Chapter 13

1K 6 1
                                    

Chapter 13

Chapter 13

Nathan's POV

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nahiga na ako sa kama ko sa sobrang pagod ko ngayon araw, well araw araw naman tsk..simula nung nakabalik ako dito sa korea minu-minuto may ginagawa hindi ako makapagpahinga ng maayos. Mas maganda pa ata na nasa pilipinas ako walang masyadong problema.

Speaking of pilipinas, si Rochiel kaya kamusta na? binubully pa kaya sya don? pero parang hindi na din siguro kasi kaibigan nya na si Amy at nandon si Darek para ipagtagol sila sa mga lalaking manyak at tsaka nandon na din si Niel at Shizuku kaya okey na din siguro sya don. Sayang at konting araw ko lang sya nakasama, hindi ko alam pero ang sarap kasama ni Rochiel kahit na may awkward ang pagitan noon. At sya ang kauna unahang babae na lagi ko iniisip. 

"Lalim na iniisip ah Nathie" bumangon ako at nakita ko si Kuya Seth na nakasandal sa pinto ko. Nilock ko yon ah pano to nakapasok?

"Don't call me Nathie, Kuya. Pano ka nakapasok dito eh nakalock yan?" hindi sya sumagot pero pinakita nya yung hawak nya na susi, susi ng kwarto ko. =___= Kinuha nanaman nya.

"Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot kaya kinuha ko na to" sabi nya sabay hagis sakin ng susi, buti nasalo ko.

"May kaylangan ka?" tanong ko sa kanya tsaka ilagay sa table ko yung susi. Minsan lang umuwi dito si Kuya kapag may kaylangan o may okasyon lagi kasing busy sa work at sa pamilya nya.

"Kilala mo na nga talaga ako" iling nyang sabi.

"Deretsohin mo na ko Kuya gusto kong magpahinga" humiga ako at pumikit. Pero napadilat din dahil yung mukha ni Rochiel ang nakita ko. What the heck is that? 

"Well gusto kong bumalik ka sa pilipinas" napatingin ako kay Kuya. "Si Ralph Valdullia na ang bagong CEO ng Angel's Company, kasing edad ko lang sya pero same year lang kayo, ilan beses na syang tumigil dahil madami ng nagawang kalokohan"

"Kung ganon naman pala eh bakit sya pa ang napiling bagong CEO?" hindi na pala si Lance ang CEO.

"Matalino din naman si Ralph, gag* lang talaga" natawa ako sa sinabi nya, hindi halatang galit sya kay Ralph na yon ah.

"At mahirap din kalabanin si Ralph madaming nalalaman at nandadamay yon kaya ingatan mo sila Shizuku, Amy at yung Rochiel ba yon" 

"Kilala mo si Rochiel?" 

"Kaibigan sya ni Amy diba?" ah siguro pinakilala sya ni Amy.

"Ganon ba kagag* yan si Ralp para idamay sila?" 

"Well sabihin na lang natin na, rapist ang taong yon" sagot nya tsaka umalis ng kwarto, rapist? bakit hanggang ngayon hindi pa sya nakukulong?

Bigla ko naalala si Rochiel, Ralph din pala ang pangalan ng bumaboy sa kanya, siguro iisang Ralph lang sila. Kaylangan ko nga talaga silang bantayan sa Ralph na yon lalo na si Rochiel hindi ko na hahayaan na galawin nya pa si Rochiel tama na yung ginawa nyang pagpapahiya dito.

I'm Not Virgin Anymore (Ongoing but Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon