Nakakita siya ng pwesto na wala masyadong tao kaya sabay kaming naupo. Tumawag siya ng waiter and ordered something for us. Hinayaan ko na siya dahil gusto ko naman ang inorder niya.
"Bakit nandito ka?" Tanong niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at tipid na ngumiti. " Had fight with my mom," sagot ko. Bahagya siyang nagulat at ganon din ako. Talaga bang nagkwento ako sa kanya?
"Baka naman pasaway ka?" Seryosong tanong niya. Umiling ako. Pumangalumbaba siya sa harap ko na tila ba interisado sa kwento ko. " It's a long story to tell. Baka maweirduhan ka sa pangyayari sa buhay ko." I faked a laugh.
"No, kung alam mo lang, mas weirdo ang buhay ko." Seryosong usal niya kaya napatingin ako sa kanya. Hindi na ako sumagot at ayoko din naman magtanong. Kung sasabihin niya, willing akong makinig. Kung ayaw niya, okay lang din.
Dumating ang order namin. Mabilis akong uminom ng Tequila. Nalukot pa nga ang mukha ko ng dumaan ito sa lalamunan ko. "Bakit hindi mo kasama si Luther?" Tanong ulit niya. Well I guess he's trying to make conversation. Wala naman siyang alam sa buhay ko kaya si Luther ang palaging tinatanong niya.
"Hindi ko alam kung nasaan siya," I honestly said. Natihimik siya at napakunot ang noo. Nakakatatlong shot na ako ng Tequila kaya pakiramdam ko ay tinatamaan na ako. God! I hate Tequila! It demands to be felt instantly.
"Bakit naman?"
Ngumiti ako ng mapait.. " Hindi naman talaga kami.." uminom ulit ako ng isang shot. I hate myself for telling him the truth!
"What? Diba kayo? Hindi kita maintindihan," gulong gulo ang itsura ni Eros kaya natawa ako ng bahagya. "Wag kang mag alala kahit ako hindi ko din maintindihan."
So ayun dahil nasabi ko na din naman ang sikreto namin ni Luther. Kwinento ko na ang totoo sa kanya. Good thing he didn't judge me. Nakinig lang siya ng tahimik.
Umiling si Eros. " bakit pumayag ka?" Natunugan ko ang dissapointment sa boses niya.
Nagkibit balikat ako at uminom ng isa pang shot. Sa totoo lang.. gusto kong makita si Luther ngaun. Siya ang gusto kong makasama at pagsabihan ng sama ng loob ko. Pero hindi naman pwede diba? He can't be like that. Ayaw niya ng tali. Ayaw niya ng responsibilidad. I smiled bitterly realizing kung ano ba ang kahibangan na nararamdman ko.
"Kasi mahal ko siya," sagot ko. Nagulat ako ng nagpakawala ng mura si Eros. Gusto ko rin mapura dahil sa pagkabigla ko sa nasabi ko.
"Alam ba niya?" Umiling ako. Nakita ko ang habag sa mata ni Eros kaya nag iwas ako ng tigin. I don't want him to pity me. Hindi ako ganito. Ano ba nangyayari sa akin? I used to play feelings.. Pero bakit ganito na ako? Feelings ko na ang nilalaro.
"Bakit hindi mo sabihin?"
Natawa ako ng bahagya. " He doesn't believe in love. He doesn't even want commitment. Paano?" Pinalis ko ang luha sa mata ko. Bakit ang emosyonal ko?
"Kapag masakit na, tumigil kana.. you know your worth, Sasha."
Natigilan ako saglit sa sinabi ni Eros. Iba kasi ang feeling ko, he's geniunely concern about me. Nagpaalam pa nga siya na mag-ccr kaya naiwan akong mag isa dito. Alam ko nga ba ang worth ko? Kasi ako? Pakiramdam ko kaya kong mahalin si Luther kahit masaktan ako.
Umingay na lalo ang bar dahil sa paglalim ng gabi at sa lalong pagdami ng tao. I was supposed to go to comfort room ng maaninag ko sa bar si Luther. May babaeng yumayakap sa kanya! Gago siya! He broke his promise again. Parang may kung anong tumusok sa puso ko at bumigat lalo ang pakiramdam nito. Nanlaki pa ang mata ko ng tumambad si Simon sa harap ko.
Tinapik tapik ko pa ang mukha ko dahil nakikita ko si Simon. Nasa ibang bansa siya diba? O lasing lang ako?
"I'm here." Salita nita. Pinindot ko pa nga at dibdib niya kaya napaatras siya. Totoo nga!
"Why are you here?" Takang tanong ko. He shrugged. Grabe ang suplado pa din. FYI! Moved on na ko seyo!
"To buy a dog for Maggie. I'm leaving tomorrow." Sagot niya kaya nalaglag ang panga ko. Yun lang? Iba talaga ang ngagawa ng pagmamahal.
"Everyones flirting, Luther. He's not flirting back. What happened to him?"
Manghang tanong ni Simon. Umirap ako. Not flirting? Eh ano tawag niya jan sa haliparot na lalake na yan? Ano tawag niya sa ginagawa nila nung babae? Bato bato pick?
"Hindi pa siya naglalandi niyan?"
Natawa ng bahagya si Simon at makahulugan akong tinignan. "Siya ang nilalandi." Bumalik siya sa pwesto nila and left me dumbfounded.
"Uwi na tayo," salita ko ng makabalik si Eros. Akala ko magiging okay ako dito.. hindi pala.
Nagtataka man siya ay pumayag siya. Nagulat pa ako ng lumitaw si Luther sa harap ko na naka-igting ang panga. Tumingin siya kay Eros ng masama pero lumambot ang mga mata niya ng bumaling sa akin. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang siko ko. "Sasha," seryosong salita niya. Gago talaga! Paasa! Pagkatapos akong pakiligin kanina babawiin din pala niya!
"Leave me alone." Malamig na usal ko na kinahalakhak ni Simon sa gilid niya. Lumakad ako pero hindi ko alam kung nakasunod si Eros. The only thing I knew is Luther's following me.
"What you saw.. it was--"
"Shut up!" Sigaw ko ng makalabas kami. "Why are you explaining?" Salita ko at hinarap siya. Natigilan siya saglit at parang nangangapa ng salita. Hindi sumunod si Simon at Eros. It's only me and him.
"Kasi hinusgahan mo ako agad kahit hindi mo alam ang totoo," seryosong usal niya. Are we seriously fighting? Kailangan ba talaga husgahan ko siya? Eh ano ba dapat isipin ko sa nakita ko? Ganon naman talaga siya diba?
"And who told you that?"
Ngumisi si Luther. "I just know."
Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng hangin sa dibdib ko. " alam mo, ginugulo mo ako! You're making me confuse,"
"About what?" Kumunot ang noo niya. Tinigalid niya pa ang ulo niya na para bang sinusuri ako. Lumunok ako ng bahagya dahil bumalandra sa akin ang perpektong mukha niya.
"Eto, yung tayo... Kasi ginugulo mo ako! Ayaw mo ng commitment. Ayaw mong mahulog ako seyo pero bakit ganito ka? Aarte ka na parang may something tayo pero sa huli wala naman pala! Paasa ka! Tapos nakikipaglandian ka! Nangako ka diba? Hello-- wala pang 24 hours na nagsorry ka may ginawa ka naman kagaguhan!" Diretsong sabi ko na kinatawa niya. Tignan mo! Tatawanan lang ako pero ako halos mamatay na sa galit sa kanya!
"Bwiset ka!" Sigaw ko sa kanya at tuluyan lumakad. Pagkatapos ng lahat tatawa lang siya? What the hell lang diba?
"Sasha... I wasn't flirting.. Peksman! Mamatay man ako!" Sigaw niya. Napahinto ako ng nahuli niya ang siko ko. "Damn, why am I even explaining?" Naiiling na sabi niya. Oo nga, bakit kaba nag eexplain? Gago ka naman talaga!
Huminga ako ng malalim bago umirap. "Kahit wag munang tuparin yung peksman.. yung mamatay ka nalang!" Sigaw ko sa kanya kaya lalo siyang natawa. Ugh.
Nagulat ako ng bigla akong iharap ni Luther sa kanya. Nawala ang ngiti niya at ganon din ako. Seryosong seryosong tinignan ni Luther ang mukha ko kaya pakiramdam ko ay nawala ako sa ulirat. "Oh--, a--ano ang gagawin mo?" Nanginig ako at bumalik sa katinuan ng hinapit ni Luther ang beywang ko. Ang galit na kanina lang ay matigas ay nagiba ng yakap niya bigla.
He sigh heavily. "Yayakapin kita. Nababaliw kana naman."
Everything that happened to me in one day? Nababaliw na nga yata ako.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
21. Paasa
Start from the beginning
