Ang BOSES

613 6 6
                                    

      Mag-aalas tres na nang hapon nang mapansin ni Kurt na matamlay si Jaimie. Nakatambay ang magkakaibigan sa library dahil wala pa naman silang class ngayong 3pm.

       "Oyy Jaimie!. . . ayos ka lang ba?" tanong ni Kurt sa kaibigan. Tumango na lamang si Jaimie at ngumiti ngunit wala ni isang salitang "OK lang ako" ang lumabas sa kanyang bibig.

       "Sus, kunwari...kwento ka dali..ano bang meron? Bakit matamlay ka at para bang malalim ang iniisip mo Ms.Jamie Del Rosario?" pangungulit ni Kurt sa dalaga.

       "Pinapakinggan at nakikiramdam lang ako sa paligid Kurt." sagot ni Jaimie.

       "Ano ba? You're acting weird...Magkwento ka kasi kung bakit ka nagkakaganyan.." sabi ni Kurt.

       "Naaalala ko lang noong 8 years old pa ako. Mag-isa lang ako sa bahay at natatakot ako.." ani ng dalaga.

       "Bakit ka natatakot?" tanong ni Kurt.

       "Kasi ngayon, BINABALIKAN NIYA AKO.." sagot ng dalaga. Nanindig ang mga balahibo ni Kurt sa kanyang narinig dahil alam niyang tungkol sa multo na naman ang ikukwento ni Jaimie. Hindi nagpahalata ang binata sa pagkasindak niya sa kanyang narinig at patuloy na lamang siya sa pakikinig sa kwento ng dalaga.

       "Natatakot ako Kurt..BINABALIKAN NIYA AKO.." ulit ni Jaimie.

       "Sino ang tinutukoy mo Jaimie?Bakit ka natatakot? Ano ba ang balak niyang gawin sayo?" tanong ng binata.

       "ANG BOSES...." sagot ng dalaga.

       "Ang boses? Anong Boses. .? Naguguluhan ako.." ani ni Kurt.

       "Noong 8 years old pa lamang ako, naiwan akong mag-isa sa bahay. Mag-aala sais na ng gabi nang mangyari ang kilabot na nararamdaman ko sa buong sistema ng aking katawan. Umungol ang lahat ng mga aso pagkagat ng dilim mismo sa oras na yun. Matapos ko maligo ay pumunta ako sa kwarto nina Mommy para doon magbihis. Pinaandar ko ang electric fan. Nakaupo ako sa kama nila habang nakaharap sa electric fan. Biglang nanindig ang mga balahibo ko at para bang may kakaiba akong nararamdaman na hindi pangkaraniwan sa aming paligid... Hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga iyon pero baka dahil siguro bagong ligo ako tapos nakaharap ako sa electric fan. Matapos ko magbihis ay hihiga na sana ako sa kama nina Mommy nang biglang may narinig akong BOSES na bumubulong sa aking tenga.."

       "Ano naman ang sinabe ng BOSES sayo Jaimie?" tanong ni Kurt.

       "Sabi lang niya JAIMIE.. labis akong nagulat at nanginig sa boses ng isang babae. Napatayo ako bigla sa kama at sumigaw ako ng SINO YAN?!! ngunit wala akong na akong narinig pa sa kwarto.. Wala rin akong ibang taong nakikita kasi ako lang naman talaga mag-isa sa mga oras na iyon. Naisip ko siguro na guni-guni ko lamang iyon. Pero natakot ako kasi ako lang mag-isa sa bahay ng oras na yon kaya imposibleng may boses akong naririnig.. Sa takot ko, tumakbo ako paibaba patungo sa aming sala. I turned on all of the lights para hindi ako matakot. Pagsapit ng 7pm, kumain na ako tapos nanunuod ng iba't ibang Disney Princesses na movies. . .sa may bintana malapit sa isang sofa, may narinig na naman akong kakaiba . . sabi nito PSSSSSSTTTTT"...

Kwento sa DilimOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz