Hindi pa man nakakalabas ang first baby namin, pinaplano na niya ang sunod.

"Mabait naman si Baby at behave siya kaya okay lang kami." I said to him

Bumaba kami ni Andrei sa kusina na magkahawak ang kamay at tulad ng sabi niya, nakapagluto na si Manang ng breakfast namin.

"Magandang umaga iha, iho. Kumain na kayo." bati ni Manang ng makita niya kami.

"Good Morning rin Manang. Kumain na po ba kayo?" bati ko rin kay Manang.

"Oo iha, tapos na ko. Sasama ka ba kay Sir sa office ngayon?"

"Opo."

"Kung ganun, hindi na ko magluluto ng tanghalian. Sa hapon ko na lang kayo ipagluluto."

Tatango na sana ako sa sinabi niya pero sumingit si Andrei sa usapan.

"Manang, dadaan po kami ng ospital mamaya. May check-up kami sa OB niya. Sa labas na rin po kami kakain kaya kahit sarili niyo na lang po ang lutuan niyo." sabi niya kay Manang habang inaalalayan akong umupo sa harap ng mesa.

"Okay sige. Maiwan ko na muna kayo saglit at maglilinis ako ng bahay. Iwan niyo na lang ang pinagkainan niyo diyan at huhugasan ko yan maya maya." nakangiting sabi niya sa amin bago kami iniwan at nagpuntang sala.

Nilagyan ni Andrei ng pagkain ang plato ko at juice ang baso ko. Habang siya naman ay umiinom ng kape.

"Babe, bilhan mo ko ng ice cream mamaya." I said to him habang isinusubo ang pagkain ko.

"Daan tayo ng ice cream parlor on the way. But first, I want you to finish your food."

Ito pa ang isang bagay na pinakaikinatutuwa ko. Ibinibigay niya lahat ng cravings ko. Para akong spoiled child na lahat ng gusto ay ibinibigay. And lately, I've been eating too much sweets: ice cream, cakes, candies and chocolates. Yun yata ang pinaglilihian ko. Pero Andrei sees to it na hindi ako masosobrahan sa matatamis.

Matapos kumain ay inabutan niya ako ng saging. It's been a routine na after every meal, I would atleast eat a fruit. Kaya hindi rin kami nauubusan ng prutas sa bahay. Bukod sa pinapadala nina Mommy, bumibili rin si Andrei.

Nag-ayos kami ni Andrei para sa pag-alis. Katatapos ko lang maligo at naghahanap na ng susuotin habang siya ay naliligo pa lang.

Sa totoo lang, konti na lang sa mga damit ko ang kasya sa akin. I am now four months pregnant at hindi maipagkakailang lumalaki ang katawan ko. Sa unang tingin, hindi pa naman mahahalata na buntis ako pero kung tititigan ako ng mabuti ay makikitang malaki na talaga ang tiyan ko. Hindi naman issue sa akin kung tumataba ba ako. I don't give much attention to it kasi madedepress lang ako and ayokong mangyari yun. Baka makasama pa kay baby. Besides, Andrei is not giving me a reason to be insecure of my body. Nararamdaman ko na para sa kanya, my body size is not an issue. He still treats me the same.

"Any problem Babe?" tanong ni Andrei when he got out from our bathroom. Pinupunasan niya ang buhok niya ng towel para matuyo ito habang naglalakad siya papunta sa closet namin. I can smell his shower gel kahit medyo malayo siya sa akin.

"Babe, walang class sina Kayla and Tricia tomorrow. Can I go to the mall with them? I just want to buy some clothes, masisikip na ang mga damit ko sakin." I told him.

"Do you need me to come with you?" he asked habang naglalakad papunta sa akin. Hawak hawak niya ang isang dress na inabot niya sa akin.

"Huwag na. May pasok ka pa bukas. Tsaka kaya naman akong alagaan nung dalawa."

"Okay then. Huwag kang masyadong magpakapagod alright? At umuwi na kayo kapag hindi mo na kaya. And call me every hour." He said and kissed the top of my head. "Wear that. It would look good on you." He said pertaining to the dress he just gave me.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon