Building the Story: Three Types of Writer

Start from the beginning
                                    

TIP

Manindigan sa kung ano ang tinutumbok ng kuwento. Makatutulong kung alam kahit papaano ang genre ng isinusulat. Even if you're making decisions as you write, respect the theme and central plot. Sa ganoong paraan, hindi ka matatangay ng anumang agos, alon, at daluyong.
Magsulat nang tuloy-tuloy para hindi makalimot sa mga pangyayari sa sariling kuwento at hindi magkapalit-palit ang roles ng mga characters.
Write one story at a time. Keep your focus. Iwasang mag-multi-task sa pagsulat ng dalawa o higit pang kuwento. Sa ganoon, hindi magkakapalit ang mga tauhan, tema, o simbolo sa mga kuwentong isinusulat. Hindi magkakahalo ang mga eksena.
Commit to write the story until the end.
Basahin ang buong kuwento matapos isulat. Kung magulo ang naisulat, magsipag sa pag-e-edit, pagre-rewrite, o pagre-revise.

IKATLONG KLASE: THE MERMAID (ANG SIRENA)

Ang Sirena ay ang hybrid, ang unofficial na termino ng writing world sa kalahating-plotter at kalahating-pantser.

Siya si writer na pinagsamang Tagaplano at Isda. Hindi siya deboto ng masinsinang pag-a-outline pero hindi rin naman agad siya nagsisimula ng isang kuwentong hindi niya lubos pang nausisa. Nag-a-outline siya sa isipan ngunit nagsusulat nang nakasunod sa agos. Bukas siya sa sorpresa ng mga story elements at sa mga bulong ni Character. Nagsusulat ayon sa inspirasyon at interes at nakikinig sa opinyon ng iba tungkol sa kanyang isinusulat pero naninindigan sa kung ano ang tinatakbo ng kuwento.

Hindi niya kayang i-fill up agad ang lahat ng story elements pero may idea siya sa general framework. Halimbawa:

Main character:
Main setting:
Plot:
Middle: (Some scenes throughout the stories)
Conflict:
END:
Main theme:

Kapag isa kang Sirena, ang outline mo—nakasulat man o nasa isipan—ay hindi detalyado pero workable.

ADVANTAGES:

Kapag na-inspire, kaunting hintay lang sa development ng kuwento ay puwede nang magsulat.
Basta nasimulan na ang kuwento, madali nang isulat nang tuloy-tuloy dahil may ideya na sa mga scenes na nasa gitna. Goal na lang niyang pagdugtungin ang simula sa gitna sa conflict sa katapusan.
Hindi madaling maligaw sa kuwento.
Malaya sa outline.

DISADVANTAGES:

Kunsumido sa kung paano sisimulan o tatapusin ang kuwento.
Maaaring magkamali sa pagpili ng execution.
Less ang filler scenes pero posible pa rin.
Kapag hindi nabalanse ang paglangoy sa daloy, masakit sa ulo ang draft. Maraming kailangang i-edit out.
Mahirap mag-double check ng scenes na wala sa general outline.
Laging may meeting sa character bago makapagsulat. Minsan ay time-consuming.
May possibility na mabulag at magpalit ng theme o message sa kuwento kapag nagsalawahan.

TIP

I-track ang development ng kuwento. Maaaring nagsimula kang magsulat nang walang outline ngunit kung detail-sensitive o time-sensitive ang iyong kuwento, kailangang mag-outline o mag-notes sa kalagitnaan ng pagsusulat.
I-jot down ang mga scenes na wala sa general outline.
I-jot down ang mga character/s at respective roles nila na wala sa original outline.
I-jot down ang foreshadowing, hints, clues, at timing ng revelation.
Write one story at a time. Iwasang mag-multi-task sa pagsulat nang dalawa o higit pang kuwento.
Basahin ang buong kuwento matapos isulat. Kung magulo ang naisulat, magsipag sa pag-e-edit, pagre-rewrite, o pagre-revise.

To outline or not to outline? Ang desisyon ay depende sa kuwentong isusulat mo. Ang mga kuwentong may komplikadong tema at development, mas mainam kapag naka-outline kahit general outline lang. Ang mga kuwentong detail-sensitive at time-sensitive tulad ng historical fiction, detective stories, crime stories, at time travel ay mas madali kung naka-outline.

Nakadepende rin ang pag-a-outline sa iyo bilang isang manunulat. You have to find out kung anong klase ng writer ka sa tatlong nabanggit. Discover how or when you can write most effectively. When you find it, stick with it. Magkakaiba ang bawat manunulat. Malay natin, baka may pang-apat pang klase ng manunulat, depende sa eksperimento mo.

ANG MABUTING BALITA:

Ang bawat kuwento ay may porma at istruktura. Bilang mga manunulat, tayo ang nagdedesisyon sa rikit at tibay ng pundasyon at istruktura ng ating isinusulat. May mga Tagaplano na nakapagsusulat lamang kung may outline. May mga Isda na nakapagsusulat agad sa isang kalabit pa lang ng ideya. May mga Sirena naman na nakapagsusulat lamang kung may sapat nang kaalaman sa kuwento.

Nakasalalay sa ating pagtuklas sa ating sarili bilang mga manunulat kung tayo ba ay mas produktibo sa pagiging Tagaplano, Isda, o Sirena. Ngunit lagi nang nakasalalay sa pangangailangan ng kuwento ang hihingiin nito sa atin bilang manunulat.

It's also okay to change our style and our preference as writers. Maaaring ngayon ay Isda tayo na kalaunan ay magiging Sirena bago maging Tagaplano. O maaaring kabaligtaran naman. Hangga't ang pagbabago ay nagdadagdag sa effectivity natin bilang manunulat, ito ay hindi problema. 

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now