23. Atasha's property

Start from the beginning
                                        

"Ganda mo naman.." napasinghap ako ng bigla nalang lumabas si Luther sa likod ko. Bigla akong natigilan at kinapos ng hangin ng lumitaw ang pang close up smile na ngiti niya. His hair is clean and brushed properly.

Mabuti nalang at bumili ng tubig si Kristele. Kung hindi ay hindi kami matatahimik dalawa.

"Salamat. Gwapo mo din." Natatawang sabi ko sa kanya. Umirap si Luther pero halata naman na kinilig siya. Bahagya kasing namula ang pisngi niya. Pabebe niya talaga.

"Who's with you?"

"Uncle John."

"You?"

Natigilan ako. How will I tell him that I'm all by myself? Kahit nandito si Kristele ay iba pa di  kapag magulang mo ang kasama mo. "I'm with my sister.." kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

"Is she pretty?" Napatingin ako ng masama kay Luther. I thought he's going to ask kung bakit wala ang parents ko. Tignan mo 'to!

"Gusto mong sampalin kita?" Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko kaya napahalakhak siya..

Hinarap niya ako sa kanya. Uminit ang pisngi ko ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "I love it when you're jealous. Marami na akong nakitang maganda... mas maganda pa seyo.. pero--"

Pero--- taragis na lalaki 'to! Pag kausap niya ako palagi nalang bitin. Lahat nalang ng sabihin bitin.

"We'll start now." Napasinghap kaming dalawa ng magsalita si Mrs. Catindig na umalingawngaw sa buong  venue.

"Congrats Sasha." Humalik siya sa noo ko. "I have something for you.. see you later."

Tulala akong pinagmasdan si Luther na confident naglakad sa dagat ng studyante. Ang iba ay nakalaglag ang panga na nakatingin sa kanya. Why so gwapo? Ugh.

"Ate nandito si Mommy." Salita ni Kristele. Natapos ang graduation ng dumating si mommy. Bat pa siya nagpunta? Tapos na.

Nagkatingin kami ni mommy. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mga mata niya. I feel numb. Parang nasasanay na ako na ganyan ang trato niya sa akin kahit hindi ko maintindihan.

"Congrats, Sasha.." malamig na salita ni Mommy. Tumango lang ako bilang sagot.

"Ate, sino yon? Ang gwapo.." Napatingin ako sa tinuturo ni Kristele. Nanliit ang mga mata ko ng mapagtanto ko na si Luther iyon. Halos kalahati ng populasyon na babae na grumaduate ang nasa tabi niya ngaun at apura ang papicture. Hello? Samantalang ako hindi makalapit sa kanya? 

"Wala!" Singhal ko kay Kristele na bahagyang nagulat. "Ay, may galit ka?" Hindi ko alam kung nagbibiro si Kristele or what dahil okupado ni Luther ang utak ko. Buset na yon! Bakit ang hina-hina niyang tumanggi sa tukso? Tapos gusto niyang maniwala ako na seryoso siya sa kung anong meron kami? Fuck shit lang!

"Lets go," halos mapalundag kami ng magsalita si mommy. I sigh heavily and look at Luther again. Mukhang hindi kami makakapagusap ah. Masama ang loob kong bumaling kay Mommy. Si Kristele naman ay halatang pagod na din kaya sumama nalang kami kay mommy.

"Sasha," napahinto ako sa paglalakd ng biglang lumitaw si Luther kasama si uncle John na bahagya pang nagulat.

"Congrats.." salita ni uncle John. "Thanks po."

Hinawakan ko ang braso ni mommy para paharapin kila Luther. "What--" hindi na natuloy ni mommy ang sasabihin niya ng makita niya si Luther at uncle John. Ang mukha niya ay bahagyang nawala ang kulay.

"Arlene.." mahinang bulong ni uncle John na bahagya pang napabuka ang bibig. Magkakilala sila?

"Mom--" hindi pa ako nakakapagsalita ng hilahin ako ni mommy. "Lets go.." halata ang pagkabalisa sa boses niya. Kahit si Luther ay halata ang pagtataka sa inakto ni mommy. Hindi ko man alam ang nangyayari ay sumama nalang ako para walang gulo.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now