Confession 05: Alice in Arendelle Forest

Beginne am Anfang
                                    

Yes, naaalala ko ang lahat. Alam na alam ko tuwing halos bumangon na ang isa ko pang pagkatao mula sa malalim nitong pagkakatulog not unless, she completely take over me and that’s scarier than facing death.

I heaved a sigh bago pagpagan ang suot kong palda. Bakit ba naman kasi may uniform pa ang Steins, mas masaya sana kung wash day everyday. Sinimulan ko ng maglakad at pinilit isipin ang itsura ng daan na pinanggalingan ko kanina. Bawat sanga, sukat ng puno, bilang ng halaman, kung saang parte ang mukhang pamilyar sakin ay maingat kong pinagpipilian. Mahirap na, baka mas maligaw ako pag nagkataon.

“Hand me that mary jane.” Hinanap ko kung saan nanggaling ang isang malamig na boses ng isang lalaki. Mukhang may iba pang napadad dito bukod sakin, at may kasama pang babae? Mary Jane daw e.

Sinundan ko ang sinisigaw ng gut feel ko at nagpalinga-linga sa paligid. Baka mapakinabangan ko ang mga tao rito para mapagtanungan man lang. Gusto ko ng bumalik, nagugutom na rin kasi ako and this forest becomes even creepier than earlier. Wala pa ring signal ang phone ko kahit saang sulok nitong gubat. Kulang na lang ihagis ko pa 'to pataas sa puno makasagap lang kahit isang signal, I just need to call Aldous. I need him now.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong usok, mukhang galing sa sigarilyo. Pinuntahan ko 'yon and saw a bunch of guys. There’s, one, two... and a total of five. I gulp staring at them.

Ang isa sa kanila na nakaleather jacket ay nakaupo sa isang nakatumbang puno habang humihithit ng sigarilyo. Ang dalawa naman ay nakaupo sa damuhan habang ang dalawa ay nakatayo lamang sa likuran nito, at tulad ng lalaking nakajacket ay may kanya-kanyang sigarilyo ito. Ano ba naman 'tong mga lalaking 'to, mga sunog baga. I wonder how dark their lungs were. Geez.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas mula sa pinagtataguan kong likod ng isang napakalaking puno, agad silang napatingin sa pwesto ko ng marinig ang galaw ng mga halaman sa tabi ko.

They stared at me grinning na mukhang hinuhubaran na ang pagkatao ko. Lintik na mga lalaki ito! Ang papanget na nga, manyak pa ang tabas ng mga pagmumukha.

I stared at them with my blank face, giving them my uninterested gaze. Isa-isa silang nagsitayuan at nagsimulang maglakad papalapit sa pwesto ko ang lalaking nakaleather jacket and there I saw, that cigarette they’re holding... it’s the mary jane they’re calling. It’s marijuana.

Hindi lang pala mga manyak ang mga ito, mga adik pa. Anong klaseng mga tao ba ito?

“Miss, mukhang naligaw ka yata,” maangas na sambit ng lalaking nakajacket habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ko. I act as if it was nothing, I need a great control now.

“Kind of. Can you tell me where’s the way out here?” malumanay kong tanong rito. He grinned at mas lumapit pa sakin.

Sandali nitong nilingon ang mga kasama niya na may kanya-kanyang ngisi sa mukha. “Sure,” he hold me at my arms pero mabilis ko itong inalis sa mga kamay niya. Nagtataka niya akong tiningnan pero nilagpasan ko lang ito na animo'y walang nangyari. In a couple of second, I heard their steps behind me.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt