Badtrip na lumakad siya papalapit sa kina Darylle. Kung titignan mo silang tatlo, lalamigin ka na sa cold atmosphere. Anyayare sa kanila?

"How about sa cafeteria na tayo mag-usap? Nagugutom na rin kasi ako eh." Suhestiyon ni Airiz. Gutom na rin naman kami except sa tatlong panay 'tsk' lang.

******

Napag-usapan na namin ang tungkol sa outing sa isang private beach nina Steven. Pumayag ang lahat except kay Mimi, baka daw papagalitan siya ng Daddy niya.

Umalis na si Mimi at si Daryyle naman ay naiihi kaya nagbanyo at kami naman ay pabalik na sa classroom. Biglang napatigil sa tapat ng pintuan ng classroom si Xeyrah at kita sa mukha niya ang pagkagulat.

"Bakit? Nandiyan na ba si Sir?" Tanong ni Timmy. Pero di kumibo si Xeyrah. Tulala lang siya sa pintuan kaya naman tinignan ko yung kanina pa niya tinitignan sa loob ng room.

"TRIXIE?!" Sigaw ko kaya napatakbo yung iba patungo sa amin. Pero si Trixie, Natutulog lang sa desk niya, ni hindi yata kami narinig ng bruha, sarap bagsakan ng libro eh.

"Baka tulog?" Ani Airiz.

"Airiz naman, di pa ba halata?" Pambara naman ni Keith. Nagpout nalang si Airiz. Tsk. Tama na nga yang kakesohan nila jan. Tsk. Magising nga ang bruhang 'to! Wala man lang pasabi na nakabalik na siya at ang walangya, nakuha pang matulog!

"Trixie! Hoy babae! Gising!"

Nagdilat siyang ng mga mata ng pa unti-unti. Ang drama ng mata niya haaaaa. Umayos siya ng upo bago kami tinignan. As in, tinignan niya lang kami at naka poker face. Anyare dito?

Yun lang at bigla nalang siyang nagwalk-out.

*******

Trixie's POV

Flashback~

"What happened? Where am I?" Tanong ko. Nagtinginan ang tatlong lalaki sa harapan ko. Nagpapanic ang mukha nila.

"SINO AKO?"  Tanong ko.

"OH NO!!!!!! May amnesia ang pinakamamahal kong kapatid!! Di ko matatanggap 'to!!" Hysterical na sabi niya.

"Pfffft-BWAHAHAHAAHHAAHAHAHAHAA!!!!" Ako po yang tumatawa. Nakakatawa kasi yung mukha nila, halos di na maipinta kahit isa lang ang naghysterical. Nagtaka naman sila sa inasal ko.

Ipapaliwanag ko po, WALA po akong amnesia, sadyang pilya lang po ako at napagtripan ko lang ang mga kapatid ko.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ni Oppa.

"You should have seen your faces!!! Hahahahahaha! EPIC!" Tawa ko ulit. Namula naman si Oppa sa galit, at si Riku-nii ay nagpipigil ng tawa niya at si Kuya naman ay galit na rin. Nag peace sign ako sa kanilang dalawa, lagot ako nito, di ko pa natatalo yung combi nilang dalawa pag nagalit eh.. hahaha.

End of flashback~

Pinagalitan nila akong dalawa, pinag-alala ko daw kasi sila. Haaaaaayyy, brothers, brothers.

Ipapaliwanag ko na din ang pag walk-out ko kanina sa inyo para maliwanagan kayo. Ginawa ko yun para malayo sila sa kapahamakan, muntikan na nga akong mamatay sa lason at ayaw kong pati sila ay makaranas ng ganun ng dahil sa akin. Di ko kakayaning mawalan ulit ng mahahalaga sa buhay ko. Ayaw ko nang maulit yun.

"Ack!" Napahawak ako sa ulo ko. Bigla kasi itong sumakit ng may pilit akong inaalala. Di ko alam pero ang alam ko lang ay nawalan ako ng minamahal sa buhay. Napaluhod ako sa sakit. Ang sakit ng ulo ko! Parang mabibiyak na ito sa sakit.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ng taong agad akong dinaluhan. Tumingala ako para tignan kung sino man itong taong 'to.

"Darylle" Wika ko nang kumalma ako at unti-unting nawawala ang sakit ng ulo ko.

"Trixie? Kailan ka pa nakabalik?" Ako lang ba ito o talagang masaya siya na makita ako? Nahawa na rin ako sa kasiyahan niya dahil pati ako ay napangiti nang makita siya.

"Kanina lang." Tipid kong sagot, naalala ko kasi na di dapat ako makikipag-usap sa kanila at lalo na sa kanya.

"May sumakit ba sayo at napaluhod ka nalang?"

Di ko na nasagot ang tanong niya ng may naramdaman akong isang bagay na patungo sa amin, kaya kinuha ko yung libro na hawak niya kanina at ginawa itong pananggalang sa kaliwa ko at kanang bahagi ng katawa niya.

*Tok!*

Tunog ng bagay na tumusok sa libro. Tinignan ko ito. Naalerto ako ng mapagtanto kong isa itong tranquilizer. Palinga-linga ako sa paligid.

"Dapa!" Sigaw ko, pero huli na, natamaan sa braso si Darylle.

"Anong....nangyayari?" Wika niya nang unti-unti na siyang nakatulog. NOW WHAT? Nasaan na ba yung taong yun?

"Tsk! Di ko siya kayang buhatin, di ko rin siya pwedeng iwan at baka madukot pa siya." Nag-isip pa ako ng pwedeng gawin pero bigla nalang akong nanghina, tinignan ko yung binti kong namamanhid at parang may tumusok. SH-T! Natamaan ako.

And everything turns to black.

=========================================================

a/n: it begins here..hahahaha

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin