Maliwanag na nang magising ako. Di ko alam bakit late ako magising ngayong araw na ito, lagi naman akong nagigisng ng maaga. Pero iba ang araw na ito, mabigat, nakakalungkot, nakakatamad. Ngayon na pala ang araw na puputulin ang puno ng mangga sa dati kong eskwelahan.
Madaming alaala ang binigay sakin ng punong yon. Mga alaalang kahit kailan ay hindi ko malilimutan, mga alaalang tumatak sa isip ko. Ang FIRST LOVE ko...
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<FLASHBACK>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
"Sh*t late na ako!" sabay bangon sa kama dahil 8:30 AM na. "anu ba yan first day of school late ako?" Ako nga pala si Ernz, 16 years old, male, nasa 3rd year high school, 5'4, mejo chinito, mejo maputi, slim fit built, black hair. Napatakbo na ako sa banyo at dali-daling naligo, 5 minutes tapos na akong maligo (ahaha bilis noh). "Ma, nasan ung uniform ko?" tanong ko kay mama. "Nandito na sa baba, dalian mo late ka na!" sigaw ni mama. "Eto na po! Ma, baunin ko na lang ung almusal ko." sabi ko habang nagmamadali.
Pagkatapos ko magbihis ay dali akong bumaba at kinuha ang baon ko. "Ehem!" pahabol ni mama. "Ay ou nga," sabay kiss, "Bye ma!" sabay karipas ng takbo. Binilisan ko talaga ang pagtakbo dahil ayaw kong masira ang araw ko. Nang....
"Aray!" bumangga ako sa kung sino o ano. "Sorry, ok ka lang?" sabi ng taong nabangga ko. Pagkatingin ko ay di ko maaninag ang mukha nya dahil ang liwanang ng araw ay nasa likod nya.
=============================================================================
Ayun this would be my first chapter kaya sana magustuhan niyo. Comment, Vote, Share na lang po.
Comments would be much appreciated.
