang kuwento na tungkol sa isang babaeng naiinis sa terror niyang professor at nagpaplano na akitin at pabagsakin ito, ay maaaring magkaroon ng tatlong titulo depende sa genre, voice, at content.

Halimbawa:

The Great, Evil Plan of Enslaving the Professor (Rom-Com)
After Class Love (Romance)
Enslaved by a Professor (Erotic romance)

Incorporate story meanings and symbolism.

Maaaring gamiting titulo ang kahulugan at simbolo ng kuwento. Tandaan na ang mga mambabasa ay paulit-ulit na isasaalang-alang ang titulo bago basahin ang kuwento, habang nagbabasa, at pagkatapos. Ang titulo ang magbibigay sa kanila ng recall sa kabuuan ng kanilang binasa.

Dahil dito, mas matagumpay ang isang titulo na nakapagbibigay-linaw pa kung ano, bakit, at paano itong nagrerepresenta ng kuwentong kanilang nabasa.

Halimbawa:

Ang "The Notebook" ni Nicholas Sparks ay payak ngunit akma sa nakalimutan at inaalalang kasaysayan ng pag-iibigan ng mga tauhan. Ang "Tuesdays With Morrie" ni Mitch Albom ay akma sa bawat Martes ng muling pagkatuto at muling koneksyon ng estudyante at guro sa kuwento. Ang "Ugly Love" ni Colleen Hoover ay akma sa depiksyon ng pag-ibig na kinatatakutan ng bidang lalaki.

Incorporate story elements.

Maaari ding gamitin bilang titulo ang alinman sa mga story elements—characters, setting, plot, o theme—lalo na kung doon umiikot ang kuwento.

Halimbawa:

Lolita ni Vladimir Nabokov (Character)

The Little Prince ni Antoine de Saint-Exupery (Character)

Brokeback Mountain ni Annie Proulx (Setting)

1984 ni George Orwell (Setting)

The Miraculous Journey of Edward Tulane ni Kate DiCamillo (Plot)

The Curious Case of Benjamin Button ni F. Scott Fitzgerald (Plot)

How Love Came To Professor Guildea ni Robert Hichens (Theme)

The Silence of the Lambs ni Thomas Harris (Theme)

Use remarkable story lines or quotes.

Maaari ding gawing titulo ang mga linya na nakapaloob sa kuwento o ang mga popular na quotation.

Halimbawa:

To Kill a Mockingbird ni Harper Lee

All's Well That Ends Well ni Shakespeare

A Time To Kill ni John Grisham

Gayunman, iwasan na isabotahe ang plot twist o ending ng kuwento sa mismong titulo. Kung ang kuwento ay umiikot sa isang babaeng may kahina-hinalang gawain, giveaway ang titulong, "My Girlfriend is a Secret Agent."

Ang titulo ang unang mga salitang mababasa sa ating kuwento bago pa masulyapan ng blurb o ang teaser. Sa isa sa mga writing articles na nabasa ko, nakasulat:

First rate story, second-rate label.

Ang titulo at ang kuwento ay dapat na patas at akma sa isa't isa. Kung mataas ang expectation sa titulo pa lang ngunit hindi naitawid ng kuwento, nakapagkikibit-balikat ito sa mambabasa. Kung wala namang bahid ng anumang dapat asahan sa titulo ng isang magandang kuwento, manghihinayang naman ang mambabasa. Ang magkasukat na titulo at kuwento ay mas mahirap kalimutan gaano man karami ang kuwentong maging katulad nito.

Find your first-rate label. 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon