Chapter II: Meeting Mr Yabang!

137 3 4
                                    

May Special appearance classmates ko dito! haha 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 “Ah!” sa sobrang pag-iisip ko ay may nabangga ako. Ang clumsy mo naman Hannah!

            “Sorry.” Sabay na sabi naming nung lalaki. Nakayuko ako pero alam kong lalaki sya dahil sa boses nya. Pag-angat ko ng ulo ko, nakakita ako ng isang gwapo at hot na lalaki. Well, babae din naman ako noh! Marunong din akong umapreciate noh.

            “Pasensya na talaga. Sorry talaga.” Sensya lang! eh sa ganito ako magsorry eh! Anu ba yan pati ba naman sa isip ko nagsosorry din ako. ><

            “Hahaha Ok lang miss sorry din ah…” at bigla syang lumapit sakin at bumulong. “Gusto mo date tayo?”

            “Ha?!”

            “Sa bagay gusto ko ang technique mo. Bago at orig haha.”

            “Teka nga lang… ano ba yang pinagsasabi mo ha?!”

            “Wag ka na ngang magdeny dyan miss. Alam ko naming kilala mo ko at papansin ka lang sa akin eh. Halika nga dito at bibigyan kita ng KISS.” At talagang palapit na nga sya sa akin! Grabe ang kapal nito! Kanina pa to sakin!

            *PAK*

            “Aray! Ba’t mo ginawa un?!”

            “Ang kapal kapal kasi ng mukha mo! Una sa lahat, HINDI KITA KILALA! Ni hindi ka nga pamilyar sa akin eh! Ibig sabihin… ngayon lang kita nakita! Gets mo? At pangalawa HINDI KITA GUSTO! At HINDING-HINDI KITA MAGUGUSTUHAN! Ano malinaw na ba sayo? Pwede na ba kong pumasok? Tabi!” Grabe lang ah! Over talaga! Ang kapal ng mukha nya! Ako?! May gusto sa kanya?! Sa ganda kong to?! Oo sige na hindi ako sobrang ganda pero maganda ako PERIOD. Hay naku! Ganito ba talaga ang COLLEGE LIFE?!

            After ng not so good encounter k okay Mr. Yabang eh nakarating na din ako sa med school. Grabe! Ang ganda talaga dito! Nasabi ko na ba course ko? Haha hindi pa ba? Sorry naman. Medical Technology ang kinukuha ko. Actually pre-med ko lang to. Pangarap ko kasing magdoctor kaya naman wala talaga akonng time for LOVE. Naniniwala ako sa kasabihang LOVE CAN WAIT at un talaga ang balak ko…

            Nakarating na ako sa room ko. Medyo maaga pa pala. Wala pa ang prof naming. Dun ako umupo sa may gitna para tama lang. Ayoko kasi sa unahan, baka sabihin pabida. Ayoko din sa likod baka di ko naman marinig. Tama na tong gitna. Safe. Doon ako umupo sa may dalawang vacant seats. Mukhang konti lang ang kumukuha ng med-tech first time kasing magkaroon ng course na ganito sa La Salle. Swerte ko nga eh! Haha

            Hay… ang tagal naman ng klase. Makikinig na lang nga muna ako ng music. Habang busy ako sa pakikinig ng music ay may dumating na lalake. Pinagkakaguluhan sya ng mga babae. Sa sobrang dami nga nila hindi ko Makita ang mukha nung lalaki eh. Nang pwede ko nang Makita ung mukha nya, nagtext sakin si Patrice, ang sexy, pretty and love na love na Bestfriend ko. Nanggugood luck lang. Andie talaga ang sweet!^^ Haha Oo nga pala magkikita kami mamaya! Naexcite tuloy ako! Sayang kasi Mass Com sya tapos Med tech ako kaya ayun kelangan muna naming maghiwalay. . . Ng school lang naman hehe main campus kasi sya tapos ako medschool. Anyway, habang busy ako sa pagrereply at pagsusumbong ng nangyari kanina, Biglang may umupo sa tabi ko. Ung mga babae ang sama ng tingin sa akin.

Paglingon ko.

.

.

.

.

.

            BAKIT SYA NANDITO?!

ONE TRUE DESTINED PERFECT MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon