My Teacher Is A Gumiho (ON-HOLD)

90 3 1
                                        

" 1 second, nasa library ako. 2 seconds, nagbasa ako. 3 seconds, nakita kita. 4 seconds, nakita mo ako. 5 seconds, hinila mo ako bigla. 6 seconds, napunta tayo sa sulok. 7 seconds, hinalikan--este nilaplapan mo ako. 8 seconds, sinabi mong magpakasal ako sa'yo at 'pag tumanggi ako ay kakainin mo ako ng buhay. 9 seconds, pumayag ako. 10 seconds, biglang lumabas ang siyam na buntot sa likod mo. Ang galing ano? Sa loob ng ten seconds nalaman kong ang teacher ko ay isang gumiho."

Gumiho. 'Yon ay mga mythical creature na kilala bilang isang fox na may siyam na buntot. At sabi nila, kapag naging tao daw ito, kakaibang kagandahan ang makikita mo.

In my case, simpleng estudyante lamang ako na nagmula sa isang simpleng pamilya. Hindi ako naniniwala sa mga kabaliwan pero nagiging interesado ako sa pagbabasa ng mga mythical creatures.

Vampires. Werewolves. Dwarfs. At iba pa. Nabasa ko na ang lahat niyan.

Pero may isang creature ang pinakafavorite ko sa lahat ng nabasa ko...

ang Gumiho.

Minsan napapa-isip ako kung ano kaya ang mangyayari kapag naging tao ang gumiho. Magkakaroon kaya ng World War III dahil sa kagandahan nito?

Pero KUNG lamang iyon. MYTHical creature nga lang iyon diba?

Pero hindi ko inaasahan na makakakita na nga ako nito.

BAD news, sa katauhan ng teacher ko.

WORSE, na sabi niya ay kakainin ako.

WORST, kapag hindi ako pumayag magpakasal sa kanya.

Bata pa ako. 4th year highschool and seventeen years old pa lang ako.

Habang siya naman ay History teacher ko. 22 years old at masasabi kong kinababaliwan ng mga estudyante sa school namin, maliban sa mga lalaki siyempre.

Aaminin ko. Nagkagusto din ako sa kanya. Sino ba namang hindi eh ang gwapo, bata pa, matalino, tawagin niyo na akong manyak pero HOT talaga siya.

Pero dahil realidad ito, hindi na ako umasang kami ang magkakatuluyan.

Pero, subalit, datapwat, sapagkat...nagkamali ako.

Nasa library ako at naghahanap ako ng mga libro na may mga mythical creatures nga. Bigla lang ako naging interesado at baguhan lang ako sa pagbabasa nito.

Matapos kong maglibot-libot, nakakuha ako ng sampung libro. Binasa ko ang mga iyon. Sa katunayan paulit-ulit na lang yung mga binabasa ko.

Vampires; sumisipsip sila ng dugo at magiging ka-lahi din nila ang pinagsipsipan nila. Sobrang puti nila na halos talo na nila si Snow White sa sobrang putla. Kaya nilang magbasa ng isip, tumakbo ng mabilis and etc.

My Teacher Is A Gumiho [ On-Hold ]Stories to obsess over. Discover now