Though, alam pa din ng lahat na kaming dalawa pa. Sa araw araw ba naman na pambubulubog niya sa buhay ko ay may mga tangang kinikilig at naniniwala pa.
"Ma'am akala ko ba single ka? Jusko! Kinakahiya mo yan boyfriend mo?" Malanding sabi ng babae sabay ipit ng buhok sa tainga niya. Napangiwi agad ako at pumikit habang nakayuko. Si Luther naman ay mahinang humalakhak sa gilid ko kaya pinandilatan ko siya bigla.
"Ano ba ginagawa mo dito?" Bulong ko habang nakasunod kami sa nag-aasist sa amin papasok sa massage room. Pareho na kaming nakabalot ng twalya ni Luther kaya palagi akong napapaiwas ng tingin sa katawan niya! Ang unfair lang!
"Dating you,"
"Dating me?" Pag gaya ko sa sinabi niya na mabilis na ikinatango niya.
"Nag-aaksaya ka lang ng pera. Wag mo ako daanin sa ganito." Malamig na usal ko at dumapa na sa kama. Sa kabilang kama naman ay nandoon si Luther na nakadapa na din pero sa akin pa din ang mga mata.
"Bakit ako mag-aaksaya ng pera? Ikaw naman magbabayad nito." Preskong sabi niya kaya napauwang ang labi ko. Leche siya! Galit nga ako sa kanya hindi manlang palubagin ang loob ko? Imbes na ilibre ako, ako pa manglilibre sa kanya? Galit nga ako diba? Asan ang hustisya?
Kahit magaling ang nagmasahe sa akin ay hindi gumaan ang pakiramdam ko. Habang ang halimaw sa tabi ko ay halos maghilik at tumulo na ang laway sa sobrang tulog! Grabe siya! Iwanan ko kaya siya dito?
"Ma'am after ten mins, pwede na po kayong magbihis." Salita nung babae kaya tumango lang ako. Naiwan kaming dalawa ni Luther sa loob. Tumikhim ako bigla ng mawala ang kaba sa dibdib ko.
Titig na titig ako kay Luther habang payapa siyang natutulog. Bakit ang bait niyang tignan kapag tulog? Para siyang inosenteng bata na walang alam sa mundo. Tsk! Pumikit ako ng mariin at pilit na pinaalala sa sarili ko na gago siya. Ni hindi pa nga siya nag sosorry sa akin eh.
"Tapos kana?" Halos malaglag ako sa kama ng biglang idilat ni Luther ang mga mata niya. His eyes are bit red dahil sa tagal na nakapikit. His bedroom voice filled the room kaya naghurumentado na naman ako.
Binalot ko maigi ng twalya ang katawan ko at tumayo. "Tapos saan?" Sagot ko.
"Titigan ako," natatawang sabi niya sabay tayo na hindi manlang nagbalot ng twalya. Napatakip ako ng mga ko habang si Luther ay napahalakhak na.
"What are you doing Sasha? "
"Gago kaba? Magtapis ka nga." Galit na sigaw ko na lalong nagpatawa sa kanya.
"Ngaun ka lang ba nakakita ng naka boxer" huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Oo nga naman! I grew up in US! Mas malala pa sa boxer ang nakita ko. Pero hindi ganito ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay may init na bumalot sa katawan ko.
"Ayusin mo nga ang sarili mo! Virgin pa ako kaya wag mong guluhin ang utak ko!"
Halos manigas ako ng maramdam ko siya sa likuran ko habang tinetrace ng isa niyang daliri ang likod ko. Tila ba lahat ng balahibo ko ay tumayo dahil sa boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko. Fuck! Ano ba ginagawa niya?
"Really? Gusto mo ba subukan natin para hindi magulo ang utak mo?" He whispered sexily kaya lalong dumiin ang takip ko sa mukha ko. Leche nato! Ano to? Tigang ba siya at bigla siyang nagkaganito?
Huminga ako ng malalim at patakbong tumungo sa cr. "Pervert!" Sigaw ko tsaka naglock ng pinto na ikinahalakhak niya.
Paglabas ko ay mabilis ang kilos ko para pumunta sa receptionist. Uuwi nalang ako kesa maimpakto na naman ni Luther ang araw ko. Pagdating ko sa harap ay prenteng nakasandal si Luther sa front desk habang nasa bulsa ang kanyang dalawang kamay. Panay pa ang kausap sa kanya ng receptionist pero tango lang ang naging sagot niya.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
20. Sorry na
Start from the beginning
