"Sa tingin mo ba hindi naka-kabother ang hindi ko alam kung kailan sya aalis? Kung alam mo lang, mas lalong nakaka-anxious." Sabi nya.

Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita. Alam ko naman hindi ako mananalo sa kanya.

"Ay, right."

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ko 'yung aklat na ibibigay ko sa kanya.

"Ano 'yan?" Tanong nya.

"Aklat, hindi ba obvious?" Sabi ko naman sa kanya.

Nagulat ako dahil walang patumpik-tumpik ay bigla nyang hinablot sa akin 'yung libro, "She Who Stole Cupid's Arrow? Wow naman, san mo 'to nabili?" Tanong nya.

I smiled, "SM Megamall. Booksale. I just feel like I need to give you that. Alam ko kasing bibliophile ka."

"So, para sakin 'to?"

"Hindi. Sa kapatid ko. Pinakita ko lang sa'yo."

He frowned, at ngumiti sya ng malungkot. "Kala ko akin. Haha. Sorry," sabi nya at binigay nya sa akin yung aklat.

Agad ko naman itong ibinalik sa kanya, "Sayo nga 'yan! Kaya nga sabi ko diba, I felt like I need to give YOU that?"

"T-talaga?"

Lumawak ang ngiti niya. Napangiti na rin ako.

Fact about Ken: nakakahawa siyang ngumiti. Literal na nakakagaan ng pakiramdam.

Kung kanina ang down down ng itsura niya, ngayon para siyang sinilaban ng apoy.

"You know what, Paul? Sobrang sayang magbasa ng libro. Nakakatakas ka sa reality. Marami kang nakakasalamuhang fictional character. Kaya gustong-gusto ko talaga lagi ang naliligaw sa loob ng libro. Ang dami kayang gwapo at maganda dun." Sabi nya.

"Eh ako? Hindi ba ako mukhang fictional character?" Pabiro kong tanong sa kanya.

"Alam mo, pang fictional character sa wattpad naman talaga yang itsura mo. Ang pogi mo kaya. Boyfriend material ka pa. Kaya lang, ang wirdo mo kasi! 'Yung totoo, anong year ka ipinanganak at ang wirdo ng taste mo sa fasion? O baka naman sa ibang mundo ka galing at naligaw ka lang dito sa earth? Hay nako Paul. Hindi mo ba talaga pwedeng tanggalin 'yang mga chechebureche dyan sa mukha mo? Sayang kagwapuhan mo sa totoo lang." Sabi nya.

"Hindi pwede." I told him.

Umirap sya. Taray neto. Kala mong babae eh.

Nang mapansin kong maggagabi na ay naisipan na rin naming umuwi na.

~*~

K E N

"Ken, uwi ka na. Maggagabi na." Sabi ni Paul nang makabalik kami dito sa may gate ng eskuwelahan. Good thing, nasa locker ko ang aking bag. So ok lang na naiwanan ko siya. Monday naman.

"Thank you Paul. Ingat ka," sabi ko.

He waved goodbye then umalis na rin sya. Umupo na ako sa bench na nandito sa waiting shed at naghintay ng jeep na dadaan, kagaya ng palagi kong ginagawa.

Napansin ko na wala na masyadong estudyanteng nauwi. Mukhang mga college na hanggang 8pm ang klase na lang ang nasa loob. Kami kasi ay tuwing wednesday at friday may until 8pm class dahil sa minor subjects.

Napatingin naman ako sa librong hawak ko. Ang yaman ni Paul. Itong librong 'to, kinaadikan ko 'to sa wattpad kaya ang saya saya ko nang mabalitaang map-publish na sya. At the same time, nalungkot ako kasi wala akong pambili haha.

Then, all of a sudden, eto na. May hawak na kaagad ako. Ang yaman talaga ni Paul. Ipinagpapasalamat kong nakilala ko sya. Haha.

Noong finally, meron nang dumaan na jeep ay dali-dali na akong sumakay. Nakakatakot na kasi sa waiting shed. Ang dilim na. Haha.

And, hindi ko alam kung coincidence ba 'to o sinasadya ni tadhana, kasabay ko na naman 'yung magjowang nakasabay ko last time. Nung una kong na-encounter 'yung bwiset na si Vincent.

Ayan na naman, naalala ko na naman! Kainis!

Mukhang may LQ sila. Panay ang suyo ni ate mong gay kay boy eh.

Nang mapansin naman ni ate mong gay na nakatingin ako sa kanya ay tumingin rin sya sa akin. Nagulat pa sya.

"Wow, Shorty! It's you!"

Shorty. Shorty? SHORTY?!

Oo maliit ako. Oo 5 flat ang height ko. Pero para tawagin akong shorty? Tangina, ang witty.

Hindi ko sya pinansin. Nang mapansin nyang wala akong balak magsalita ay ibinalik nya ang atensyon nya sa kanyang boyfriend keme.

"Babeee, won't forgive me na already??? Hindi ko na ulit gagawin 'yon, please?" Pabebeng sorry nya.

"Doon ka na sa sugar daddy mo." Cold na sabi ni boy.

Medyo napangiti ako. Sugar daddy. What.

"Darling, hindi ko sya sugar daddy, ok? Kaw naman, super jealous! You really love me! Well, hindi ko naman kasalanang..." medyo tumingin sa akin si ate gay, "maganda ako at matangkad. Don't worry, baby babe, ikaw lang talaga."

Pigilan nyo ako guys. Sasapakin ko talaga 'tong haliparot na baklang 'to. Totoo palang may mga nage-exist na ganito. At nakakainis silang ma-encounter. Naloloka ang bangs ko.

Lumipat sa tabi ko 'yung lalaking kasama niya.

"Kuya para po." Sabi nito.

Tumigil ang jeep. "Una sa lahat, hindi ako nagseselos. Pangalawa, hindi mo ako mahal. Gusto mo lang ako pag nasa kama tayo. Pangatlo, hindi ka maganda. Break na tayo. Bumaba ka na."

"Ano ba naman babe? Ang sama mo talaga sakin! Wag ka namang mag-joke! Sigurado naman ako na magsisisi ka kapag nakita mo akong may ibang boyfriend! Kaya ngayon pa lang, bawiin mo na yang sinabi mo, please?"

Humawak si ate gay dun sa hita ni kuya mong boy.

"Bumaba ka na. Hinding-hindi ako kailanman magsisisi na hiwalayan ka." Sabi ni boy at tinaboy nya na si ate gay. Wala nang nagawa si ate gay kundi bumaba. Umalis na ang jeep.

Aray ko. Sakit noon.

At shemay naman, no? Ang pogi pogi nitong lalaking 'to, hindi pa sya nagawang mahalin nung baklang 'yon? Talagang katawan lang ang habol nya? I mean, kung minahal naman siya nitong lalaking 'to, diba? Kapal naman nya.

Ewan. Di ko alam kung maiinis o maaawa ako dun kay ate gay.

Nagsalita bigla itong lalaking katabi ko. Nag-sorry siya dahil sa inasta nung kasama niya kanina.

Oo, ginamit nya ang term na 'kasama' instead of ex or jowa or gayfriend.

"Oo nga pala. May gusto pala sana akong itanong." Sabi nya.

"Yep?"

"I'm sorry sa question na 'to but, that guy na sumakay din sa jeep the last time magkasabay tayo, boyfriend mo ba talaga siya? I mean, malakas kasi kutob ko na nagpanggap lang kayo noon." Sabi nya.

Natameme ako. Ewan ko ba. Pwede namang sabihin sa kanya na oo. Nagpanggap lang kami. Ang kaso, talaga bang kailangan kong sabihin 'yun?

Bigla namang may pumara na mula sa convenience store. May dala itong yogurt.

Sumakay ito ng jeep at napatingin sa akin. Inisnob nya ako.

Napatingin sya sa lalaking katabi ko and I know, hindi siya ganun ka-makakalimutin para hindi ma-recognize kung sino ito.

Bigla siyang pumagitna sa amin.

"Baby cute sugar pie dunkin donut, I told you sabay tayo ngayon. Bakit mo ako inunahan? I sent you a message. 'Di mo ba na-receive?"

Tumingin naman sya sa katabi nyang lalaki.

"Uy pre, ikaw pala 'yan. Back off ha, akin lang 'to."

---

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now