Chapter 26

865 10 2
                                    

Chapter 26

Niel's POV

Nakaupo lang ako sa gilid ng kama namin ni Shizuku habang tinitignan sya na mapayapang natutulog pero ang makitang lumuluha sya habang natutulog, naiinis ako. Naiinis ako sa taong gumawa sa kanya neto at sa sarili ko. Hindi ko man lang napigilan si Ralph, nahuli na ako ng dating. Kung sana na mas maaga akong dumating hindi mangyayari sa kanya to. Nakakainis! nakakabadtrip talaga!

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kay Shizuku. Bigla ko sya niyakap. Niyakap ko sya ng mahigpit na ayaw ko syang makawala sakin, na ayaw ko syang bitawan, na gusto ko na akin lang sya.

"Niel.." bumitaw ako sa pagkayakap sa kanya at tinignan sya. Napapikit ako ng ngumiti ng pilit si Shizuku, ayoko makita ang ganon ngiti. Nasasaktan ako kapag nakikita ko yon. Dinuduro neto ang puso ko, corny man pero wala akong magagawa.

"Please stop smiling like that" pakiusap ko at tinignan ng nagmamakaawa si Shizuku, umiwas naman sya ng tingin sakin.

"I'm sorry.." nakita kong tumulo nanaman ang luha nya kaya niyakap ko sya. Binaon ko ang mukha ko sya leeg nya. 

"Sorry Niel...I'm so sorry.." naramdaman ko ang sunod sunod na luha sa balikat ko pero hinayaan ko lang yon at hinigpitan ang pagkayakap sa kanya. Hindi nya kaylangan magsorry dahil ako dapat ang humingi ng tawad dahil nahuli ako ng dating.

"It's okey Hime-chan. Sorry dahil nahuli ako ng dating..kung mas maaga lang sana akong dumati, hindi mang yayari sayo to" sisiguruduhin ko na magbabayad si Ralph sa ginawa nya. Hindi ako titigil hangga't  hindi sya naghihirap. (Hime-chan=Princess)

"I love you Niel..please stay with me" kahit sobrang inis na ako, sa isang 'I love you' lang ni Shizuku napangiti na ako. Hinalikan ko leeg ni Shizuku ng ikagulat nya.

"You're mine. Only mine Shizuku." bumitaw ako sa yakap "Dito lang ako sa tabi mo palagi Hime-chan, hindi ko hahayaan na maulit ulit yon dahil mahal na mahal kita, I love you Shizuku Tadashi-San Jose"  napangiti sya sa sinabi ko at mabilis na hinalikan ako sa labi, bitin man pero hinayaan ko na. "Please take a rest" tumango sya at nahiga ulit. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo nya. "Dito lang ako. Goodnight"

"Goodnight" sabi nya at mabilis nanaman akong hinalikan sa labi. Napangiti na lang ako at binantayan sya matulog. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng to.

"Kung nakakatunaw lang ang titig sigurado tunaw na si Shizuku" napatingin ako sa pintuan, hindi man lang marunong kumatok to.

"Anong kaylangan mo?" deretsong tanong ko.

"Pinapatawag tayo ni Lolo sa office ni Papa" napakunot noo ko, nandito si Lolo? tumango na lang ako sa kanya at lumabas ng kwarto namin ni Shizuku. Hindi ko na tinanong kung bakit  kami pinapatawag dahil malalaman ko din naman kapag nandon na ako. Ang [inagtaka ko lang bakit pati si Darek pinatawag ni Lolo?

"Kamusta si Shizuku, Niel?" yan agad tanong ni Lolo pagkapasok namin sa office ni Papa, hindi ito nakatingin samin at nakatingin lang sa labas ng bintana. Mukhang seryosong usapan ang mangyayari dito.

I'm Not Virgin Anymore (Ongoing but Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon