A M a A M 1

347 55 1
                                    

"Ang Mandirigma at Ang Mensahero"

May isang babaeng mandirigma ay humingi sa Diyos ng Kapayapaan na, bigyan ng kapayapaan ang kanilang bayan dahil sa ngayon ay nanggugulo ang mga bandido sa kanilang bayan.





Si Maria ay hindi kagandahang babae pero isa siya sa pinakamagaling na mandirigma sa kanilang bayan hindi niya alam ang kanyang nakaraan ngunit meron bumabagabag sa kanyang panaginip na ito kailangan niyang sundin ang nakasaad sa kanyang panaginip. at sa kanyang panaginip ay inuutusan daw siya isang estranghero mula sa kanyang panaginip na kailangan niyang  pumunta sa Bayan ng Kou kung saan ito ang pinaka mapayapang bayan sa buong mundo. At dito sa bayan na ito dito mo makikita ang mga diyos na kanilang sinasamba nila katulad ni Zeus, Athena, Aphrodite, at marami pang iba. At sa ngayon ay humihingi si Maria sa Diyos ng Mensahero na si Hermes na ito lang ang kanyang mapagkakatiwalaan nito dahil mabilis niya maipapasa ang mensahe. at si Hermes din ang makapagbibigay ng mensahe sa Diyos ng Kapayapaan na si Zeus.











Tila bumabagabag sa isipan ni Hermes bakit niya sinunod ang utos ng dalaga. Itong si Hermes siya ang diyos ng Mensahe siya ang nagbibigay ng mga mesahe sa mga Diyos kung ano ang mga kahilingan ng mga tao kanilang alipin o tagasunod nila na sila'y sinasamba ng mga tao. At nang dahil sa utos ni Maria ay agad na pumunta si Hermes sa kaharian ng Diyos ng kapayapaan na si Zeus para ipadala ang mensahe na hiniling ng dalaga, ng siya pumasok sa Kaharian ni Zeus,at nakita niya si Zeus ay sa kasalukuyang umuupo sa kanyang trono.







At nang naipadala nito ang mensahe nang dalaga sa diyos ng kapayapaan na si Zeus subalit sa mukhang ipinakita ni Zeus ay mabibigo siya rito.







"Oh! Diyos na Zues gusto ko lang po sa nang pagtuunan niyo ng pansin ang munting kahilingan nang nagpadala nang mesahe sa aking templo na siya'y isang mandirigmang babae" sabi ni Hermes kay Diyos na si Zeus.







"Hindi ako ang kanilang kailangan upang sila'y magkaroon ng kapayapaan" malumanay at ma-awtoridad na pagkakasabi ni Zues.











Kaya't wala na siyang nagawa kundi ay bumalik siya sa bayan ng Kou kung saan doon ang babaeng mandirigma. At sa kanyang pagbabalik ay naabutan niya ang babaeng mandirigma ay pinapalibutan siya ng mga taong bandido na sila'y lumusob sa bayan ng Kou. At sa nakikita nitong pangyayari ay mas lalong humanga ang Diyos na Mensahero na si Hermes kay Maria dahil kahit ni katiting ay hindi nila ito natatamaan o nasusugatan at ni daplis ay hindi natatamaan si Maria. At lahat ng bandido ay napatumba ni Maria sa sobrang bilis nitong kumilos na parang hindi mo napapansin na siya'y babaeng kumilos at parang itong lalaki sa sobrang lakas niya dahil lahat nang natatamaan nito ay nawawalan ng malay kaagad.







At nagulat si Hemes sa kanyang nakita, ni hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita doon sa di- kalayuan na pwesto ng babaeng mandirigma ay makikita rito si Ares ang Diyos ng Digmaan ay nakikisali rin ito sa pagpatay sa mga mandirigma na kasapi sa Bayan ng Kou.







Napaisip si hermes"Kung hindi niya minamanipula ang mga taong ito ay hindi sana magkakaroon ng kaguluhan sa Bayan ng Kou." Sabi ni Hermes sa kanyang isipan.









At laking gulat ni Hermes ay tumakbo si Ares sa kinaroroonan ng Mandirigmang Babae na si Maria at habang tumatakbo ito ay may hawak itong patalim.Siguro ay may balak itong paslangin si Maria gamit ang patalim na kanyang hawak. At puno ng pagalala ang mukha ni Hermes kaya hindi niya napigilan ay kusang ginamit niya ang kanyang Sapatos na Pakpak at tumakbo ito sa ibabaw ng lupa kung saan ang kinaroroonan ng Babaeng Mandirigma.







At ang Babae Mandirigma ay nagulat sa kanyang nakita kung paano ang Diyos na si Hermes ay tumatakbo patungo sa kanya. Kaya hindi siya nakaalis sa kanyang kinaroroonan dahil tinatapos niya pa ang natitirang mga kaaway at nang tumingin siya sa kanyang likod ay nakita niya rin dito si Ares ang Diyos ng Digmaan ay may hawak na patalim patungo rin sa kanyang kinaroroonan kaya nang makita niya si Ares ay bigla lumambot ang kanyang katawan dahil sa takot at sa nakikita niya ay humahasik ng lagim ang mata ng Diyos ng Digmaan siguro'y nagagalit ito sa kanyamg sarili dahil hindi niya nasasakop ang bayan ng Kou.



















Dahil sa Sobrang takot ay kusang nanginginig ang kanyang katawan dahil sa takot at para siyang maiihi sa oras na iyon.Gusto niyang mawala ang ihi sa kanyang pantog.







Please Vote okay

Ang Mensahero At Ang Mandirigma- (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon