Hindi na ako nagdalawang isip pa at nilapitan ko na siya. Pupunasan na nya sana ang luha nya nang pigilan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya ay pinatayo ko siya.

"Ang cute mo namang umiyak. Para kang panda. Haha," sabi ko then I handed him a handkerchief.

Tiningnan lang nya 'yung panyo. Napansin ko rin na may hawak siyang maliit na box. Sa loob ng box ay isang medal.

Medal na kagaya nung sa akin.

"P-paul," sabi nya.

Tiningnan nya uli 'yung panyo. Hindi niya ito ginagamit. Ngunit pinunasan nya ang kanyang luha gamit ang likod ng palad nya.

"Bakit ayaw mong gamitin 'yang panyo? Sayang naman, in-offer ko pa." Sabi ko sa kanya.

He smiled sadly, "Hindi ko alam kung paano mo ako natunton dito. Hangga't maaari, ayokong may napu-purwisyo sa ka-dramahan ko. Kaya hindi ko ginamit. Pero salamat sa pag-offer." Sabi nya.

Napangiti ako.

Ken is unpredictable. Isa sa biggest conclusion ko about him.

Ewan ko ba. Ang dami ko nang na-encounter na tao pero siya ang pinaka-iba. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman. Hindi ko alam kung kailan siya lulungkot o sasaya, hindi ko ma-predict ang susunod nyang gagawin maging ang sasabihin nya.

He's very unique. And somehow, nag-uumpisa na akong makaramdam ng interes sa kanya.

"Hindi naman ako napupurwisyo. Gusto mo yakapin pa kita eh," sabi ko sa kanya at niyakap ko na sya.

Hindi sya nagpumiglas na akala ko, gagawin nya. Hinayaan lang nya akong yakapin siya hanggang sa gumaan ang bigat ng nararamdaman nya. Naramdaman ko bigla ang warmth nya.

The warmth I used to feel before.

"Ken, samahan mo ako. I have something to give you. I know a place. Sigurado akong magugustuhan mo dun."

~*~

"Dito ako dinala ni Renz last time." Sabi ni Ken nang makarating na kami sa pinuntahan namin.

We sat down under the tree para may kanlong. Since hapon na naman, hindi ganoon kainit ang panahon.

Tumigil na sa pag-iyak si Ken pero 'yung mukha nya mukhang undas. Hindi ko kasi alam kung paano sya patawanin.

"Nakakainis si Renz. Parang gusto ko siyang hambalusin ng dos por dos. Sinabi nyang aalis siya pero hindi naman nya sinabi kung kailan." Sabi nya. Medyo napatawa naman ako.

"It's ok. Mas ok na 'yun kesa magcountdown ka nang magcountdown dyan. Mas ok na yung surprise. Para di masyadong mabigat." Sabi ko.

Sinamaan nya ako ng tingin, "May surprises na nakaka-excite pero never akong mae-excite sa pag-alis ni Renz."

I just chuckled.

Actually yesterday, nagmeeting ang buong varsity regarding sa pag-alis ng captain na si Renz. Ako ang na-appoint na bagong captain right after the finals dahil co-captain ako. Renz told us na after the game, kinabukasan ay aalis na rin agad sya.

Hindi ko na sasabihin kay Ken. Hindi ko na sya papakialaman. Aakto akong walang alam dahil after all, hindi ko naman kilala si Renz bilang Paul at wala naman ako sa posisyong sabihin sa kanya bilant Vincent.

"I mean, maganda kung araw-araw ready ka. Hindi 'yung araw-araw kang nab-bother sa pag-alis nya dahil alam mo nga kung kailan." Sabi ko.

Tumingin sya sa akin.

His Deepest Secret ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon