NAMAMALIKMATA NGA BA?

429 9 4
                                    

JAIMIE'S POV

Ako si Jaimie Del Rosario, 18 years old at nasa second year college na ako. Matapos ang mga nakakakilabot na nangyari sa mga nakalipas na taon, tila ngayon ako'y binabalikan na naman nila.

Ang mga KALULUWA....

Patuloy silang nagpaparamdam saken sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nararamdaman ko nalang bigla ang pagtayo ng aking mga balahibo mula sa batok hanggang sa aking buong katawan na animo'y para na akong lulutang sa hangin dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Namamalikmata nga ba ako?

Hindi ko ito maipaliwanag pero naguguluhan ako kung bakit nakakakita ako ng mga ligaw na kaluluwa. Ano bang kailangan nila saken at sila'y nagpaparamdam?

Minsan nga, binibigkas pa nila ang aking pangalan, "JAIMIE".

Natatakot din naman ako kasi hindi ako kasing tapang ng ibang tao.

Sa tuwing nagpaparamdam at nagpapakita sila, pinipilit ko sa sarili ko na hindi iyon totoo at hindi totoo ang mga nakikita ko.. Pagdilat ko muli sa aking mga mata, sila'y nawala.

Siguro mas mabuting hindi na laman natin sila papansinin.

NAMAMALIKMATA nga ba ako? Bakit tila parang totoo?

Minsan naman, NARIRINIG ko pa nga sila.

Gusto niyo ba malaman ang mga nakita ko?

Eto ang mga yun, dati nakakita ako ng isang WHITE LADY... pero medyo may kaweirduhan kasi yung mukha niya ay bungo na lamang ng isang tao. Nakita ko siya sa dating bahay ng pinsan ko na siyang direktang kaharap ng bahay namin kapag lumabas kami.

Noong una, hindi ako sigurado sa nakita ko pero tila kumakaway ito saken na siyang ikinatatakot ko at dali dali naman akong pumasok sa loob ng bahay.

NAMAMALIKMATA nga ba ako?

Isang patunay pa noong NEW YEAR. Nakatambay ako sa terrace namin para manuod ng putukan nila. Pero laking gulat ko nang tumingin ako salangit. Ang mga usok na siyang nasa itaas galing sa mga papuputok ay naging hugis bungo. Napakalaking bungo na nakatingin sa akin.

Hindi ako sigurado nung una pero tinititigan ko pa ng mabuti hangga't sa naging malinaw na malinaw sa aking mga mata na ito'y hugis bungo nga. 

Natakot ako at pumasok sa kwarto ko. Kinabahan ako bigla sa nakita ko.

TOTOO BA YUN? O NAMAMALIKMATA LANG AKO?

May isa pa akong ilahahad na nangyari sa akin. Noong ikalawang linggo ng Marso, 2014 ay may nagpakita saking dalawang kaluluwa mula sa bintana isang gabi nun.

Hindi ko alam kung tinatakot ba nila ako at sila'y nagpapakita. Nung pinatay ko na yung ilaw, laking gulat ko na may isang lalakeng maputla na nakasuot ng maputing damit sa terrace at nakadungaw sa bintana namin na siyang bukas lamang.

Nagulat ako sa takot at nagtago sa ilalim ng kumot. NAMAMALIKMATA NGA BA AKO?

Nang tiningnan ko ulit, nawala na yung lalake.

Pero nang tiningnan ko ang bintana sa kaliwa ng kama, isang WHITE LADY na naman ang nakita ko. Napakahaba, itim at tuwid ang kanyang buhok. Ang mukha niya'y namumutla na nakatitig sa akin at nakasuot ng puting damit.

Nang makita ko  siya, nagtago ako ulit sa kumot ko hangga't sa makatulog ako sa sobrang takot.

NAMAMALIKMATA NGA BA AKO?

KUNG OO, BAKIT MADALAS AKONG NAKAKAKITA NG MGA KALULUWA?

BUKAS NGA BA ANG THIRD-EYE KO?

Kwento sa DilimWhere stories live. Discover now