III - Ang Pagtatapos

529 33 22
                                    

Kabanata 3: Ang Pagtatapos

EMMANUEL

Nagtaka ako nang makita ang katulong namin dito. Paano siya nakarating at anong ginagawa niya rito?

"Emmanuel? Paanong ika'y narito rin? Anong ginagawa mo dito?"

"Ganyan rin po sana ang itatanong ko sa inyo sapagkat bigla na lang akong nagising dito."

"Ako rin. Sa pagkakaalam ko kasi ay natutulog ako at dito rin ako nagising."

"Anong mga nakita mo ba pagkagising mo dito, Yaya? Talahiban lang kasi 'yung mga naaaninag ko dito."

"Talahiban rin, iho," sabi ni Yaya habang pinapaikot sa buong lugar ang dalang kulay itim na panilaw.

"Emmanuel! Emmanuel! Emmanuel!"

Bigla na lang kaming may narinig na sumisigaw sa pangalan ko.

Teka. Napakapamilyar ng tinig na iyon.

Pagkatapos tumakbo ng matulin ay nakalumbabang lalaki ang bumungad sa mga mata namin ni Yaya.

"Sino ka?"

"Alejandro? Anong ginagawa mo rito?"

"Hinahabol kasi . . . ako ng mga malalaking aso . . . ang laki nila . . . mukhang hindi pangkaraniwan. Pero pagdating ko rito ay bigla na lamang nawala."

Inaya ko sina Yaya at Alejandro na maglakad-lakad muna. Kanina ko pa napapansin na mukhang talahiban lang talaga ang lugar na ito.

Nakakapangilabot ng kinalalagyan namin ngayon. Idagdag mo pa ang napakakulimlim na sinag ng buwan, napakalawak na mga talahiban, ang atungal ng mga aso sa kapaligiran, at . . .

"Tulong! Tulungan ninyo ako!"

Dali-dali kaming tumakbo sa direksyon ng pinanggagalingan ng sigaw. Kaagad naman namin na nakita ang lokasyon ng sumisigaw. Isang babaeng nakasabit sa sanga ng puno na kung sakaling mahulog siya ay sa bangin ang kanyang babagsakan.

"Felicita? Sandali lamang at ako'y kukuha ng kahoy."

Agad ko namang inabot ang dulo ng kahoy kay Felicita. Mabuti na lang at agad rin siyang nakawala sa pagkakasabit at tuluyan ng nakawala sa panganib. Hindi ko sana siya tutulungan dahil alam kong isa siyang demonyo ngunit nanaig ang pagiging tao ko sa kanya.

"Maraming salamat, anak." Hinagkan niya ako pagkatapos magpasalamat.

"Walang anuman, Felicita . . . pero teka ano? Anak? Felicita naman, hindi ikaw si nanay."

Sina Alejandro at Yaya naman ay nagsisimula na ring magtaka.

"Pero anak. Ako talaga ito. Hindi ko alam kong paano iyon nangyari pero ginamitan ako ng salamangka ni Felicita upang maging kaanyo ko siya."

"Papaanong nangyari iyon?" sambit ni Yaya.

"Kung gano'n, maaring nandito rin si Felicita na nasa anyo ng ina mo Emman—" Hindi na natapos ni Alejandro ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang umalingawngaw sa paligid ang nakakapangilabot na tawa ni Felicita . . . na nasa katauhan ng aking ina..

Felicita [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon