Tumaas ang kilay ko at confident naglakad papunta sa kanila. Kahit bumabalik sa utak ko kung paano hinaplos ni Luther ang likuran ko ay pinipilit kong umakto ng normal. Geez.. the memory really creeps me out.

"How much is our bill?" Diretso ang mga mata ko sa babae. Pinilit kong wag lingunin si Luther kahit alam kong nakatingin siya.

"Are you with sir?" Sagot ng babae kaya napairap ako. Alam naman niya diba? Kailangan tanungin pa ako. Tumango lang ako sa kanya kahit naiirita na naman ako. Ngumiti ang babae at may inabot sa akin isang piraso ng rosas.

"Bayad na po." Sagot niya kaya nagulantang ako at napatingin kay Luther na nakataas ang kilay ngaun. Ganon pa man, pinanatili kong normal ang sarili ko kahit naa-abnormal na sa presensya ni Luther.

Tinanggap ko ang rosas at mabilis na naglakad palabas. "Thank you for coming, ma'am, sir.. Happy Valentines." Salita nung sumalubong sa amin kanina. Hindi ko iyon binigyan pansin nagdiretso lang ako palabas.

"Sasha," ayan na naman si Luther na sumusunod sa akin. Tumingin ako kaliwa't kanan at napamura ako sa dami ng tao.

"Wala bang thank you?" Biglang litaw ni Luther sa gilid ko. Hindi ko siya nilingon. Inakbayan niya ako bigla kaya napasinghap ako at masama siyang tinignan. "Why would I thank you? Ngaun mo lang ako nilibre. O gusto mong bayaran kita?" Nilabas ko ang wallet ko. Nagmura si Luther tsaka ako hinila kaya hindi ako makadukot ng pera sa wallet ko.

"Ano ba ginagawa mo?" Iritado akong nagsalita at pilit na kinakalas ang kamay niyang naka-ikot sa leeg ko. "Bitiwan mo nga ako, nasasakal na ako." Inis na inis na salita ko. Parang walang narinig si Luther at patuloy pa din ang lakad kaya halos kaladkarin na ako. Gosh! Eto ang date na sinasabi niya? Ang sweet niya, grabe!

"Lets eat."salita niya na para bang baliwala ang  sinabi ko. Hindi na ako kumibo at alam ko naman na hindi ako mananalo sa tigas ng bungo ng lalaki nato'.

Nanlaki ang mga mata ko ng gumawi siya sa foodcourt kung saan madaming tao! Grabe ang kuripot talaga niya!

"Sigurado kabang dito tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi sumagot si Luther. Patuloy lang ang paghila niya sa akin. Sa gitna ng foodcourt ay may stage kung saan may set ng banda. Umupo kami sa harap ng stage. Nagtaka pa nga ako kasi kaming dalawa ang nakaupo doon. May mga barricade ang buong stage at tanging kami lang ni Luther ay may upuan sa gitna.

Umupo si Luther at ako naman ay walang nagawa kundi umupo din.

"San ka pupunta?" Tanong ko ng bigla siyang tumayo. "I'm going to order." He shrugged. Hindi nalang ako sumagot ng dumaan siya sa likod ng stage. Ang mga tao ay nakatingin lang sa akin kaya halos mastatwa ako. At bakit ba dito kami umupo?

Maya- maya ay wala pa din si Luther. Narinig ko nalang ang malakas na tilian ng mga tao ng umakyat ang banda sa stage. Nalaglag ang panga at para akong tanga na naisstar struck sa nakita. Parokya ni Edgar. Shit.

Nagsimulang isstrum ang gitara. Nalaglag lalo ang panga ko ng makita si Luther sa likod ni Chito na may hawak na gitara. Bumilis ang tibok ng puso habang pinapanuod si Luther na nagsisimula ng magitara. Pumikit ng mariin si Chito at nagsimulang kumanta.

Sorry na

Kung nagalit ka..

Di naman..  sinasadya..

Kung may nasabi man ako

Init lang ng ulo

Pipilitin kong magbago pangako sa iyo

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang naglaho ang inipon kong iritasyon at galit kay Luther. He's good at playing guitar. Chito has the nicest voice. At yung kanta.. hindi ko alam kung sadya ba yun o ano pero pinataba nito ang puso ko.

Sorry na.. nakikinig kaba?

Malamang sawa kana

Sa ugali kong ito

Na ayaw magpatalo at parang sirang tambutsyo na hindi humihinto

SORRY NA TALAGA

Kung ako'y medyo tanga

Parang hindi nag-iisip inuna pa ang galit

Sorry na.. talaga..

Isa isang nagtilian ang tao sa paligid. Nagtama ang mata namin ni Luther. Damn. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ibibigay ko. Hindi ko sigurado kung para sa akin ito at ayokong mag-assume. I want words.
Ngumiti siya at mabilis na bumaba ng stage kahit patuloy pa din sa pagtugtog ang banda. Halos takbuhin niya ay lugar kung nasan ako.

Bawat hakbang ni Luther ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Bawat galaw ng mata niya, bawat pag-igting ng panga niya, bawat ngiti ay lalo akong nahuhulog. Putya! Galit ka Sasha diba? Hindi pa siya nagsosorry seyo! Wag ka ngang paloko!

"So," halos habulin niya ang hinga niya ng makalapit sa amin. Ang mga tao sa paligid ay halos nasa banda na ang mata. Nakatayo na ang lahat habang ang iba ay sumasayaw na.

"Anong so?" Pinilit kong magtaray kahit ang totoo ang kinilig naman talaga ako.

Huminga ng malalim si Luther sabay hila sa akin para mapatayo ako. Mabilis niyang hinapit ang beywang ko kaya nagkadikit ng sobra ang mga katawan namin. Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko sa bawat galaw na ginagawa niya. We dance slowly sabay sa beat ng kanta.
Naglapat ang mga mata namin. Puno ng emosyon ang mga mata ni Luther na hindi ko mapangalanan. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Ngumiti ng tipid si Luther tsaka niya ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Sorry na, Sasha.." malambing na bulong niya sa akin.




No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now