I made a U-turn and drove fast. I didn't mind how fast I am, I just wanted to see her. I immediately stop my car when I saw the two police mobile. Nasa labas ang mga pulis na sakay nito. One is having a phone call while the others are trying to save the person inside the Yellow truck and the other car. My eyes sharp and looked at the familiar black Vios mobile. My heart skipped a beat as my world starting to slowly break down.
Bumaba agad ako sa aking sasakyan at lumapit sa pinangyarihan ng aksidente. I felt the wobble in my system but I continue walking.
She called me. She called me thrice but I declined all her calls!
"Sir, hindi po kayo pwedeng lumapit. Hanggang dito lang po." The police said when I tried crossing the yellow plastic rope, made to close the accident.
I let out a curse as I watched the police trying to save the woman inside the familiar car. Trying to save my woman! F*ck!
Napatulala ako ng ilang minuto habang unti-unting rumerehistro sa akin ang pangyayari.
"E-Elaine… n-no. Shit!" Wika ko. Binalak ko ulit na lumagpas sa dilaw na humaharang subalit pinigilan ako ng pulis.
"Ellaine!" Sigaw ko habang pinagmamasdan ang babaeng mahal ko na nababalutan ng sariling dugo at walang malay.
For the first time in my life, I lost myself. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Binalot ako ng lungkot at higit sa lahat pa roon ay ang takot sa mga posibleng mangyari.
Inihiga siya sa emergency bed sa loob ng ambulansya. Nang makawala ako sa pulis ay agad akong lumapit dito. Hindi nila napansin ang pagpasok ko sa loob dahil ang nais nila ay maidala agad siya sa hospital.
Hindi ako makakilos. Habang tinitignan ko siya na naghihingalo at namumutla, para akong tinutusok tusok ng punyal sa sakit na nararamdaman ko.
"I-Is she o-okay?" I asked the two nurses as they were checking her vitals, the other one is holding an oxygen pump.
I felt my body trembled. I refused to be a doctor because I'm afraid of bloods, and looking at her bathing in her own blood is too much for me to handle. Masyadong takot ang aking sistema pero iniabot ko pa rin ang kamay niya na balot sa dugo. I continue holding it while silently praying na sana ay hindi pa ito ang huli.
"Masyado pong malalim ang natamo niyang mga sugat lalo na sa ulo." Sabi ng isang nurse habang pinapatigil ang pagdurugo sa ulo ni Ellaine.
"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" The boy nurse asked.
"I am her husband."
Mabilis ang pagmamaneho sa ambulansya pero pakiramdam ko ay masyado pa rin itong mabagal.
I stared at her the whole time. Hindi ko na namalayan na tumatakbo na pala kami papasok sa operating room.
"Sir, hanggang dito nalang po kayo." Hinila na ang emergency bed na kanyang hinihigaan subalit ayaw ko pa ring bitiwan ang kanyang kamay. Pakiramdam ko ay ito na ang huli kong pagkakataon upang mahawakan siya.
Labag man sa loob ay binitiwan ko ang kanyang kamay. Napatayo na lamang ako sa pintuan ng operating room. Hindi ako makagalaw. My feet glued on the ground and I can't do any single step or even just sit on the chair to wait.
Gusto kong umiyak pero walang mailabas na luha ang aking mata. Gusto kong magwala at sisihin ang aking sarili pero natutulala na lamang ako sa nangyayari. Hindi ko matanggap… ayokong maniwala!
"Kristian! A-Anong nangyari?!"
Narinig ko ang pagtawag sa aking pangalan ngunit hindi ako nag-abalang lumingon. Nakatitig lamang ako sa munting salamin sa pintuan ng OR at naghihintay sa paglabas ng doctor.
