Chapter 27

723 10 0
                                    

Chapter 27

Darek's POV

"Amy mag usap tayo oh!" kinatok ko ng ilang beses yung pinto ng kwarto ni Amy pero ayaw nya pa din sumagot o buksan man lang ang pinto. Naririnig ko din syang umiiyak kaya mas lalo ako naguilty sa ginawa ko. Alam ko naman na mangyayari to pero hindi ko kayang makitang umiiyak si Amy. Ni minsan hindi ko sya napaiyak ng ganto, iiyak man lang sya pero sa saya. Ngayon umiiyak sya sa panlolokong ginawa ko.

"Amy please hayaan mo magpaliwanag ako!" kumatok ulit ako ng ilang beses pero wala pa ring Amy ang nagbukas. "Amy magpapaliwanag ako. Kapag nakapagpaliwanag na ako, hahayaan na kita. Kung gusto mong makipagbreak okey lang. Alam ko naman na nasaktan kita ng sobra, pero sana pagbigyan mo ako magpaliwanag, Amy!" kahit masakit na kamay ko sa kakatok sa pinto ng kwarto ni Amy, wala akong pake. Ang mahalaga si Amy. Mapaliwanag ko lang side ko, hahayaan ko na sya sa gusto nyang mangyari. Okey lang na mawala sya sakin, kasalanan ko din naman eh.

"Umalis ka na Darek! ayoko kita muna kausapin!" napatigil ako sa pagkatok sa pinto. Mula sa kinatatayuan ko rinig ko ang pag iyak ni Amy. Ang kaninang lakas ko para kausapin si Amy ay nawala. Naramdaman ko na din ang pagmamaga ng kamay ko. Sa boses nyang yon, galit na galit sya. 

"Okey.." hindi ko alam kung narinig nya pa yon sa sobrang hina ng pagkasabi ko. Hinayaan ko na muna sya sa gusto nya dahil mukhang hindi ko na sya mapipilit pa. Lalayo na din muna ako sa kanya para bigyan sya ng time mag isip. Mukhang hindi na din kami magtatagal ni Amy. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, kainis.

Nathan's POV

"Bwahahahahaha!!" takte tawang tawa ako kay Niel. May kamanyakan din pala ang lokong to. Yan na pala nya isang malaking sugat sa noo. Kawawang Niel hahahaha!

"Gag* ka Nathan" mas lalo ako natawa kay Niel.  Hahaha ang pikon ang putek.

"Manyak mo kasi eh" natatawang sabi ko, binato nya ako ng unan pero nakailag ako tsaka ko sya binelatan at tumawa ulit. Sa kabila ng nangyari kanina, napatawa pa ako ng dalawang to. ^O^

"Gag* nakapikit ako non" 

"Ulol! sino niloko mo? alam kong may pagnanasa ka din kay Shizuku. Kung makatingin ka kanina sa kanya pwede na sya matunaw." nakita kong napanganga si Niel kaya mas lalo akong natawa dahil diniinan ni Shizuku ang paggagamot kay Niel.

"A-aray! Hime-chan naman" tawang tawa na talaga ako kay Niel, nakuha pang lumangbing ang putek. Sabi na eh may balak tong magkababy sila ni Shizuku ngayon hahahaha! joke lang yon ^____^

"Shut up!!" mas lalong diniinan ni Shizuku ang bulak sa sugat ni Niel kaya malakas na napaaray si Niel. Kung si Niel inis na inis sakin, si Shizuku naman pulang pula ang mukha. Ang dalawang tong talaga.

"Oh Darek ayos ka lang?" napatingin kaming tatlo kay Darek. Tila hindi narinig ni Darek ang pagtawag sa kanya ni Chiel kaya dere-deretso lang sya sa paglakad palabas. Mukhang hindi maganda ang nangyari sa kanila.

"Hayaan na muna natin sila. Tara na Hime-chan, matulog na tayo" sabi ni Niel, napangiti ako sa naisip ko.

I'm Not Virgin Anymore (Ongoing but Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon