"Eh kung makatitig ka kasi kay Mr.Violet, para gusto mo ng gahasain."
"Ha? No way! I'm not that kind of girl! Baka ikaw! Kanina ka pa naglalaway kay Mr.lightblue!"
"Yeah. Ang gwapo niya kasi." nakasmile na sagot niya at binalik ang tingin sa grupo ng mga lalake. Tignan mo nga naman, hindi nagdeny.
"Tara na nga! Baka makasuhan ka pa ng panggagahasa eh!" bago pa siya makaprotesta hinila ko na siya sa tenga niya at dumertso sa canteen.
Pero bago pa kami makaalis sa lugar namin kanina pasimple akong lumingon sa likuran at halos lumabas sa eye socket ko ang mga mata ko.
SHET! Nagkasalubong ang tingin namin!
At SUPER SHET! Nakatingin siya sa akin! SA AKIN!!
Luna Byul Cortez and Katie Jamie Perez's stalker life story starts here. GHAD!
***
Next class: P.E. I hate it. Hindi talaga ako sporty na tao. Badminton nga lang ang alam kong laruin na nakakapagod. Bakit ba kasi may P.E. subject pa kami?! Wala namang connect sa course ko na Computer Science eh!
"Waaah! OMG DHAI!!"
"Aray! Katie naman! Wagas lang kung makahila ng damit?" reklamo ko sabay hablot ng braso ko. Halos hubaran na niya ako! Ewan ko ba bakit natitiis ko ugali nito at naging bestfriend ko pa. Lakas ng tama sa utak eh.
"Gosh! Classmate natin si Mr.Lightblue at Mr. Violet!! Pati yung iba pang Fafa!! Yiiiiieeee!"
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Classmate namin sa P.E. sila?!
Sinundan ko kung saan nakatingin si Katie at nandun nga sila. Parang mga haring nakaupo sa taas ng bleachers at nakatingin ang mga babae sa kanila. Sino ba sila at parang kilala na talaga sila?
"Ahw, apat lang pala sila. Saan na kaya yung tatlo?"bulong ni Katie na rinig ko. Oo nga nuh? Kulang sila ng tatlo.
At sa paglingonlingon ko nagkatamaan na naman ang tingin namin. Sht! Those eyes. Hindi ko alam kung anong meron pero naattract talaga ako sa tingin niya. Saktong dumating na ang teacher namin na nasa 20s pa lang kaya umupo na kaming lahat.
Woah, save by the prof ako.
Attendance lang kinuha ni Sir at konting discussion lang kung anong gagawin and everything, after that dismissal na. Tinatamad daw siyang magturo ngayon, kaya next meeting na lang. Ewan ko ba kung matutuwa ako o maiinis sa katamaran niya.
Agad kaming dumiretso ni Katie sa canteen para magmeryenda pero habang naglalakad walang katapusan itong si Katie sa kakadaldal tungkol sa crush niyang si Mr.Lightblue.
Tumingin daw sa kanya. Ngiti daw sa kanya. Tapos nagpahiram ng ballpen at etc.
"Super cute niya talaga dhai! Yung ngiti pa lang niya nakakamatay na! Swerte natin at classmate natin ang mga crush natin nuh?"abot tenga na sabi niya.
"Pwede ba? Shut up? Ang ingay mo. Sobra kang obvious Katie. Baka marinig pa tayo at sabihing desperate tayo sa kanila. Eeew."
"Sus! Atleast napansin nila tayo! Hahahaha!"
I rolled my eyes at her and start eating my food. I really don't know kung anong gagawin ko sa kanya.
Basta ako, my plan is to avoid that guy. Hindi ko kaya ang tinginan scene namin. Baka next time maging Katie na rin ako. BALIW. Argh!
Tinaas ko na ang baso ng tubig ko papunta sa labi ko para uminom ng biglang may dumaan sa likuran ko at nasagi ako.
*COUGH.COUGH.COUGH*
"Luna! Ok ka lang?!"natatarantang abot ni Katie ng tissue sa akin."Ano ba! Mag-i---Oh my Ghad!"
Bakit parang gulat na gulat si Katie? Leche! Sino ba yang sumagi sa akin at wala pa akong naririnig na SORRY?! Bastusan lang eh!
Pinunasan ko ang bibig ko at galit na lumingon sa taong bastos.
"Pwede ba mag-ingat ka!! Madidisgrasya ako sayo eh!!" sigaw ko sa kanya pero after kong sumigaw parang nawala lahat ng will power ko para sumigaw ulit
.
Si Mr.Violet ang nasa harapan ko. Nagkatinginan na naman kaming dalawa at sabi ko na ba! Hindi talaga nakakabuti sa akin na magkatinginan kami! Hindi ako mapakali!
"Sorry."bumalik sa realidad ako ng marinig ko ang sinabi niya. "Kung yan ang gusto mong marinig. Well, sorry."
Narinig ko na ang dapat kong marinig pero mas lalo lang akong nagalit sa bored na tono niya! Parang sinuka lang niya ang 'SORRY' at ayaw niya talagang sabihin yun! Argh!
"Wow ha! Grabe ang sorry mo, tagos sa heart ko." I said with sarcasm and put my hand in my chest. "Nakakaiyak ang sorry mo. Gosh." pretending to wipe a tear.
"What the hell?" Mahinang bulong niya. Kumunot ang noo niya at binigyan ako ng 'baliw-ka-ba-look'.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap siya sabay turo sa kanya. For sure pulang pula na ang mukha ko sa sobrang inis at pwede ng umusok ilong ko.
"HOY!" sigaw ko sa mukha niya. "Kung mag-sorry ka siguraduhin mong galing dyan sa bulok mong puso!" sabay hampas sa dibdib niya. "Ikaw na nga 'tong nakasagi sa akin habang umiinom ako! Hindi ka pa mag-sosorry ng maayos! Sayang kagwapuhan mo, bulok naman ang ugali mo! Next time na gagalitin mo ako, dapat alam mo na ang salitang sorry! And how to say it! AARGGH!! I HATE YOU! STUPID JERK!" sabay tulak sa kanya.
"Woah. PMSing?" rinig kong sabi ng kasama niya pero agad naman umatras ng bigyan ko siya ng death glare ko. "Ooops." he mouthed.
Hinablot ko ang bag ko sa mesa at bago ako umalis hinarap ko silang dalawa. "Mga bastos! Nanching pa kayo! Leche!"
I don't know why pero yun na ang lumabas ng bibig ko bago pa ako makapag-isip. Sa sobrang inis gusto ko silang mapahiya! Lalo na siya!
Sayang ang kagwapuhan mo Mr.Violet!
"FLAT CHESTED!"
---To be continue.....
YOU ARE READING
Twisted Red String (completed)
Teen FictionIt's a story about how Fate pushed them together to be an enemy to each other, to be friends, to fall in love, to be hurt and to fall in love again but Fate likes to play in their life....letting her fall in love with her guy best friend while she's...
Red #1
Start from the beginning
