Paano akong hindi magsusungit? Hanggang kelan ako maghihintay na sabihin niyang mahal na niya ako?
"Ano gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ko. Bigla nalang niya akong hinala kaya halos masubsob ako sa dibdib niya. "Ano ba? Ang clingy ah.." masungit na salita ko. Bakit ba hindi maubos ang landi nito sa katawan?
"Ikaw ang sungit mo pagkatapos mo ako baliwin sa pagsubo---" tinakpan ko ang bibig niya sa sobrang hiya. Gago na'to. Apakaingay niya talaga. Pakiramdam ko tuloy ay nag init ang pisngi ko sa ginawa niya.
"Bwiset ka talaga! Ang landi landi mo kase.."
Tumaas ang kilay niya. "Syempre ikaw ang paborito kong landiin diba?"
Kumuyom ang kamao ko ng ngumisi si Luther ng nakakaloko. "So, ano? Favorite? Ibig sabihin may iba pa?"
Hindi siya nagsalita kaya lalong nanliit ang mga mata ko. Bahagyang sumeryoso siya at nag-iwas ng tingin. I smiled bitterly. He really knows how to hurt me without him even knowing..
Huminga ng malalim si Luther. "Lika nga, isinandal niya ang ulo ko sa braso siya at tsaka hinalikan ang noo ko.. he genuinely smiled at me. "Pasalamat ka---"
Tumigil siya at hindi na nagsalita pa.
Pasalamat ka?--- lintek na Luther 'to! Taon na ang lumipas pero hindi pa din niya masabi sabi yung salitang gustong gustong marinig ko.
Huminga ako ng malalim. Mabuti nalang din at ilan minutes lang ang layo ng work ko sa place ni Luther. Kung hindi ay malelate na naman ako.
Nilabas niya ang cellphone niya kaya sumiksik ako sa kili-kili niya at pumikit. Alam na alam ko na ang gagawin niya. Luther loves taking pictures of us. Natatawa nga ako kasi dapat ako ang mahilig sa pictures diba? Pero siya iyon. Kaya lang.. never ko pa siyang nakita na nag-post or whatever ng picture namin dalawa.
"C'mon, Sasha.." hindi pa din ako tumingin narinig ko nalang ang click ng camera ng cellphone niya kahit nakatagilid lang ako at nakapikit.
"Pasok kana.." hinalikan niya ang noo ko kaya ngumuso ako. "Buset ka talaga, Luther!" Naiinis kong inayos ang buhok ko na nagulo. Yun lang talaga? Picture lang talaga ang gusto niya?
"Ma--" natigilan siya at nawala ang ngiti. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. "Ma-- ano?" Tanong ko.
"Male-late kana."
Kumindat si Luther at pinamulsa ang kamay habang walang pake na pumasok sa lift. I gritted my teeth while walking at the basement parking. Bwiset talaga siya! Paasa pa din hanggang ngaun!
Pagpasok ko ng kotse ay biglang nag-beep ang cellphone ko.
Luther
- Miss na kita agad.
Tumaas ang kilay ko at nagtipa sabay bukas ng makina.
To Luther
- Tse! Tigilan mo ako, Luther! Hindi kaba nagsasawa sa akin?
Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagdadrive. Halos magkapalit na nga kami ng mukha sa araw araw namin pagkikita. Tapos favorite pa din niya ako hanggang ngaun? Hindi pa din only? Grr! Nakulong ako sa traffic dahil medyo tanghali na. Nag-beep ulit ang cellphone ko.
Luther
- No, never will be..
Ngumuso ako pero hindi ko mapigilan ang mapangiti. Minsan sinasatisfy ko nalang ang sarili ko sa mga pabitin niyang salita.
Sa two years namin ni Luther ay hindi ko siya tinigilan itulak para sabihin niya na mahal niya ako. I never succeeded anyway.
Huminga ulit ako ng malalim. Sige try and try Sasha..
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
25. Walang load
Magsimula sa umpisa
