Chpater 24

1.9K 67 12
                                    

Chapter 24

"Coss! Coss!"

Naalimpungatan ako sa boses. Akala ko nananaginip lang ako. I dreamed about Kayexa at alam kong kasama sa panaginip ko ang pagtawag niya sa akin. Sinubukan kong bumalik sa pagkakatulog nang rinig ko ang mumunting katok sa pinto. Mula sa kaliwa ko ay dahan dahan akong tumayo para pagbuksan siya.

"Hmm? Bakit?" bungad ko at kinusot ang mata. Gusto kong buhatin ang tiyan ko dahil ang bigat mula roon ay naglalakbay papuntang likod ko.

"Ah tumawag kasi sila mommy at daddy. May pupuntahan daw tayo." Masayang sabi niya at kita ang pagningning ng mata niya habang hinahaplos ang tiyan ko. Bigla tuloy akong kinabahan. Parang iyong antok ko kanina nilipad ng hangin.

"Saan?" nauutal na sabi ko. Hindi ko maisip-isip kung anong meron.

"Basta. Kumain ka na. Gigisingin ko pa si kuya." Sabi niya bago ngumiti at nilagpasan ang silid kung nasaan ako. Kita ko ang pagkatok niya sa kwarto ni Vincrist. Tulad ko ay kagigising niya lang din. At pansin ko pa ang paghikbi nito at pag-unat hanggang sa dumaretso ang kamay niya sa balikat ng kapatid at tamad itong yumakap doon.

"Yuck kuya, ang baho mo! Bitawan mo nga ako! Kuya!" apila ni Kayexa ng yakapin siya nang kuya niya. Saglit akong napangiti sa kulitan nila. Ang sweet talaga nila. Minsan, pag nakikita ko sila parang gusto ko ring magkaroon ng kuya na tulad ni Vincrist. Iyong tipong sweet at maalaga. "Bitiwan mo 'ko sabi e!" kahit anong tulak niya ay hindi niya magawang ilayo ang sarili sa yakap ng kuya niya hanggang sa maagaw ko ang atensyon niya.

Bigla tuloy akong naconcious sa ayos ko. Kagigising ko lang din at paniguradong disaster ang buhok ko. Mabilis ko 'yong inayos at nadatnan siyang kumaway sa akin habang akbay pa rin ang kapatid. Sa ngiti niya ay halos maghurumentado na ako at hindi mapakali habang pinagmamasdan siyang papalapit sa lugar ko.

"Good morning!" bati niya at huminto sa harap ko. Nanigas ako ng ayusin niya ang tingin kong magulong bahagi ng buhok ko. Nang tumigil siya at ngumiti sa akin muli ay roon palang ako natauhan.

"Good-- good morning," nahihiyang bati ko pabalik. Ni hindi pa ako nagmumumog. Nakakahiya tuloy. "Anong meron?"

Nagkibit-balikat ito, "I don't know. Mom called me and asked me to prepare. That's it." Parang may koneksiyon sa amin at sabay naming nilingon si Kayexa na gulat at mabilis na dinefend ang sarili niya.

"Wala akong alam." Aniya at kinagat ang labi niya. "Baka iyong kahapon, hindi ba dapat lalabas tayo? Kaso ang tagal niyong bumalik kaya baka ngayon tayo lalabas?"

"Maliligo lang ako." Excuse ko. O kaya sabihin nating maglilinis muna ako ng mukha dahil nakakahiya kung maamoy nila ako. Hindi tulad ng sinabi ni Kayexa ay mabango naman ang kapatid niya kahit pa sabihin nating natulog na siya sa lagay na 'yon. Samantalang ako ay paniguradong amoy panis na.

"Kagigising mo lang. Mag-almusal na lang muna tayo. You can do that after." Pigil ni Vincrist sa braso ko. Nahihiya akong tumango sa kanya.

Nauna na silang maglakad at ako naman ay nakasunod lang sa likod nila. Sa baba na lang siguro ako maglilinis ng mukha at magmumumog tutal ay wala naman ata akong kawala sa kanila.

"What happened yesterday? Nadatnan naming madumi ang bahay."

"Dumating sila kuya Eos at kuya Peyn dito." Malimit niyang sagot. Nanatili akong nakikinig sa kanila.

"With Dau?" dagdag niyang tanong bago ako sinulyapan sa likod niya. Sa gulat ko ay napaatras ako. I'm not ready for that.

"Nah. Silang dalawa lang." Sagot ni Kayexa.

"I saw his phone inside my room."

Nilingon ko si Kayexa na halata mong nabisto.

"Kainis! Sige dumaan silang lahat dito kahapon that's why the whole house was a mess. Ang dami mong tanong. Dali na maliligo pa tayo." Giit ni Kayexa nang marating namin ang dulo ng hagdan. Nauna siyang bumaba samantalang ang kapatid ay nanatili sa unang palapag. Huminto ako dahil nahihiya akong sabayan siya. Mamaya ay maamoy niya ako. Hindi tulad niya na mabango, ako hindi na. Mukha pa namang matalas ang pang-amoy nilang pamilya.

To Let Go (SSB#3A)Where stories live. Discover now