MNSTL: Chapter 2

21 0 0
                                    

Wait—what? Seven Daehler?

Seven Daehler as in yung may weird na obsessions sa mga bampira noong bata pa kami?

"Seven Daehler?" Pag-uulit ko.

"Why? Kilala mo?" Hindi ko siya nasagot kasi hindi rin ako sure. 

Like, there could be a hundred Seven Daehler around the world. It cant be him. Sa pagkakatanda ko, he have no family, he lives alone.

Speaking of. Kamusta na kaya 'yon? Haha. Pangit parin kaya siya? Kasi ako maganda parin.

"They transferred yesterday. And believe me, napaka head turners nung magkapatid! Nakakainggit. Sibling goals. Sana may kapatid din akong pogi. Yung kapatid ko mukhang unggoy na jejemon eh!" Hindi nga halatang inggit siya eh.

Tsk tsk kawawang lil bro, nalait pa.

"And based on my source, talented pa daw yung dalawa." She kepts on blabbing nonsense. Pinapabayaan ko na lang kasi wala ako sa mood makipagsabayan sa kadaldalan niya. Kunyari na lang may pake ako.

"Sayang hindi ka pumasok kahapon! Edi sana nakita mo future husband ko. OMG! Dont worry, may next time pa. I'll let you meet him." .—. what.

"Girls behind the back!" Napukaw ang atensyon ko ng sumigaw si Ms. Salem.

Behind the back daw! Nagkatinginan kami ni Alessia, aka soon to be Mrs. Seven Daehler "daw".

"I wont mind if you'll go outside." Natahimik kaming pareho. Siya lang pala, kasi tahimik naman ako.

Bumalik sa lecture si Ms. Salem. Napahikab ako at napatingin sa labas. Laking gulat ko nang pagtingin sa harap may tao na agad sa harapan ko.

Ahh. Baka kanina pa siya nandyan.

Inaantok na talaga ako. Parang gusto kong matulog. Patago akong humikab ulit, baka mapagalitan na ako nung dragon hehe.

Inilaglag ko ang bangs ko sa mga mata ko at naidlip. Just for 5 minutes.

--

Naalimpungatan ako nang may maingay na bulungan sa labas ng room namin. Galing 'di ba? Bulungan tapos maingay.

Bangag, Soda, bangag.

Anyways, I feel like fully recharged now. Balik na ang energy ko!

Kinusot ko ang mata ko at nagulat nang makita ang nagkakagulong mga lalaki sa labas. Napa-flip ako sa buhok ko. Naniniwala na ba kayong hanganda ng lola niyo?

Basic.

Tumayo ako at kunyaring inayos ang gusot kong uniform. Tumayo ako sa may bintana at nakipag-titigan sa mga boys.

"Mas okay ba pag malapit?" Nakangiti kong tanong sa kanila habang naka-cross pa ang mga kamay.

"Hindi, mas okay kung aalis ka diyan." Sagot naman nung isa.

Okay, medyo pahiya ako don. Sinundan ko ang tingin nila. Isang babaeng tahimik na kumakain ng packed lunch sa isang tabi.

"Oy maganda naman ako ah!" Angil ko.

"Sawa na kami sa ganda mo, Soda."

"Saka mas lalaki ka pa samin!"

Tapos sunod-sunod na sila nagsalita sa pagpapaalis sa akin. Kung pwede nga lang akong hawiin, baka kanina pa ako lumipad sa isang tabi.

Shout out sa glass windows namin! Hindi nila ako kaya hawiin.

Nilapitan ko si transferee at umupo sa tabing upuan niya. "Oh! Ikaw ba yung transferee?" Tanong ko nang mapansin kong nakaupo siya sa dati kong upuan.

Isang napaka-lamig na titig ang isinagot niya sakin. No response as in. Tumingin lang siya tapos balik sa pagkain. Food is life talaga ata para sa kaniya.

"Tss." Rinig kong sambit niya. Naiinis ba siya sakin?

"Vegetarian ka ata. Puro gulay kinakain mo eh." Puna ko sa pagkain niya. O baka diet lang talaga siya? Eh sexy naman na siya ah? Bakit kailangan niya pa magdiet?

"Do you normally bug people?" Naiinis na nga siya sakin.

Ngumiti na lang ako. "Sorry, its the first time kasi na may nagtransfer dito in 4th years. The school is strict kasi. First year lang ang tinatanggap nilang transferee." At alam ko namang wala siyang pake dahil madalas ganyan ako pero share ko padin.  Baka kasi isipin niya masyado akong feeling close but I'm just really being friendly.

"See you later!" Iniwanan ko na siya sa loob to have my lunch. Nilock ko din yung pinto from the inside kasi baka mamaya dumugin siya nung mga lalaki dito.

Believe me guys. I know the feeling. Been there, done that.

Ang kaso lahat talaga nagsasawa.  Lahat lumilipas. Pero hindi ko sinasabing lumipas ang ganda ko, nasanay lang talaga sila sa mukha ko. Pero hindi sila nagsawa, okay?

So, where is my squad?

Yung squad ko parang kami, wala. Charot haha. Wala akong ka-squad. Sabi nga sainyo hindi ako perpekto.

I am the friendly type of person without friends.

Nagkaroon ako ng mga friends before, kaso dahil sa different qualities namin, nagka-watak watak kami. They hate the fact that I got the beauty and brain. and I hate the fact that they are so insecure of me and even accused me na nilalandi ko daw boyfriends nila. Like, what the hell babes? I never had boyfriend before at wala akong balak mang-ahas. I even stayed away from their bfs.

Ayon, naglalakad-lakad ako sa malawak na field ng CU. Bumili ako ng sandwich at naghanap ng bakanteng table sa labas ng cafeteria.

Mas masarap dito eh, presko. Saka less suffocating kesa sa cafeteria na punong-puno ng love birds. Lahat ata ng table made for 2! Gusto atang ipamukha sa akin na nag-iisa ako.

I had guyfriends before and I have to say, mas masaya silang kasama. Although masaya rin namang kasama ang mga girls kasi may kakampi ka sa kalandian at may kasama ka mag boy hunting. Yung mga guy kasi, parang mga kuya niyo na. At alam niyo na lahat. Overprotective chuchu. Pero masaya naman kasama kasi walang kj at kasama mo sa trip all the way.

Nakita ko mula sa malayo si Alessia kasama ang squad niya. How I wish I have a true friends like her.

Yung kaibigan na tanggap ka at hindi magagalit sayo ng palihim.  Yung kaibigan na walang inggitan. Yung kaibigan na kahit kelan ata hindi ko makukuha.

"Where is the cafeteria?" Napatigil ako sa self-pity ko nang sumulpot itong si ate transferee sa harapan ko.

"Ikaw pala." Okay, hindi ko pa nga pala siya kilala. "Tara samahan na kita!" Nagmukha akong less lonely dahil sa kaniya hehe. Libre ko nga siya.

Naglakad na kami papunta sa cafeteria. And you dont know how awkward it is. I mean, she's so pretty and cool. All eyes are on her. Nagmumukha akong magandang fangirl niya na nakasunod sa kaniya. Syempre maganda padin 'no kahit mukhang fangirl.

"You seems lonely." Basag niya sa katahimikan. 

Hindi na ako mukhang fangirl. Kinakausap niya na ako kaya maganda na lang ako. Charot haha.

"Ha? Hindi. Trip ko lang mapag-isa." Soda the Liar. 

"Whatever you sa—" naputol ang sasabihin niya nang may biglang sumigaw mula sa likuran namin.

"RESH!"

Oh.. Yung boses na yun!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Not So Twilight Love StoryWhere stories live. Discover now