Building the Story: Three Types of Writer

7.1K 325 165
                                    

Maraming ritwal na kaakibat ang pagsusulat. Some writers feel the need to tidy up their desk first, some change their clothes, some listen to instrumental music, some recite invocations, some take a bath first, some brainstorm in the nude, and some write in seclusion. May nagsusulat nang nakatayo. May umiinom muna ng alkohol. May tumatakbo muna ng ilang milya bago magtipa. Ang mga ritwal na ito, gaano man kakaiba ay nagiging habit at mental conditioning upang tiyak na makasulat.

Ngunit bago natin hanapin ang ritwal o mga ritwal na magkokondisyon sa ating magsulat, kailangan muna nating harapin ang tinatawag na plotting.

Ang plotting o constructing a plot ay ang paglilinya o pagsasaayos ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento ayon sa elemento at pangangailangan nito. Ginagawa ito ng lahat ng manunulat, gaano man kadetalyado o kalimitado, at gaano man kasigurado. We do it actively by writing or passively by making notes and frameworks in our mind. Ang iba't ibang paraan ng plotting ay tumutukoy rin sa tatlong uri ng manunulat.

UNANG KLASE: THE OUTLINE MASTER (ANG TAGAPLANO)

Ang Tagaplano ay mas kilala sa tawag na plotter. Siya ang writer na deboto ng detalyadong pag-a-outline. Mas komportable siyang magsimulang magsulat kung may malinaw nang direksyon at pagkakasunod-sunod ang lahat ng mga eksena at kabanata ng kanyang kuwento. May mali kapag basta siyang nagsulat. May kulang kapag wala siyang guide. Kailangan niyang isulat ang buong istruktura ng kuwento, kasehodang magbabago ito sa simula, sa kalagitnaan, o bago ang katapusan.

Siya ang writer na karaniwang may plot notes o notebook. Maaaring gumagamit siya ng writing software kung saan puwedeng ilista ang lahat ng mga tauhan, i-sort ang character profiles, i-timeline ang lahat ng petsa at taon ng kuwento, i-save ang mga larawan ng lugar na pangyayarihan ng kuwento, i-storyline ang lahat ng eksena at kabanata, at i-note ang tiyempo ng foreshadowing, revelation, at conflict. Hindi siya nagsusulat nang hindi alam ang ending.

Sa kanya nababagay ang nasusulat sa natapos na kabanata nitong libro. Kakayanin niyang i-fill in the blanks ang mga sumusunod:

Characters (main and sub):
Setting (main and sub):
Plot:
Beginning
Middle
Conflict
End

POV:
Theme:

Title of the Story:
Prologue:
Scene/s
Chapter 1:
Scene/s

... and so on...

Hindi takot ang Tagaplano sa writer's block dahil alam na niya ang mangyayari sa kanyang kuwento. Plantsado na niya ang mga posibleng plothole at kontrolado niya ang mga elementong posibleng magpa-research pa kalaunan.

ADVANTAGES:

Dahil nakamapa ang buong kuwento, hindi naliligaw kapag nagsusulat.
Madaling mag-double check ng eksena at kabanata sa tuwing may threat ng possible errors.
Madaling mag-edit at mag-revise kapag kinakailangan.
Mabilis magsulat dahil tapos na sa isip ang kuwento.
Mas madali pumili ng klase ng execution.

DISADVANTAGES:

Kapag nagsarili sa desisyon si Character at hindi siya sumunod sa naiplano na, nabubulilyaso ang pagsusulat ng Tagaplano. Magdudulot ito ng posibleng kaguluhan at mahabang negosasyon.
Imposibleng mai-outline nang detalyado at depinido ang isang napakahabang kuwento o serye. Kaya naman, kapag may nagbagong detalye sa kuwentong isinusulat, kailangang mag-outline uli at mag-adjust uli ng Tagaplano.
Maaaring ma-misplace ang feels ng Tagaplano sa mga eksenang kailangan niyang isulat dahil alam niya kung saang parte ng kuwento ang pinaka-the feels.
Maaaring maging kulungan ang outline na tatanggihang baguhin ng Tagaplano sa tuwing may panibagong suhestiyon ang pangyayari, ang mga tauhan, o ang mismong conflict ng kuwento.
Maaaring hindi welcoming si Tagaplano sa mga sorpresang bigla na lang susulpot sa gitna ng malinis na outline niya.

Pagsulat ng Kuwento 101 (Published under PSICOM PUBLISHING)Where stories live. Discover now