Paano niya nakuha?!
Is he a snatcher?!
"Uy lumingon siya."He said teasingly while waving my phone.
Argh! Gwapong walang modo at snatcher ang crush ko!
Nakakaasar!
***
Nakauwi na rin ako sa wakas matapos ang mahaba habang sigawan at sagutan namin ni Mr.Violet. Oo, hanggang ngayon hindi ko alam kung anong name niya! Wala talaga siyang modo! Hindi man lang nagpakilala?!
Well, it doesn't mean I want to know his name...Tsk! Whatever.
After ko maghalf-bath ginawa ko na ang assignment ko na ipapasa bukas. Medyo nahirapan ako dahil si Katie nangungulit na pakopyahin ko raw siya ng assignment at hihiram siya ng CD ng korean dramas ko.
Distractions!
Mga pasado 9pm na ako natapos sa assignment ko. Nagtimpla at uminom ng gatas then I lay down in my bed.
Mabilis akong nakatulog dahil pagod ang katawan ko at utak ko sa araw na to. Kaya napamura ako ng biglang nag-ingay ang phone ko sa tabi ko indicating that someone is calling me at...11pm!
Gosh! Malilintikan talaga ang hayop na 'to sa akin! It better be an emergency call!
"HELLO!"aburido kong sagot. Pinahalata ko talaga na bwisit ako.
Pero mas nainis ako ng may tumawa sa kabilang linya. Boses lalake. At wagas kung makatawa!
"Hoy! Kung ayaw mong matulog! Magpatulog ka! Leche! Bwisit ka!"sigaw ko sabay end ng call.
Hihiga na sana ako ulit pero tumawag na naman ulit yung unknow number na yun! Gusto niya talagang bugahan ko siya ng apoy?! Leche!
"ANO BA?!"
"Woah! Calm down Flat chested chubby girl."
What the?! At paano niya nakuha ang number ko?!
***
The next day. Puyat ako. Puyat na puyat at bwisit na bwisit! Saan na ang lalakeng yun?! Magkakaworld war three talaga dahil sa ginawa niya!
Buruin niya na ang lahat ng tulog wag lang ako! I love sleeps! I love my comfy bed! I hate him!
I hate him so much! Sagad sa buto! Period!
"Wow! Entrance mo pa lang sa gate nag-aalab na. Anong meron? Sinong kakatayin mo at ipapakain mo sa pusa mong si Miles?"
Yeah. I have a cat and he's really...matakaw.
"Yung lecheng lalakeng yun! Akala niya kung sino siyang gwapo! Utot niya! Nakakturn-off siya! Dapat sa kanya tinatadtad ng buhay eh! Distorbohin ba naman ang tulog ko?! Napanaginipan ko na si GD eh! Argh!!"
Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga students habang nagrereklamo ako sa bestfriend ko pero tuloy tuloy lang ako sa pagbuhos ng hinanakit ko kay Katie hanggang dumating na ang prof namin.
Boring ang klase kaya nagdrawing na lang ako sa notebook ko ng mga paraan paano katayin yung lalakeng hindi ko pa alam kung anong pangalan.
Hmm? Baka Antonio? Hahahahaha! Leche! Ang bantot!
Nakaramdam ako na may sumiko sa gilid ko kaya tinignan ko si Katie. She gave me the 'prof-is-looking-look' kaya agad akong umupo ng maayos at nagbehave.
Pero di ko matanggal sa imagination ko na Antonio pangalan niya.
Wahahahaha! Bakit ba yun naisip ko? Ang bantot! Promise!
Ano ba yan! Kanina galit ako, ngayon parang baliw ako.
Yun totoo Luna, ano ba talaga?
Hays...
Nakakabaliw siya..Promise.
***
"HOY! ANTONIO!"sigaw ko ng ubod ng lakas kaya lahat napalingon. Pati ang grupo niya.
Kitang kita ko ang gulat na mukha niya at parang...namumutla?
Hah! Dapat lang siyang matakot dahil galit ako! Leche! Dinistorbo niya ang tulog ko! Dinistorbo niya ang date namin ni GD ko! Argh!
This is war!
"Gera na kung gera! Leche ka! Kung ayaw mong matulog magpatulog ka! Hindi yung dinidistorbo mo ako habang tulog ako! Alam mo ba gaano kahirap matulog habang may maingay na katabi?! HOY! PUYAT NA PUYAT AKO KAGABI NG DAHIL SAYO! WALANGYA KA! BWISIT! WALA KANG AWA!"
Teka...Bat parang iba ang dating nga mga sinigaw?
At bakit iba ang tingin nila?
"Dhai..."naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Katie."Bat di mo sinabi?"
"Ha?"
"Frost.." Frost? Frost name niya? Well, cool name. "...bago lang kayo nagkakilala, nakashoot ka agad?" di makapaniwalang tanong ng katabi niya.
Ano bang pinagsasabi nila at pinagbubulungan?
"FCVK! SHUT UP JOSH! ANG DUDUMI NG UTAK NIYO!"sigaw niya sa mga kasama sabay hila sa akin sa...
I don't know where.."HOY!! Saan mo ako dadalhin?! Ano ba!"
---To be continue...
YOU ARE READING
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...
Red #2
Start from the beginning
