Lumapit ako sa kanya at pinasilong sa hawak kong payong.
"Anong ginagawa mo dito sa labas? Ang dami nang tao sa loob" sabi ko sa kanya.
Humarap sya sakin at nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya. Kinuha nya sakin ang payong at sya na ang nagpapayong sa aming dalawa.
"Ngayon ko lang naramdaman na masaya palang pagmasdan ang ulan" Manghang sabi nya sakin.
"Matagal ko na kasi itong sinasabi sayo no!" Sigaw ko sa kanya.
Hinilig ko ang ulo ko sa balikat nya at pinatong naman nya ang ulo nya sa ulo ko.
"May hihilingin ako sayo.."
Agad akong napatingin sa kanya puno nang pagtataka.
"Ano naman?"
"Walang Iwanan. Kaya mo ba yun?"
Agad ko syang hinampas at narinig ko ang pagdaing nya dahil sa malakas na paghampas ko sa kanya.
"Syempre, Walang Iwanan!"
-
Kalysof
YOU ARE READING
The Story of Another Us
Teen FictionEvery mistake can be corrected Different souls Different face Different personalities But the heart beats for the same person. How can you recognize the person who loved and betray you? If in the afterlife they had a different face but same personal...
