Bahagyang umusad ang mga sasakyan kaya nawala na ang atensyon ko sa cellphone ko. Nakarating ako sa building kung saan ako pumapasok ngaun.
Nang makapark ako ay dali dali akong sumakay sa lift at pinindot ang floor kung nasan ang office ko.
"Osang?" Natigilan ako bigla hanggang sa nanlaki na ang mata ko. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng Osang. Bumaling ako sa likod at lalo akong napanganga ng makita ang bestfriend kong si Celine..
"Omyghad! Ikaw nga.." patakbo siyang lumapit sa akin at mabilis na yumakap. Ang pagkagulat ko ay biglang napalitan ng saya.
"Tekla!!! Kamusta kana.." ngumiti ako sa kanya. We were bestfriends nung nerd at mataba pa ako. Nawala lang naman ako ng communication sa kanya nung lumipat kami sa US.
Ngumuso si Celine sa akin. Hindi mawala ang ngiti ko sa kanya. I really missed her. "Grabe naman, Tekla talaga?"
Umirap ako sa kanya. "You called me Osang first." Natatawang sabi ko.
Umupo ako sa desk ko na kasunod siya. " why are you here by the way?" Ang huling balita ko kasi sa kanya ay nasa Canada na naka-base ang pamilya nila.
"Talagang bakit ako nandito? Wala bang kamusta na?"
Natawa ako ng bahagya at umiling. Kung maganda si Celine noon. She's more prettier now. Grabe! She looks like one of the famous models in Vague magazine.
"So kamusta," pasimple pa akong tumingin sa cellphone ko ng maalala ko ang huling message ko kay Luther. May kung anong bumagsak sa pagkatao ng wala na siyang reply sa akin.
"Eto, I'm here lang naman para magpagawa ng campaign sa bagong clothing line." Tumango tango ako sa kanya. So.. natupad niya pala ang pangarap niya. "And Gail wants to visit his fiancè." Kibit balikat niya.
"Gaile as in Abigaile de Ocampo?" Nanlaki ang mga mata ko. OMG! Rip Dom.
Tumango si Celine. "Ahh-- Dom is your cousin nga pala."
Mahabang kwentuhan ang nangyari sa amin ni Celine. Binigyan ko pa nga siya ng idea para sa campaign na gusto niyang ipagawa.
"So, I need to go , Sasha.. lets catch up some other time." Yumakap ako sa kanya at yumakap siya pabalik sa akin.
Pag kaalis ni Celine ay napahilot ako ng sentido ng makaramdam ako ng kirot. Masyado akong nas-stress sa mga nangyayari dito sa office at sa dami ng dapat kong i-edit.
"Ma'am lunch?" Salita ng isang staff. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. "Mauna na kayo." Sagot ko.
I was going to text Luther ng biglang nagring ang cellphone ko. " I hate you, ate!" Bungad ni Kristele ng masagot ko ang tawag.
"Ano na naman ang problema mo?" Sagot ko.
"Seriously? We're sister pero hindi mo sinabi na may boyfriend kana!" She said angrily kaya napakunot ang noo ko. Boyfriend? Wala naman kasing nakaka-alam na may boyfriend ako sa pamilya ko. And Luther didn't bother to meet them tho.
"Ang gwapo gwapo niya! Lintik ka ate! Tinalbugan niya si Glen ko.." natawa ako bigla. Parang kailan lang ay naglalaro pa ng barbie si Kristele.. Tapos ngaun gusto niya yung kapatid ni Simon na malaki naman ang galit sa earth. Goodluck to her.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Sakim ka ate!" Malakas na sigaw ni Kristele na mukhang nagka-altapresyon pa yata. "Nako, mag-aral ka nga bago landi. Sige na." Binaba ko ang tawag kahit hindi pa siya tapos magsalita.
Pinalobo ko ang pisngi ko dahil sa iritasyon. Tignan niyo! Hindi na ako nireplayan or tinext ni Luther. Buset talaga siya! Sagad na hanggang lungs ang inis ko sa kanya.
To Luther
-ano? speechless ka? Tuwing tatanungin kita hindi ka makasagot? Magreply ka Luther! Kung wala ka naman feelings why need to continue this? Ano? Fuck--fuck lang tayo?
Pagkasend ko nang text ko ay dumukdok ako sa lamesa. Minsan nawawalan na ako ng gana magtanong kay Luther. Wala naman kasi akong nakukuhang sagot. Naiinis pa ako dahil natatanggap ko yung ganon. Na kaya kong mahalin siya kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman niya.
"Ma'am Sasha.. OMG! Ang swerte mo." Nagulat ako ng batiin ako ng staff. Malaki ang ngiti nila habang kilig na kilig. "Huh?" Parang tangang sagot ko pero nilagpasan lang nila akong lahat.
Ang weird. Nagdecide nalang ako kumain tutal ay tapos na silang lahat. Ang iba ay hindi natapos sa panunukso sa akin. Hindi ko sila pinansin dahil hindi ko sila maintindihan.
Sumaky ulit ako sa lift. Napahinga pa ako ng maluwag ng ako lang ang laman nito.
Nagring bigla ang cellphone ko kaya nabigla ako. Ang echo kasi ng ringtone ko ay biglang umalingawngaw sa buong elevator.
"Ikaw na ang reyna..." natatawang salita ni Darton sa kabilang linya.
"Tell, Sasha.. pa-burger naman jan." Malakas na humalakhak si Draco sa kabilang linya.
Litong lito ako sa mga sinasabi nila. What the hell happened ba? Bakit ang weird nilang lahat? "If you called just to annoy me, please.. quota na ako kay Luther." Just like what I did to Kristele.. Binabaan ko ulit sila ng tawag.
Pumasok ako sa cafe malapit sa office. Pakiramdam ko ay nabuhayan ako sa amoy ng brewed coffee na bumalot sa buong cafe.
Napangiti ako ng makita ko ang sign sa gilid na "Free Wifi" kaya mabilis kong dinampot ang cellphone ko para i-connect sa kanila. Nang makakonek ako ay halos sumabog ang cellphone ko ng sunod sunod nagnotify ang Facebook ko. Anong meron?
Inopen ko ang Facebook ko na ikinalalglag ng panga ko.
Luther Jameson Vera Cruz tagged you on a post.
Uwi kana baby.. wag ka nang magalit :(
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
This is flashy.. It was our early shot! At ang panget ko jan! Lintik!
then.. a message from Luther came up..
Luther Jameson Vera Cruz Active one hour ago
- I can't tell it to you personally.. So.. I know my actions weren't enough for you to believe in me, Sasha. I was always reserved while you want the words. We've been together for years but you never heard me say this. I was just scared to give you the power to break me. You made me believe the thing that I don't want to believe in. You made me feel the thing that I was so scared to feel. Pero tangina! Eto- I'm giving you my heart.. so it's up to you how will you going make it or how will you going break it. Either way, it's going to be yours anyway.But believe me or not. You're not just my favorite. Mahal kita.