Chapter 2: Syota Over Friend

14 0 0
                                    

Chapter 2: Syota Over Friend

Sophie's POV

Papunta na ako ng eskwelahan. Hindi ako makapaghintay na makita si Brian.

Ako'y masaya na pumunta sa e-bike ko. Excited ako pumasok para matuto ng kung ano-ano. At sinabi ko na ba? Si Brian, yung baby ko.

***

Jerimay's POV

Nakaupo ako sa klase ng nakatingin sa labas ng bintana. (Oo, nakaupo ako sa upuan ng protagonist sa anime. P.S. broken fourth wall.)

Ilang minuto ang nakalipas...

"Psst!" Narinig ko sa labas pero hindi ko ito pinansin.

Biglang may naramdaman akong sakit sa ulo. "Aray!" Binatukan ako. Tumingin ako sa likod ko at handa ko na ito bugbugin nung si Sophie pala ito. So, siya pala nag-'psstt' sa akin.

I glared at her and she glared back. Wow, bongga.

"Ano po?" Sinabi ko na parang bata.

"You ignored me!" Sabi niya. Haha, english spokening dollars. Nag-english si Bess.

"I thought it was someone else." Sinabi ko.

"Okay, but---"

"Shhh. Manonosebleed na ako." Sabi ko sa kanya na nakangiti.

Tumawa siya. Ang ganda niya talaga. What?!

Umubo ako tapos tumingin sa mata niya.

"Oh, ano nga?" Tinanong ko ulit.

"Ah, tinitignan ko lang kung okay ka. You seemed tired yesterday." Sabi niya, english nanaman.

"Oo, maraming practice, pero free ako ngayon! Yehey. Pero sa tingin ko kasama mo si lovey-dovey kaya wag mo na akong isipin." Sinabi ko ng may awkward smile sa mukha ko.

"Anong ibig mong sabihin?!" Sabi niya na parang offended.

"Triggered? Ibig sabihin ko, since meron ka ng boyfriend mas gusto mong kasama sya kaysa sa best friend mo." Why am I being bitter. Ngayon ko na nga lang siya makakausap. Pero dahil palagi niya kasi kasama si Brian kaya hindi na kami makapag-usap.

"Why are you acting like this?! Nagkaboyfriend lang ako, nagbago ka na!" Sinigaw niya. Tinakpan ko bunganga niya.

"Shhh... Pati ikaw rin naman nagbago ha? You don't even talk to me, just rarely. You know, mas marami ka pang time sa boyfriend kaysa sa friends mo." Sabi ko na parang kalma kahit hindi naman.

"Akala ko ba, 'you should be happy, if your friends are happy', hindi ba 'yon totoo?!" Sinigaw niya nanaman.

"Manahimik ka ng unti. Pati masaya nga ako sa relasyon niyo." Sabi ko.

"So, anong problema?" Tinanong niya.

"Ako." Sabi ko at nag ring na bell. Bumalik na siya sa classroom niya. Why does my chest hurt?

***

Sophie's POV

'Ano bang problema niya?' Sabi ko sa isip ko.

Bakit nga ba, grabe, akala ko ba okay lang magka-boyfriend, bakit siya nagagalit ngayon.

Umupo ako sa tabi ni Brian, at least mahal ako ni Brian na tunay. Pero yung childhood friend ko hindi nanan ako maintindihan.

"Yo!" Sabi ni Brian habang nakangiti.

"Hi." Sabi ko at niyakap siya.

"PDA!" Sigaw ng isa sa mga kaklase namin.

Tumawa kaming dalawa at nag-usap hanggang dumating si ma'am.

Time skip..

Dismissal...

Ha! Pwede na rin umuwi. Tumingin ako sa classroom ni Jerimay. I'm ignoring her. Bahala siya.

"Mahal, laro ulit tayo." Sabi ko.

"May practice ako sa basketball ngayon. Gusto mo manood?" Tinanong ni Brian.

"Ge." Sabi ko at sumama sa kanya. Galit ako ngayon kay Jerimay.

***

Jerimay's POV

She's ignoring me. Welp, mahal ko ba talaga ang katulad niya? Stubborn? Maybe.

Sino ba Mahal Ko?!Where stories live. Discover now