Minsan kasi di na kami nag uusap dahil nauuwi lang sa away. Dad left us again. Hindi na siya kasing sakit nung una dahil mas handa na ako ngaun. But still, hindi ko pa din matanggap na umalis siya ngaun para hanapin ang anak niya. Okay, kung yan ang magpapaligaya sa kanya. Bahala siya. Mom? He's out of herself again.

"Mom," I want to give her warmth and comfort pero may parte sa akin na ayoko. Hindi dahil sa ayaw ko talaga.. I just feel na hindi niya deserve iyon. She never learned at all. Tama na ang isang sakit diba? Katangahan na ang pangalawa.

Natigilan ako ng makita ko ang pamumutla ng mukha niya at panglalaki ng mata ng makita ako. "Bakit ka nandito?" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero parang nakakita siya ng multo.

"Sabi ni Kristele dalin--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin nang tumayo si Mommy at hilahin ako palabas ng Starbucks. "Sabi ko siya ang magdala, bakit ikaw?"

Napakunot ang noo ko sa inasta ni Mommy. Ano naman ang problema kung ako? "Bakit hindi ako?" Sagot ko.

"Kasi ayaw kita dito. Get out of here, Sasha." Halos madurog ako sa sinabi ni Mommy. Is she for real? Alam kong hinayaan ko siya pero rason ba yon para ganituhin niya ako?

"What is wrong with you-" nanginig ang boses ko. Kanina lang ay nasa langit ako pero ngaun ay parang lumagapak ako sa lupa.

"Get out!" Isang malakas na sigaw ang ginawa niya na nag-paatras sa akin. Hindi na ako nagsalita dahil naiiyak ako at ang bigat ng pakiramdam ko.

Tinalikuran ko si Mommy sabay pahid ng luha na lumandas sa mata ko. Bakit ganon siya? Hindi ko maintindihan kung bakit bigla niya akong pinagtabuyan ng ganoon.

"Sasha?" Napatigil ako sa lahat ng pag-iisip ko ng may nabangga ako. Nanlaki agad ang mga mata ko at mabilis pinalis ang luha na natira sa pisngi ko. "Uncle, John?" I smiled weakly.

His eyes looks worried. "Why are you here? Bakit ka umiiyak? Si Luther ba?" Hindi ko alam kung nabingi lang ako pero matigas ang pagkakabanggit niya sa huling tanong niya. Sunod sunod ang iling na ginawa ko.

"Wala po, I'm fine.. may naisip lang po," ngumiti ako trying to convince uncle that I'm okay. Naweirduhan pa ako ng titig na titig na naman sa akin si uncle na parang may gustong sabihin. " Wanna join me?" Pag-iba niya ng usapan ng maramdaman niya ang pagkailang ko. Umiling ulit ako. I'm not in the mood now. I want to drink until I get drown. Hindi ko kasi maintindihan si Mommy. Why she acted like that to me. It's so not her.

"May lakad po ako." Magalang na sagot ko. Tumango naman si uncle at nagpakawala ng buntong hininga. "Okay, you take care.." seryoso si uncle tsaka ginulo ng bahagya ang ulo ko. Tumango lang ako at naglakad na palayo ng lugar.

Mausok na agad ang lugar at maingay ng makarating ako sa malapit na bar. LightHaus is at is peak kahit alas siete palang ng gabi. Well, Valentines nga diba? Hays! Kainis ang araw na ito. Kanina binuo ni Luther ang puso ko, after an hour Mommy just broke it effortlessly.

"Hi," napatigil ako sa pagpasok ng may bumati sa akin. Bahagya pa nga akong napapikit dahil sa dami ng bubbles na nagkalat sa paligid. "Eros?" Gulat na gulat na tanong ko. Ngumiti si Eros at nagkibit balikat.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. He simply shrugged and gave his gold card to the receptionist. May entrance kasi ang bar ngaun.

"Trying to unwind," ngumiti siya." But luckily, found yah."

Umirap ako sa kanya kaya lalo siyang natawa. Hindi ko alam sa sarili ko pero may bahagi talaga sa pagkatao ko ang magaan ang loob sa kanya.

"Palagi mo nalang ako nakikita," natatawang sabi ko. Hindi na niya ako nasagot dahil sa bugso ng tao sa lugar. Nagulat nalang ako ng humarang siya sa dadaanan ko para bang pinoprotektahan ako sa mga tao na halos magkapisikalan na sa sobrang pagsayaw.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now