Chapter 26 - Nipa Hut

142K 2K 32
                                    

Wala na nga ko nagawa at sumama sa akin si Jace sa probinsya. Isang malaking wooden house ang bahay namin na parang bahay kubo. Tinext ko na in advance si mama at papa na isasama ko ang friend ko pag-uwi.

"Maayos naman pala ang bahay niyo, parang Nipa Hut rest house. Akala ko naman sa kweba ka nakatira," natatawang sabi ni Jace pagpasok namin sa wooden gate.

Sinalubong kami ni mama at papa. After ko magmano, nagulat na lang din ako nang magmano si Jace.

Shit, ano nga ba sasabihin ko sa kanila? Friend ko si Jace? Alangan naman sabihin ko yung totoo?

"Mama, papa, si Jace po," pakilala ko sa kanya.

"Good morning po. I am Jace Gomez, boyfriend po ni Julianna," sabay handshake niya kamay ng parents ko.

Pero mukhang mas nagulat pa ko sa sinabi ni Jace, kasi yung parents ko, pinatuloy lang siya sa bahay at parang natuwa pa sa kanya.

"Hijo, classmate mo ba si Yana?" tanong ni papa nung nasa second floor living room kami. Open air at walang wall kaya presko ang hangin.

"Classmates po kami, same course po," sagot ni Jace habang kumakain ng nilagang saging saba.

"Buti napagpapasensyahan mo ang unica hija ko, may topak yan madalas. Matalino nga, pero pag sinumpong ng topak, parang bata."

"Papa naman, bata pa ko noong topakin ako. Bait ko na kaya ngayon."

"Medyo topakin nga po, pero sanay na," natatawang sagot ni Jace na kumakain pa din.

"Isang semester na lang, graduate na kayo. Saan niyo balak magtrabaho? Balak niyo ba mag- abroad? Mag-aasawa na ba kayo agad?" tanong ni papa kay Jace.

Nayari na, masyado personal ang mga questions ni papa kay Jace. Hindi niya alam, wala ako masyado alam sa lalakeng ito.

"Papa, interview galore ka kay Jace. Baka umuwi yan ng biglaan."

"Aba, nagtatanong lang naman ako. Gusto ko na siyempre magka-apo."

Nafroze ako sa upuan ko dahil sa sinabi ni papa. Hindi ko tinignan si Jace kung anong reaction niya pero alam ko na natatawa siya sa sinabi ni papa.

"Papa, aalis muna kami ni Jace. Ipapasyal ko siya dyan sa bukid. Baka mamaya, pati favorite color ni Jace alam mo na sa dami ng tanong mo," sabi ko sabay hila sa kamay ni Jace.

Kilala ko na ugali ni papa, I am sure di siya titigil ng kakatanong kay Jace na parang job interview.

F1 - The Official F Buddy | Jace and JuliannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon