"So, I have to go now."
Pagpapaalam ko kay Chino.
"But it's too early."
"I have something to do Chino. Sorry" lumungkot naman yung mukha nya, ako lang kasi yung kinakausap nya at hindi sya mahilig makipaghalubilo sa mga bata dito. "Join them, there are a lot of things that you can do here and I bet you will really enjoy."
Tumayo na ako at tumayo na rin sya at niyakap ko sya. "Play with them. Go"
Tumakbo naman si Chino papunta dun sa mga batang naglalaro ng basketball.
Makaalis na nga dito baka mamaya nyan hindi pa ko paalisin ni Chino dito.
-----------
Heto ako! Tambay sa Churvaekek Bay, habang nainom ng beer. Haaaay! Sarap ng hangin! How refreshing.
"Drew naman, please lang pansinin mo na ko."
Hmm. Pamilyar ang boses ah.
Lumingon ako sa likod and to my surprise si Weaky lang naman pala at yung jowa nya na iniwan sya.
Bute na lang nakacap ako at yung hair ko nakatago sa taas ng cap and nakajacket kaya hindi ako makikilala ni weaky.
Tinuon ko na lang ulit yung paningin ko sa dagat pero nakikinig pa rin ako sa kanila.
"Bakit ka nandito?" Sabi ni Weaky.
Aba! Snob na snob ang dating ng loko.
"Gusto ko sanang makausap ka Drew."
"Para san pa Elise?"
"About saten Drew. Sana naman payagan mo na ko" Gago talaga yang Elise na yan. Nakipagbreak na sya tapos hahabol habol ngayon. Haaaaaay.
"Hahahahaha!" Biglang tumawa si Weaky "Ano Elise? Tungkol saten? Hahahaha! Nagpapatawa ka ba? Diba sinabe mong ayaw mo na? Diba sabe mo ayaw mong malaman ng parents mo yung tungkol saten? Ano to? Hahahaha! Walang ng saten Elise dahil ikaw mismo ang nagwasak."
Give him a round of applause everyone! Napakaganda ng mga linyang binitawan ng taong ito!
Kabog na kabog sa mga teleserye!
"Drew gusto ko lang sanang kahit wala na tayo, i hope our friendship will still remain. Namimiss na kita Drew. Di mo na ko pinapansin sa School, ayaw ko ng ganun. Drew sana naman ok tayo as friends." Ayun oh! Bagong friendship!
"Sinaktan mo na ko Elise, sa tingin mo friends pa tayo nyan? Ikaw kaya saktan kita tapos hiniling kong mkipagfriends sayo, anong magiging reaksyon mo?" Hmm. Me punto nga naman si Weaky dyan.
"Sorry Drew. Sorry talaga Drew, ayaw ko lang mawala yung parents ko saken"
"Elise for the second time, ALIS!"
"Drew naman! Wag naman sanang ganyan! Ako na nga ang lumalapit sayo para sa friendship natin"
"Wala naman silbi ang mga pinagsasabe mo eh, paulit ulit na lang! Nakakainis kaya Elise please lang! ALIS!"
Narinig ko ang tunog ng takong ni Elise at alam kong naglalakad na yun palayo.
Me umupo malapit sa akin. At hindi na ako nagulat pa kung sino yon.
Inayos ko ang cap ko at tinaas ko ang hood ng jacket ko para hindi nya ko makilala.
2mins. of silence.
Walang me nagsasalita sa aming dalawa.
Kinuha ko yung isang can ng beer inilapit ko yun sa tabi nya.
"Salamat pre" binuksan nya ito at agad na tinungga.
Sinuot ko yung ray ban shades ko tutal magsusunset naman kaya saktong sakto tong shades ko at para di ako makilala ng taong to.
"Nakakainis talaga yung mga babaeng iniwan ka na nga at kung saan na medyo nalilimutan mo na yung sakit dun pa sila bumabalik." Bumugtong hininga si Weaky at tinungga nya naman yung beer "Sinaktan ka na nga tapos may gana pang makipagfriends, nang aasar ba sya? Gago yun ah"
Tinungga nya naman ulit yung beer.
"Ikaw ba nakaranas ka na ng ganun?" Tanong nya saken. Umiling lang ako sa kanyang tanong. "Pipi ka ba? Bat di ka nasalita?"
Gago to ah.
Tumango na lang ako para naman hindi nya na ako makilala.
"Tsk. Sayang." Tinungga nya naman yung beer nya "Alam mo yung babaeng kausap ko kanina? Yun yung babaeng unang nanakit sakin. Grabe tol, mahal na mahal ko yun. Ginawa ko talaga lahat para lang sa relationship namin pero baka ayaw nya na talaga eh, porket wala saken yung future nya. Taenang future yan." Sabay bato nya naman ng can ng beer na ubos na tapos binigyan ko pa sya ulit ng isa pa.
"Tapos alam mo yung nakakainis? Yung araw na nakipaghiwalay sya sakin may nakawitness pala yun, kung sino pa yung kinaaasaran mo yun pa yung nakawitness."
Ako yun ah? Hahaha.
"Pero laking pasalamat ko sa kanya ha, umayos ayos din pakiramdam ko sa pang aasar nya tapos hindi nya pinagkalat yung samen ni Elise, tago lang kasi yun eh."
Sows! Nagdrama nanaman tong baklang to -3-
"Pagkamalan ka ba namang bakla?"
Bigla kong nabuga yung iniinom kong beer pero tong gagong to di man lang ako napansin at patuloy pa rin sya sa storya nya.
"Gago talaga yun, ang lakas ng sapak sa utak."
Gago to ah, ano? Sapakan na lang? Nanglalait ka pa ah! Ikaw na ngang binigyan ko ng beer dyan!
"Kawawa lang yung kumpare kong may gusto sa kanya, basag basag araw araw eh, man hater talaga kaya nababansagang Tommy kasi kung umakto sya parang lalaki, ang layo layo nya sa mga babae sa school kung kumilos"
Si Inigo lang ba? Bakit ikw? Hindi ba basag ka din araw araw? Tado talaga to.
Mga kilos ko nanaman yung napansin nya.
"Kaso tol, curious talaga ako sa kanya kung bakit ganun sya. Ang weird nya eh. Nagwala ba naman daw sa CR nila sa hindi ko malamang dahilan."
Bigla kong naalala yung nangyare nung isang araw.
Wag mo ng paalalahanin, please.
Nung napansin kong mauubos nanaman yung isang can agad kong binuksan yung isa pa at binigay sa kanya para wala na syang masabi.
Tumayo na ko at tinapik ko na lang yung balikat nya as a sign na aalis na ko.
"Uwi ka na tol?" Di ba obvious? -_-# Tumango na lang ako. "Ah sige, salamat sa mga beers ha? Hehe."
Tumango ulit ako at umalis na.
Haaaay!
Pano ba yan weaky?
Ako nanaman ang nakasaksi sa inyong dalawa ni Elise.
-------***
It's good to be back!
SORRY! SORRY! SORRY PO TALAGA!
At sorry sa lame update,
Babawe ako sa susunod.
LoveYou Readers! :*
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
