Bakit kay Eros kayang kaya kong itanong ito ng hindi nauutal? Bakit sa kanya kaya kong sabihin ito ng hindi kinakabahan? Bakit kay Luther---
Nawala ang mga iniisip ko ng biglang humagalpak ng tawa si Eros.. Tumalim ang tingin ko sa kanya pero tawa pa din siya ng tawa.
"You're crazy.." naiiling na salita niya. "Kailangan ba mabait ka lang kapag may gusto ka sa tao? Gusto kita, Sasha.."nalaglag ang panga ko sa sagot ni Eros. Tumawa ulit siya sabay gulo ng buhok ko. "You're epic." Hinila niya ako habang ako ay tulala pa din sa sinabi niya.
Huminto siya ng tumapat kami sa color booth. Hinarap niya ako na ngaun ay seryoso. "Gusto kita bilang tao, I don't like you in a romantic way Sasha.. I like you as my little sister.."
Tulala pa din ako at pinoproseso sa sarili ang kakapalan ng mukha ko magtanong sa kanya! Waaahh! Nakakahiya! Sabi na eh.. mahirap talaga mag-aasume sa kilos ng isang tao. Words are better than actions. Damn!
Ngumiti ako ng hilaw dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya kaya! Where did you get the guts, Atasha?
Pinitik ni Eros ang noo ko. Ang awkwardness na naramdam ko ay bahagyang nawala. " Wag ka nang mahiya. Sometimes, its okay to ask."
"Sorry, nakakahiya kaya-- kasi naman!" Ngumuso ako at yumuko. Kasi naman lahat ng tao sa paligid ko ay parang puzzle sa ulo.
Tumawa ulit siya at ginulo ang buhok ko. Ang pag-kailang ko ay tuluyan ng nawala ng pumasok kami sa color booth.
"Kalimutan muna, okay?" Ngumiti ako at tumango kay Eros na ngaun ay sinabuyan ako ng kulay sa mukha. Para akong tanga na napanganga sa ginawa niya. "Bastos ka!" Sigaw ko sabay balibag ng colored balls sa dibdib niya na sabay sabay sumabog. Panay ang tawa ko at ganon din siya ng napuno ng kulay ang katawan namin. Grabe! I love this booth na. Sobrang nakakawala ng stress at mag eenjoy ka.
"Ang saya," natatawa akong sumalampak sa gilid ng barricade ng booth ng napagod ako. Tumabi sa akin si Eros habang natatawa. "We look like trolls." Matigas na ingles na salita. Tumango ako at hinawi ang kulay sa pisngi ko.
Naisip ko tuloy kung si Luther ang kasama ko dito paniguradong puro mura na ang inabot ko. Medyo vain pa naman iyon at ayaw nadudumihan.
Maingay na tumatawa si Eros sa mga nagbabatuhan sa color booth. Tyempo ko na iyon para tignan kung may text sa akin si Luther. Napanganga ako ng makita ko ang 10 missed calls niya at tatlong text.
From Luther:
-Damn.
-I want to be with you now..
- Enjoy na enjoy ka ah?
Napakunot ang noo ko nang madama ko ang sarcasm sa huling text niya. Inikot ko pa ang mga mata ko para hanapin siya pero sa huli ay wala pa din akong Luther na nakita.
Nalilito ako sa kanya. Sa amin. This push and pull thing. Kapag malapit na kami, lalayo na siya.. kapag natanggap ko ang realidad na wala naman kami ipaparamdam niya sa akin na meron kaming dalawa. Nakaka bwiset lang diba?
Gusto kong magtanong.. pero-- natatakot ako. Natatakot ako sa sasagot niya. Natatakot ako na wala pa din talaga. Hay buhay!
To Luther:
- can we meet?
Kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko sa kakapalan ng mukha kong mag insist na magkita kami.
From Luther:
- No.
Nalaglag ang panga ko. Isang mensahe pa ang sumunod.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
22. His feelings
Start from the beginning
