- I miss you.
Kumalabog ang dibdib ko at halos kapusin ako ng hininga. Gago talaga siya! Ayaw niya magpakita pero miss na niya ako? Leche! Ang pabebe niya talaga.
Napatingin ako kay Eros na tumatawa pa din habang nanunuod sa mga naglalaro sa booth. Huminga ako ng malalim at tumayo. Napatingin si Eros sa akin. Nagulat nalang ako ng biglang tumaas ang kilay niya. "GO."
Ngumiti ako. Tumayo siya at bigla nalang akong niyakap ng mahigpit. Ilang minuto akong hindi nakagalaw pero hinayaan ko siya. Napaka-supportive talaga niya sa akin.
"Damn you!" Halos mapatalon ako ng biglang lumabas si Luther sa harap ko at nakabagsak na si Eros sa damuhan. Bahagyang natigil ang mga tao sa field at nakatangang nakatingin sa amin.
Nanlilisik ang mga mata ni Luther habang nakatingin kay Eros na nakangisi lang. "Eros-- ohmygod.." natataranta ako kung sino ang una kung lalapitan siya or si Luther.
"Lets go." Malamig na salita ni Luther hanggang kinaladkad na ako paalis ng lugar. Napalingon pa ako kay Eros na tumango lang sa akin.
"Ano ba!" Singhal ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako papuntang parking.
Halos mapayuko ako ng mapagtanto ko na halos lahat ng mata ay nasa akin. Naalala ko pa na puno ng kulay ang buong katawan ko. "Luther, nasasaktan ako." Pagpupumiglas ko. Lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin hanggang makarating kami sa parking university. Ang kulay na orange na langit ay halos hindi ko maaninag sa sobrang hila niya sa akin.
"What is wrong with you?!" Nangagalaiting salita ko tsaka hinawakan ang palapulsuhan ko na halos matanggal kanina sa higpit ng hawak niya.
Hindi siya nagsalita. Matalim lang ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Napalunok ako. Pilit kong inaalis ang kaba sa dibdib ko.
"Lilitaw ka nalang bigla at manununtok? Bakit mo sinuntok si Eros?" Galit na salita ko. Hindi pa din siya nagsasalita kaya halos umakyat ang dugo ko palabas ng lahat ng butas sa mukha ko. Nakaka high blood siya!
"Ano?" Tinignan ko siya. Huminga siya ng malalim at nagpakawala ng mura.
"Coz--" he trailed off.
Tinagilid ko ang ulo. "Coz? What?"
Ayan na naman siya! Ano? nagseselos ba siya? OMG! Nagseselos siya? The fuck! Hindi ko talaga magets kung bakit nagagalit siya kay Eros. Then, I'll try my luck to push him to spill his feelings. Wala naman ginagawang masama yung tao.
"You're fucking unbelievable," umiiling na salita ko. Nalaglag ng bahagya ang panga ni Luther.
"Ano ba talaga ang problema? Okay naman tayo diba? Tas biglang magiging cold ka. Aarte ka na hindi ko maintindihan. I'm fucking tired of this push and pull thing Luther." Pagod akong ngumiti. Yung mga away namin na wala naman talagang katuturan. Yung mga nangyayari na hindi ko talaga maintindihan.. nakakapagod na.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Luther at namutla. Tinignan ko siya pero nag iwas siya ng tingin. Iiwanan na naman niya ako sa ere? Iiwanan na naman niya ako ng puro tanong sa utak.
"Ano? For once Luther magsalita ka naman.. kasi, hindi naman ako manghuhula. Ano ba talaga ang problema mo?" Halos magmakaawa na ako.
Umigting ang panga niya. " I don't know why I punched him.. maybe, because, he's touching you.." halos hindi ko madinig ang sagot niya.
"Bakit?" Tanong ko ulit. I want to know his thoughts. His feelings. His reasons. Kasi gusto kong maniwala na nagseselos siya. Gusto kong maniwala na nahulog na siya.
"I don't know." Umiwas siya ng tingin kaya huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.
Tumango ako at hinayaan siya na wag nang sagutin iyon. " You don't want to see me diba? Bakit ka nandito?" Tanong ko ulit. Humalukipkip si Luther sa harap ko at seryoso akong tinignan.
"I never said that I don't want to see you.." kalmadong sagot niya. Hindi ko mabasa ang nararamdaman at iniisip niya. At nahihirapan na ako. Nahihirapan na ako sa arte namin dalawa.
"Pwede ba Luther. Stop your games. Kasi, napapagod na ang feelings ko na intindihin ka. Masyado kang paasa!Hindi ko alam kung ano ang problema mo at nararamdaman mo--" he cut me off.
"I want to distant myself to you.." biglang salita niya na kinalalglag ng panga ko. May kung anong tumusok sa puso ko na parang ikanamatay nito. Is this his way he's going to end this pretend thing?
Hindi ako nagsalita dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang sakit sakit niyang mahalin. Ang sakit sakit niyang intindihin.
Nagpakawala ulit ng mura si Luther na tila ba hirap na hirap na sabihin ang nararamdaman niya.
"I'm not good in words.. I'm foreign with what I'm feeling Sasha.. and it fucking scares me.." Napaangat ang mata ko sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. Hindi siya nag-iwas ng tingin. "I want to distant myself coz you're making me feel the thing that it scares me the most." Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung hihimatayin ba ako o ano. Ano ibig niyang sabihin? Can he be more specific?
Parang may kung anong kulisap na umikot sa simura at nagsaboy ng confetti. Eto naba ang hinihintay ko? Nahulog naba siya? Ano? Nakaramdam ako ng excitement na hindi ko maipaliwanag.
Lumapit si Luther sa akin. Na-concious pa ako bigla dahil puno ng kulay ang buong katawan ko. Nanginig ang tuhod ko ng napasandal ako sa sasakyan niya at kinulong ako gamit ang magkabilang braso niya. Matalim ang mga mata niya habang mabilis ang mabibigat ang paghinga niya, ako naman ay literal na nagpapalpitate na.
"I hate you for making me feel this way.. I don't want to be near you coz you're breaking my wall inside. I hate you but I can't resist you at the same time.." He whispered. Nangatog lalo ang tuhod ko at nadoble ang kabog ng puso ko. Lintik na intro yan! Baka nahimatay na ako bago niya masabi ang feelings niya.
"Fuck. I hate that you're making me break my own rule, Sasha.."
I'm out of words. I can't say anything. He leaned forward and kiss me hard.. tinulak ko siya ng bahagya kaya napaatras siya at gulat na gulat.
"W-what?" He stuttered. May takot akong nakita sa mga mata niya na kinagulat ko. "Speak up and say something, Sasha.." he almost pleaded.
Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako habang natatawa. Huminga ako ng malalim at hinarap siya gamit ang iritableng expresyon. "You don't know how long I've waited for this to heppened! I hate you! I hate you for breaking me and confusing me in the process.. I hate you for telling me this in the parking! Hindi kaba nag isip ng mas romantic way? I hate you for telling that to me while I look like a mess." Gigil na salita ko. Nalaglag ang panga ni Luther na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. He chuckled a little and shook his head.
Pinunasan ni Luther ang mukha ko na puno ng luha at tumutulong iba't ibang kulay. He kiss my forehead. "Lets end this pretend thing, Sasha. Lets try having the strings.."
Lumapit ulit siya sakin at inangkin ulit ang labi ko. "Ang hirap hirap magselos ng wala kang karapatan.." his jaw clenched.
Napatingin ako sa kanya coz I'm secretly asking myself if he's serious or what. He looked at me seriously. Damn. He's serious. Nagsabog ulit ng confetti ang mga alalaga ko sa tiyan sa sobrang saya.
"Done checking me?"tumaas ang kilay niya. Ngumisi ako pero hindi ako sumagot. He leaned forward and claimed my lips again.
Marahan at maingat na halik ang pinapakawalan niya na pakiramdam ko ay nagpawala sa akin sa katinuan. Hinaplos niya ang buhok ko padulas sa beywang ko. Nang maramdaman niya ang pagsinghap ko ay mabilis siyang bumitaw.
He look at me intently. "Totohanin na natin 'to, Sasha.."
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
22. His feelings
Start from the beginning
