Chapter 20: The pervert and the playboy

Start from the beginning
                                    

Nasampal ko nalang yung noo ko. "Tanga! Mangmang! Hangal! Uto-uto! Sunod-sunuran! At higit sa lahat, MANYAK!" Medyo malakas na pagkakasabi ko kaya yung ibang kapwa estudyante ko na nakatambay din dito sa park napatingin din sa'min

"Aray. Lahat na sinabi mo =____="

"Totoo naman kasi eh. Kahit sinong babae magagalit sa boyfriend o asawa nila kapag nakita nila yung DAPAT na gagawin mo! Didn't you notice it? Nagpapamanyak lang sa'yo yung kung sino mang babaeng yun! Tapos ikaw naman GO lang ng GO! Di ko nga alam kung tanga o nagtatanga-tangahan ka lang eh. Ay, baka naman mapagsamantala ka lang talaga?"

Nako kapag si Zoid ang gumawa nun hindi lang sabunot ang aabutin nya! Teka, hindi na naman nya ko girlfriend eh. Pero I'm his daw. Kanya daw ako.... ng one month :( At dahil lang yun sa deal </3

"Oo na!"

"Bakit namumula yang pisngi mo?"

Bigla naman syang napahawak sa part ng pisngi nya na namumula. "Matapos nya kasi akong sabunutan at batukan ng malakas yung babaeng tinulungan ko, tumakbo na sya paalis. Iniwan ko yung babaeng tinulungan ko para hanapin sya. At alam mo yung pakiramdam na nagdonate ako ng pagod, yung yummy kong katawan napuno na nga pawis at higit sa lahat, hindi ko pinansin lahat ng mga sexyng babaeng bumabati sa'kin dahil busy ako sa paghahanap sakanya tapos makikita ko nalang sya na may kayakap na lalaki? Shet lang, Zai! Kaya ayun, hinigit ko yung lalaking kayakap nya at sinapak. At nung nilingon ko sya, sinalubong nya ko ng malakas at napakalutong na sampal. Tang gala! Ang brutal ng babaeng yun! Shete lang!"

Halata nga eh. Bakat na bakat yung kamay nya.

"Bakit ka daw nya sinampal?"

"Pinsan nya daw kasi yung sinapak kong lalaki.... este... bakla. Oo, bakla. Ano bang malay ko kung bakla nga yun? Nakatalikod eh."

"Tanga talaga." Umiling-iling na sabi ko.

"Zai, naman oh! Pumunta ko dito para humingi ng tulong. Hindi para laitin mo."

"Ang sabihin mo, pumunta ka dito para istorbohin mo ako at bigyan ng konsumisyon!"

"Oo nalang. Basta tulungan mo ko. Matapos kasi akong sampalin ni Conyo nakita kong umiiyak sya tapos tumakbo na naman paalis. Hinabol ko sya hanggang sa cr ng girls. Papasok sana ako kaso pinagsarhan nya ko ng pinto. Tumama pa nga yung ilong ko dun eh. Tsk."

At talagang binalak pa nyang pumasok sa cr ng girls huh?

"She really needs a friend to comfort her right now. Hindi ko kasi mahagilap sila Yat at Sophi kaya pasensya ka na kung naiistorbo kita." Seryosong sabi nya.

How To Attract A PlayboyWhere stories live. Discover now