Building the Story: Three Types of Writer

Start from the beginning
                                    

TIP

Huwag magpakulong sa outline. Maging masipag sa pag-a-adjust ng eksena at kuwento kapag kinakailangan.

IKALAWANG KLASE: THE FISH (ANG ISDA)

Ang Isda ay mas kilala sa tawag na pantser. Siya ang writer na ka-liga nina Stephen King, Margaret Atwood, at Pierce Brown. Ang motto nila ay "Go with the flow."

Ang Isda ay isang manunulat na hindi nag-a-outline. Rebelde siya sa listahan at plano. Mabilis madala at ma-curious sa story idea na nakikita o nagpapakita para isulat. Magsusulat siya ayon sa feelings at inspirasyon. Magsusulat ayon sa likot ng imahinasyon. Magsusulat sa intuition at kumpiyansa sa sinasabi ng mga character niya.

Kung ang mambabasa ay alumpihit sa upuan sa pananabik sa kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwentong isinusulat ng Isda, siya ay alumpihit din naman sa pananabik habang nagsusulat. Tulad ng mambabasa, gusto rin niyang malaman kung ano ang kasunod na pangyayari sa kuwento kaya siya nagsusulat. Katulad ng mambabasa, siya ay magugulat din sa mga sorpresa, maghihinayang sa biglaang kamatayan at paghihiwalay, at madidismaya sa betrayal, dahil tulad ng mambabasa, bago rin sa kanya ang mga isinusulat na pangyayari.

Hindi niya kayang i-fill up nang kompleto ang lahat ng story elements kapag magsisimula pa lang ng kuwento. Pero may idea na siya sa alinman sa mga sumusunod:

Main protagonist o antagonist:


Setting:

Plot:
Conflict:
End:

Theme:

Ang Isda ay masayang nagsusulat nang walang renda at bukas sa mga sorpresa ng kuwento. Pinakamabilis siyang magsimula ngunit mas matagal matapos sa pagsulat kaysa sa Tagaplano.

ADVANTAGES:

Kapag naintriga sa isang story idea, makapagsusulat agad ang Isda dahil kailangan niya lang naman simulan o buksan ang kuwento. Ipagpapabukas niya ang pagpi-figure out sa iba pang parte ng kuwento.
Hangga't hindi nawawala ang interes niya sa kuwento, masipag siyang bumalik sa pagtipa at pagsusulat dahil tulad ng mambabasa ay gusto niya ring malaman ang kasunod pang mangyayari sa isinusulat niya.
Laging nasosorpresa ang Isda sa mga biglaang turn of events, o twists, o revelations.
Kapag may trip siyang eksena, tao, at iba pang elemento na gustong isama sa isinusulat na kuwento, maaari niyang ilagay dahil hindi naman sementado ang lahat ng eksena sa isinusulat niya.
Kapag may magandang ideya ang isang reader o isang kakilalang nakababasa sa isinusulat ng Isda at puwedeng i-incorporate sa story, madali lang sa kanyang i-pick up ito.

DISADVANTAGES:

Kunsumido sa maaaring simula o wakas ng kuwento.
Kapag nawala ang interes at inspirasyon, malaki ang tsansa na hindi matapos ang kuwentong isinusulat.
Kapag biglang nawala sa mood, malaki ang tsansa na hindi makapagsulat.
Maaaring magkaroon ng biglang-liko kaliwa o kanan ang kuwento. Mas madaling maligaw ang kuwento o mawalan ng focus.
Maaaring magkapalit ang roles ng mga characters kapag nakalimot ang Isda.
Maaaring magbago ang anyo ng kuwentong isinusulat. O maaaring mawalan talaga ito ng anyo.
Maaaring magkaroon ng Book 2 to 500 ang kuwentong pang-isang libro lang dapat.
Maaaring maging palengke ang kuwento sa dami ng tauhang biglang naidadagdag. Kung ano rin ang uso, maaaring nailalagay sa kuwento kahit na hindi nababagay.
Maaaring bumisita ang writer's block anumang panahon.
Maaaring mali pala ang napiling execution ng kuwento.
Masalimuot at mapait ang revision dahil sa tsansa ng pamumutiktik ng filler scenes.
Mataas ang threat ng sabay-sabay na pagsusulat ng ilang kuwento.

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now