Hindi sumagot si wendy...

Tin: wendy hello? are you still there?

Wendy: yeah...hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari eh...ang bilis naman ng karma

Tin: wendy naman eh...seryoso ito at wala na akong pakialam sa nakaraan. basta ang alam ko kailangan kong tulungan sina tita dahil pagbalikbaliktarin mo pa ang mundo ay kapamilya ko pa rin sila at sila na lang ang meron ako...

Wendy: oh my god tin...you are so kind! i am so lucky to have you...so what's your plan?

Tin: hayun nga ipapadala ko na yung ipon ko sa kanya bukas kaso maliit pa lang na halaga yun at hindi sapat yun to start the surgery...

Wendy: wala na ba silang ibang malalapitan at ikaw ang ginigipit nila?

Tin: hindi ko na iniisip yun ang mahalaga makahanap ako ng money until tomorrow morning...

Wendy: ok i can help you

Tin: talaga? oh my god thank you god for having wendy in my life... thank you friend...you are my angel talaga...

Wendy: no problem friend basta ikaw ang lakas mo kaya sa akin...hehehe

Tin: wendy tomorrow need natin magkita ng maaga kasi as early as possible dapat mapadala na natin kay tita ung money..

Wendy: no problem at tomorrow na lang natin pag-usapan ang mga bagay bagay ha...basta pahinga ka na at baka mamaya ikaw pa ang magkasakit niyan...

Tin: salamat ulit ha,,,sige tulog ka na rin...till tomorrow!

Parang nabunutan ng tinik si tin sa tulong ni wendy. agad agad naman niyang tinext ang tita denniese niya para ibalita na matutubos na niya ng sapat na halaga ang bahay at lupa...at matutuloy na rin ang operasyon. laking pasasalamat at kapatawaran ang natanggap niyang mensahe mula sa tiyahin. "ibig bang sabihin nito, okay na sila ng tita niya?" tanong ni tin sa sarili.

Samantalang matapos makausap ni wendy si tin ay biglang naglaro ang isip nito hanggang sa nabuo sa isip niya ang isang planong alam niyang mahirap pero sa tingin niya ay ang tanging paraan para makapaghiganti kay slater...

Kinaumagahan...nagkita na si tin, wendy at carlo sa isang bangko at tuluyan na ngang nagwithdraw si tin ng perang naipon niya at si wendy naman ay nagwithdraw rin ng perang pupuno sa halaga na kailangan ni tin. naipadala na nila ng tuluyan sa tita denniese ang pera. mayamaya lamang ay isang tawag ang natanggap ni tin sa kanyang tita denniese...

Tin: tita ntanggap niyo na po ba ung pera?

Denniese; oo hija maraming maraming salamat ha.saan ka nga pala nakakuha ng ganon kalaking halaga?

Tin: sa kaibigan ko po nagmagandang loob po siya na tulungan ako.

Denniese: hija napakaswerte mo at may kaibigan kang tulad niya. pakisabi na rin sa kanya na salamat ha...hija ung titulo ng bahay at lupa ay ipapadala ko sa yo sa lbc...intay ka na lang ha. sige salamat ha.

Matapos sa bangko ay tumuloy sila sa condo unit ni wendy at doon na lamang kumain ang 3.

Tin: wendy hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan. you are god's gift! i love you friend...

Wendy: wala yun. kaibigan kita eh

Carlo: wow sweetheart...super proud ako sa yo.

Tin: kaya ikaw carlo huwag mong paiiyakin si wendy dahil ako kalaban mo...

Carlo: yes ma'am!

Wendy: tin if hihingi ba ako ng favor sa yo ay hindi moko tatanggihan?

Tin: oo naman ikaw pa eh ang laki ng utang ko sa yo financially, morally at spiritually! oh di ba san ka pa?!? ( sabay tawa)

Wendy: tin naman eh...seryoso ako

Tin: seryoso din naman ako eh. i will do anything for you para man lang makabawi ako sa yo...at yung utang ko sa yo ung kaninang pera pano nga pala ang usapan natin dun? pano set up ng bayaran natin? ayoko kasi isipin mo na sinasamantala kita eh...

Wendy: tutal napag-uusapan na naman natin...i'll go straight to the point. about sa perang utang mo sa akin tin ay i will consider it zero.

Tin: what do you mean?

Wendy: pera lang yun at sa akin mas mahalaga ang mga mahal ko sa buhay...i will ask you to pay me but not in money...

Nagkatinginan si carlo at tin sa narinig...

Carlo: sweetheart...what are you trying to say?

Wendy: simple lang tin. lahat ng utang mo sa akin na pera...as in lahat...ay buburahin ko na basta pumayag ka lang sa hihingin kong favor.

Napalunok si tin at nakaramdam ng takot...

Tin: ano yun wendy?

Wendy: tutulungan mo ako kay slater!

Tin: ano?

Wendy: di ba sabi mo you will do everything for me? eh ito ang favor na hinihingi ko sa yo friend..help me kay slater

Tin: ano bang gagawin  ko? baka hindi ko kaya yan...

Wendy: simple lang..tutulungan mo akong mapaiyak natin si slater. ipaghiiganti natin ang ate ko at ang lahat ng babae na niloko niya..

Tin: wala naman kasalanan skin si slater para saktan ko siya at isa pa hindi ko nga siya kilala eh so pano yun? 

Wendy: planado ko na ang lahat tin. i will instruct you sa mga gagawin mo. ipapadala kita sa cebu at doon magpapanggap ka. magwowork ka under their company. tapos ang goal mo ay dapat mainlove sa iyo si slater at kapag nagawa mo yun tsaka mo siya iiwan...that's all!

Carlo: seryoso? bakit si tin pa? madami naman na babae na pwedeng magpanggap eh.

Tin: oo nga wendy huwag na lang ako. ibang favor na lang kasi mukhang hindi ko kaya eh...

Wendy: akala ko ba hindi ka quitter? akala ko ba gagawin mo ang lahat para sa akin at di ba natubos na natin ang titulo sa tita mo? imagine mabubura lahat ang utang mo sa akin.

Tin: pero wendy parang hindi kaya ng konsensya ko un eh

Wendy: it's your choice tin pero ito lang masasabi ko...lahat ginawa ko for you. ito lang hinihingi ko at sana mapagbigyan mo ako. hindi sa nanunumbat ako sa yo. isipin mo na lang na i'm your friend who is in need...i need your help tin...sana pag-isipan mo.

Carlo: bakit nga kasi si tin pa?

Wendy: sweetheart ang kulit mo rin eh...i want tin to do this kasi may tiwala ako sa kanya. alam ko ang mga kakayahan niya. kilala ko na siya na when it comes to guys very tough siya kaya kampante ako na magagawa niya ang plano ko ng mahusay. isa pa, knowing slater eh na kay tin ang mga qualities ng girls na gusto niya kaya for sure hindi mahihirapan si tin sa goal niya.

Tin: i don't want to do this... honestly! as in personally speaking, against ito sa mga paniniwala ko sa buhay pero dahil sa kaibigan kita wendy at dahil ayoko mawala ka sa akin...i will do it!

Wendy: yehey! thank you so much tin. you are my best friend.

Nagyakapan ang dalawa at tuluyan na silang nagkainan.

Wendy: Mamaya after natin kumain eh iset up na natin ang plan ha...

Kasalana Ko Ba? (Slater & Tin Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon