Chapter 7

635 29 17
                                    

TRISHA'S POV

Pagkauwi ko ng bahay ay nakita kong nakaupo si mommy sa sala kaya patakbo akong yumakap sa kanya.

"Mommy" nagsusumbong na sabi ko sa kanya.

"I heard what happened baby. It's okay. I'm here for you." sabi niya habang hinihimas yung likod ko.

Pagkarinig ko yun ay mas lalo akong humikbi at hindi na napigilan ang pag iyak. All my life my mom was there, sinusuportahan at binibigay lahat ng gusto ko. She is the best mom for me.

Hinahagod pa rin niya ang likod ko ng nagtanong siya sakin.

"Are you sure na siya yun baby?"

"Yes mom, alam ko. Naramdaman yung puso ko mommy eh."

"Pero umalis na siya seven months ago baby di ba?"

"He is back mom. He is back and i don't know why."

"Did you two talked?"

"No mom. He left me there awhile ago." sabi ko at hindi ko napigilang umiyak ulit.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis na ako sa yakap ni mommy at iniwan siya doon basta basta. Umakyat ako sa kwarto ko at doon ay nahiga habang nag iisip.

'Enough of crying Trisha Colline Hernandez.'

Akala ko lang kasi okay na ako pero noong nakita ko siya kanina parang bumalik lahat. Lahat ng sakit, lahat ng ala ala namin. Dahil kanina ay hindi ko na naman maiwasang maalala kung ano kami dati.

Flashback

"Mahal" narinig kong tawag sakin ni Justine pagkababa ko ng sasakyan ko. Hindi ko nakita na nakapark na pala siya sa tabi ng parkingan ko.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. May nilabas siya mula sa likod niya at napangiti ako nang makita kong isang pink rose iyon.

"Good morning mahal. I love you." sabi nito sa akin at inabot ang rose.

"I love you more mahal." sagot ko sa kanya.

Nagkakilala kami ni Justine noong first year college kami. Pareho kami ng course kaya lagi kaming classmates noon. Una pa lang nagustuhan ko na siya kasi siya yung lalaking gentleman, mabait, maunawain at maginoo. Lagi ko siyang napapansin noon. Medyo may pagkamahiyain pero laging nangunguna sa klase. Ako naman noon dakilang pasaway bakit hindi dean ang daddy ko kaya malakas ang loob ko.

Certified bully ako noon sa campus. Kinakatakutan. Ayaw nilang lumapit sakin maliban sa mga kaibigan ko. Lahat ng nerds ay binubully ko, mayaman man o scholar wala akong pinapalampas. Lahat sila ay naiilang at ilag sa akin. Kahit din mas mayaman sakin wala akong pakialam. I am a brat. After all I am Trisha Colline Hernandez.

Nagkaroon noon ng groupings sa klase at nataon na naging kagrupo ko si Justine. Being the good boy that he is, siya leader namin at tagabigay ng task ng bawat isa sa amin. Binigyan niya ako ng task kahit mukhang ilang siya sa akin. Nakingiti akong tinanggap iyon dahil ayaw kong mabad shot sa kanya. Crush ko siya eh. Gusto ko siya. Narealize ko na lang na mahirap pala ang naibigay niyang task sakin at doon ay naisip ko na iyon na ang chance upang maging ka close ko siya.

Isang umaga ay lumapit ako sa kanya at mukhang nagulat ito pero gwapo pa ding tignan. Tinitigan ko siya at mukhang naiilang to sakin kaya sinabi ko na ang pakay ko.

"Justine, feeling ko kasi mahihirapan ako sa task na binigay mo sakin eh." sabi ko sa kanya.

"H-Huh?" nauutal pa niyang sagot.

When He is Gone Where stories live. Discover now