23. Atasha's property

Start from the beginning
                                        

Syempre sa utak ko lang. Hindi pa naman ako ganon kadesperada para maghabol na parang aso sa kanya.

To Luther

- What do you think?

Luther

- hmmm...

Dumating ang order na mabilis nagpakalam ng tyan ko. Hindi na nagreply si Luther. Napikon yata. Ni hindi ko manlang natanong kung nasaan siya or ano ang ginagawa niya. Ang sabi ko nga ay sa venue nalang kami magkita mamaya.

Kristele is going with me. I don't know if mom will come. She's still annoyed at me. OA na siya ah..  Si Luther naman si uncle John yata ang kasama dahil wala ang papa niya.

That's another thing. Hindi pa din binabalik ng papa niya ang lahat sa kanya. I wonder kung saan kumukuha ng pera si Luther? At kahit nagtino si Luther, his father doesn't give any credits.

Natapos ko na kainin ang order ko. I was supposed to go when I saw my....

Dad? Nalaglag ang panga ko ng makita ko si daddy na nasa dulong table kasama si--- uncle John? Magkakilala sila? Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Nandito lang sa Pinas si daddy? Bakit hindi siya umuuwi kay mommy? What the hell is happening?

Tulala akong nakatingin sa kanila. Walang bakas ng kahit anong humor sa mukha nila. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila at panay ang igting ng panga ni daddy. Si uncle John naman ay ibang iba sa uncle John na na-meet ko. He's so damn serious.

"Hey," napalundag ako bigla ng may humawak sa balikat ko. Doon na ako nabalik sa realidad. "Eros.." halos ibulong ko nalang.

"What are you doing here?" Nanliit ang mata ko sa kanya. Mukha kasi siyang constipated at hindi maipinta ang mukha.

"Ahhh---maglulunch sana.." hindi siya makatingin sa akin. Lalo akong nabahala. "You wanna join me?" He sound unsure. I mean parang hindi siya sigurado kung aayain niya ako or ano. I shrugged. " I'm done."

"Tara na," hila niya sa akin kaya lalo akong naguluhan. Nang maalala ko si daddy ay huminto ako. "Why?"

"Nandito si--" natigilan ako ng bumaling ako sa pwesto nila daddy kanina ay wala na sila ni uncle John. San sila napunta? Nandito ba sila o namalikmata lang ako?

No.. si daddy talaga iyon.

"Si?" Nabalik ang atensyon ko kay Eros. He look at peace now. Umiling ako at huminga ng malalim. Maybe nagkamali lang ako.

"Wala."

Sinamahan ako ni Eros na magpasalon. Kinukulit ko pa nga siya na umalis na dahil gagraduate din naman siya mamaya. "I'm fine here.. really, hintayin nalang kita."

Hindi ko siya napilit umalis. Literal na hinintay niya lang ako kahit alam kong naiinip na siya at pinagkakaguluhan ng ilang baklang staff.

"Ganda mo.." natatawang sabi niya ng matapos ako. Inilabas niya ang gold card niya at akmang iaabot sa counter ng pigilan ko. "Ano ginagawa mo?" Masungit na salita ko tsaka kinalkal ang bag ko.

"Ako na." Pinigil niya ang kamay ko sabay abot niya sa counter ng card.

"Grabe ka! Pinaghintay na kita ikaw pa ang nagbayad?" Babayaran kita."

Ngumiti si Eros. "Don't make this a big deal. Consider it as my grad gift."

Tinagilid niya ang ulo niya dahil titig na titig ako sa kanya. Hindi lang ako makapaniwala na mabait siya sa akin. Kung si Luther ang kasama ko? Lahat don palibre sakin.

"Thanks," ngumiti nalang ako sa kanya guguluhin pa nga sana niya ang buhok ko ng tinignan ko siya ng masama. Sa huli, sabay kaming natawa.

Nagsimula na ang prosession ng mga ga-graduate. Kristele is with me and mom's not here. Kahit medyo masama ang loob ko ay may parte sa akin na natanggap ko.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now