II - Ang Muling Pagtatagpo

440 25 16
                                    

Kabanata 2: Ang Muling Pagtatagpo

Bigla siyang tinapik ni Alejandro sa kaliwang balikat nito, nang mapansin nitong natutulala na naman ito.

Iniling-iling ni Emmanuel ang kanyang ulo, kinusot-kusot ang kanyang mga mata, at saka tumingin sa mga mata ni Felicita. Pero wala na pala ito sa harapan ng silid kung hindi ay nasa tabi na niya pala ito. Kakaiba ang babaeng ito sa para sa kanya nang maalala nito ang biglang pag-iba ng kulay ng mga mata ng dalaga. Tiningnan niya ang mga mata ng dilag pero purong kayumanggi na lamang ang kanyang nakikita sa mga mata nito.

"May mali ba sa mga mata ko, Emmanuel?" nakangiting tanong nito na ipinagtaka ng binata.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Sinabi ng ating guro kanina. Sabi niya maupo daw ako sa kanan mo. Hindi ka talaga nakikinig. Palibhasa, sa mga mata ko lang ika'y nakatitig."

Pagkatapos ng kanilang klase ng umagang iyon ay sabay na lumabas sina Emmanuel at Alejandro patungo sa kantina ng paaralan. Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad ng bigla na lang may sumisigaw sa kanilang likuran.

"P're mukhang gusto ka yata," pang-aasar ni Alejandro sa binata.

"Gago. Ikaw gusto ni'yan."

Huminto muna sila at hinintay ang ngayo'y tumatakbong si Felicita. Habol nito ang kanyang hininga pagkarating niya sa harapan ng dalawa, sabay yuko nito at hawak sa mga tuhod nito.

"Hang bilis . . . nihiyo namahang maglakahad . . . diyos koho . . ."

"Sino ba kasing may sabing sundan mo kami?"

"Sa wala pa akong makakasama e, natural. At saka kayo pa lamang ang kilala ko dito. Saan ba kayo pupunta?"

"Sa lugar na wal—"

Tinakpan ni Alejandro ang bibig nito at saka siya na ang tumuloy sa dapat na sasabihin sana ni Emmanuel.

"Ang ibig niyang sabihin ay sa lugar na kasama ka . . . sa kantina. Tenenennn," maligayang sambit niya habang iwinawagayway ang mga palad sa harapan ng kantina.

"Ang gara! Mukhang palasyo!"

"Palasyo ka diyan." Bigla na lamang niyang naalala ang kanyang panaginip na nangyari sa isang palasyo.

Hindi matukoy ni Emmanuel kung bakit niya pinagsusungitan si Felicita. Naisip niyang mas makakabuti na rin iyon upang hindi mahalatang may gusto siya dito.

Noong gabi ring iyon ay napag-desisyonan ng binata na hindi na hihintayin ang pagdating ng kanyang ina mula sa trabaho. Niyaya siya ng kanilang katulong na kumain na pero mas pinili niya na matulog na nang maaga.

"Ngayo'y nagkakilala na tayo ay mas madali na kitang maisasama sa aking kinalalagyan! Hahahahahaha! Hahahahaha!"

Pilit na ginigising ni Emmanuel ang kanyang sarili upang matakasan ang kung ano mang bangungot na kanyang nararanasan.

Isang nakakabinging tawanan ang dahilan ng paggising ng binata. Dinig na dinig niya sa baba ang halakhak ng kanyang ina at ng isang babae na tila ba napakapamilyar sa kanya. Sumilip muna siya sa kanilang sala at doo'y nakita niyang nagtatawanan ang kanyang ina at si . . .

"Felicita? Paano niya nalamang dito ako nakatira? At bakit ba napaka-malapit na nila ng aking ina? Nakakapagtaka."

"O gising ka na pala, Emmanuel. Nandito na ang kaklase mo."

"Anong mayroon? Nakakapagtakang tinawag ako ng aking ina sa tunay kong pangalan. Anong nangyayari sa kanya?"

Biglang nahagilap ni Emmanuel ang mga mata ng kanyang ina. Tila ba ito'y nagmamakaawa na umalis na siya ng bahay.

Felicita [Short Story]Where stories live. Discover now